Chapter 9

7.9K 285 57
                                    


NAGMAMADALI kong sinikop ang mga gamit ko nang i-dismiss kami ng prof namin sa huling subject namin para sa araw na ito. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Deja habang pinagmamasdan ako.

"What's with the hurry?" tanong niya.

Nang mailagay ko nang ang lahat ng gamit ko sa bag ay isinukbit ko na ito sa aking balikat.

"I need to go, sis. See you tomorrow!"

"Wait--"

Hindi ko na siya hinayaan pang makahabol. Kumaripas na agad ako ng takbo palabas ng room. Ang totoo niyan, hindi kami puwedeng magsabay ni Deja palabas ng school dahil naroon si Zaviar at naghihintay sa akin! Makikita niya ito. Hindi pa puwede dahil hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang tungkol sa pag-e-espiya ko.

I saw Zaviar's dark grey Volvo XC60 parking in front of the school. I guessed he was inside which was good because I didn't want my fellow students to see him picking me up from school. Baka isipin pa nilang may namamagitan sa amin.

Lumapit ako sa sasakyan at binuksan ang passenger seat. I immediately slid inside and closed the door. I caught Zaviar watching me closely before he smiled. I smiled back.

Mabilis ko lang pinasadahan ng tingin ang kaniyang itsura. He looked so freaking fresh again. He smelled good and clean.

"Hi," I greeted.

"How's your day?"

"Fine. Just like the usual school days." Nagkabit ako ng seatbelt.

Minaniobra niya na ang sasakyan at nagsimula nang magmaneho. Tanaw ko sa bintana ang mga nagtataasang puno na nadadaanan namin. Maaliwalas ang kalsada at maluwag. Tiningala ko ang medyo makulimlim nang kalangitan. Hindi na gaanoong nakakasilaw dahil malapit naman nang mag-alas singko.

"Where do we eat?" I asked.

"I have a favorite Italian restaurant near Calizbo. Do you like Italian foods?"

"Yeah. Doon na lang tayo."

Tumango siya. "Daan muna tayo sa bahay. May kailangan kasi akong itawag na dokumento sa sekretarya ni Mayor. Nasa opisina ko sa bahay 'yong dokumento."

"Alright, no problem. Maaga pa naman. Okay lang kung alas sais na tayo pumunta ng Calizbo."

Pagdating namin sa bahay nila ay pinagbuksan siya ng gate ng mga unipormadong kalalakihan. Katulad ng una kong punta rito, nakita kong muli ang hindi mabilang nilang security guards. Nagkalat ang mga ito sa buong mansyon nila.

Ipinarada niya ang Volvo sa malawak nilang parking space. Bumaba kaming pareho at agad naman kaming sinalubong ng bati ng mga tauhan nila. He lightly held me on my waist as we walked on the few steps of stairs before their huge double doors.

Nang makapasok kami sa loob, ang mga kasambahay naman nila ang bumati sa amin. Nakita ko pa iyong ugly rat na muchacha na sinamaan ako ng tingin noong unang punta ko rito. Inirapan ko ito.

"Good afternoon, Councilor and Miss..." lito ang isang kasambahay na lumapit sa amin sa kung anong itatawag sa akin.

"Fleury," simpleng sabi ko.

Ngumiti ito. "Good afternoon po, Ms. Fleury." Agad na itong nagbaling kay Zaviar. "Konsi, bumisita po si Ms. Elsie. Naroon po siya sa hapag at naghihintay."

Natigil ang balak na paghakbang ni Zaviar sa sinabi ng kasambahay. Tiningala ko siya. Muli naisampal sa akin ang layo ng height namin sa isa't isa dahil sa pagtingala kong iyon. Para talaga akong maliit na kuting kapag katabi siya.

Nawala ang hawak niya sa baywang ko nang magkamot siya ng kilay.

"Bakit daw siya napabisita? May sinabi ba?" tanong niya.

Raging Affection (Isla Contejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon