Chapter 37

9.6K 303 33
                                    

DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko at sinalubong ako ng puting-puting pader sa paligid. Napatingin ako sa aparato sa gilid ko at doon ko lamang npagtanto na nasa ospital ako. Naramdaman kong may marahang pumisil sa aking kamay kaya unti-unti akong nagbaling ng tingin dito.

Nakita ko si Zaviar na nakayuko ang ulo sa gilid ng kama ko. Hawak niya ang kamay ko at marahan itong pinipisil-pisil.

Dahan-dahan akong gumalaw sa pagkakahiga na nakapagpa-angat sa ulo niya. His eyes were bloodshot and a bit puffy. I saw so many emotions in his face as he stared back at me — tiredness, fright, sadness, and some more that I just couldn't fathom.

"Baby..." Mabilis siyang napatayo at sinuri ang lagay ko.

Marahan niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko at tinitigan akong mabuti. Blangko ko siyang tiningnan pabalik.

"Thank God you're awake! How are you feeling?" sa kabilang ng saya sa kaniyang boses ay may pagkakataranta roon. "Wait, I'll call the doctor."

Hinalikan niya pa muna ako sa noo bago siya mabilis na lumabas. Wala pang isang minuto ay nakabalik na siya na may kasama nang doktor.

The doctor checked my vital signs. Zaviar just stayed on my side while the doctor was doing his thing. Pagkatapos ng ilang minuto ay nagbigay ng kaunting paalala ang doktor tungkol sa kalagayan ko.

"She's getting better. Mabuti na lang talaga ay agad siyang nadala sa ospital at hindi sobrang lala ng pagkakatama ng bala sa kaniyang likod. She just needs proper rest and some monitoring."

"Thank you so much, Doc," ani Zaviar.

Tumango ang doktor at lumabas na ng kuwarto. Muling bumalik sa pagkakaupo si Zaviar sa isang upuan sa gilid ko at muling hinawakan ang kamay ko. Masuyo niya itong hinalikan habang mataman pa ring nakatitig sa akin.

"Where's Kuya?" wala gana kong tanong.

"Inaasikaso niya 'yong pagpapakulong kay Elsie. Babalik din siya rito mamaya."

Mas lalo akong parang nawalan ng gana nang marinig ko ang pangalan na iyon. Binawi ko ang kamay ko mula kay Zaviar at nag-iwas ng tingin. Tumulala ako sa pader habang nagpapaulit-ulit sa alaala ko ang lahat ng nalaman ko mula sa babaeng iyon.

I didn't know that I just lived in a lie. I thought everything in the past just happened naturally, but the truth was, there was a hidden meaning behind everything. A hidden agenda. A deceitful truth.

What really hurts the most was the fact that those who fooled me and deprived me of the truth were the people I loved and trusted the most.

"Baby, what's wrong? May masama ba sa pakiramdam mo?" tanong ni Zaviar nang bawiin ko ang kamay ko mula sa kaniya.

I didn't answer him. I didn't look at him. My eyes were just looking directly at the wall while my mind couldn't stop remembering and realizing things. Things that I didn't even notice before. Things that I hoped I paid attention to just so I could save myself from being a fool.

Tila may unti-unting gumuguho sa dibdib ko habang inaalala ko ang lahat at habang unti-unting napagtatagpi-tagpi ang mga pangyayari. Sa kabila ng pagkakaroon ko ng kalinawan, pagkaguho naman ang tanging balik sa akin. Imbes na sumaya ako at makahinga nang maluwag dahil nalaman ko na ang totoo at ang dahilan ng lahat, para akong unti-unting dinudurog at pinapasakitan.

Why does knowing the truth always tend to hurt? Does it really have to be like that? Why can't people just know the truth without feeling hurt and betrayed? Bakit kailangang may maramdamang sakit pagkatapos?

"Fleury—"

"Were we really fixed to marry years ago?"

Naghintay ako ng sagot. Tila siya natigilan at hindi inasahan na itatanong ko iyon. Natapos ang mahabang segundo bago siya tuluyang nakasagot.

Raging Affection (Isla Contejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon