Chapter 28

9.7K 407 96
                                    


IMINULAT ko ang mga mata ko nang maramdaman ko ang init ng sinag ng araw sa aking mukha. Gamit ang antok pang mga mata ay nakita kong tumatagos ang sinag ng araw sa makipot na puwang ng kurtina ng veranda.

Nag-inat ako at tuluyan na ngang nagising ang diwa. Napatingin ako sa wall clock at nakitang 10:15 na ng umaga. Tanghali na pala. Bumangon na ako mula sa pagkakahiga ngunit agad akong napasapo sa aking noo nang tila parang kumirot ang aking ulo.

"What the f--"

Saka ko lamang naalala ang nangyari kagabi. This was probably a hangover! I was a bit drunk last night and I was...

I was with Zaviar!

"Oh, my God?" bulalas ko sa aking sarili habang mas lumilinaw sa alaala ko ang iba pang mga nangyari kagabi.

Okay. So we talked for a while and then we went out of the bar, so we could go home. We stopped. I couldn't remember why we stopped.

Napatingin ako sa kisame at pilit inaalala kung bakit kami nahinto sa paglalakad. Hindi ko na masyadong ma-recall ang bawat pangyayari. Paputol-putol ang mga naaalala ko hanggang sa mag-flash sa utak ko ang paghalik ko kay Zaviar.

"Hala!" Napatakip ako sa aking bibig.

Mayâ-mayâ ay tinakpan ko ng unan ang mukha ko at doon na lamang napasigaw dahil sa kahihiyan at katangahan. Ano ba 'yan! Bakit ko ba hinalikan si Zaviar? Lasing nga talaga ako! My God, nakakahiya sa kaniya! Baka kung ano na lang ang isipin no'n sa 'kin. I mean... I get that we may be flirting with each other last night, but it wasn't on my plan to kiss him!

Kairita naman! Baka pa hindi niya nagustuhan ang ginawa kong 'yon kasi 'di ba, he was the one who lightly pushed me just so the kiss would stop. Oh, my God, I was so stupid! What the hell's gotten to me? It was so embarrassing!

Umalis na ako sa kama at nagtungong banyo. Naghilamos ako sa pag-asang baka mawala rin ang nakakahiyang alaalang iyon ngunit sarili ko lang ang niloloko ko. Buwisit!

Tumawag si Haira sa akin bandang hapon. Tinatanong kung ayos lang ako. Nakita niya raw ako kagabi na kasama si Zaviar kaya hindi na siya nag-abala pang hanapin o lapitan ko. Mukhang ligtas naman daw ako. Sinabi ko namang maayos akong nakauwi at tanghali na ngang nagising. Hindi ko na ikinuwento ang naging pag-uusap namin ni Zaviar lalong-lalo na ang panghahalik ko rito dahil ayaw ko na ngang maalala. Nakakahiya talaga ang ginawa kong 'yon.

Nang matapos ang weekend, balik na naman ako sa trabaho. Mabuti na lang ay natapos ko naman na ang iilang pending works sa bahay kaya wala na akong masyadong gagawin sa opisina.

Kasalukuyan akong may itina-type sa aking laptop nang mag-ring ang telepono na nakapatong lang din sa lamesa ko. I pressed "save" on my laptop before I took the call.

"Yes?"

"Good afternoon, Ms. Fleury. May naghahanap po sa inyo ngayon pero... wala po siyang appointment, e," I heard the voice of the front desk on this floor.

Kumunot naman ang noo ko. "Sino raw?"

"Mr. Zaviar Contejo po."

My eyes and mouth grew wider as the beating of my heart suddenly became wild. What was he doing here and why the hell was he looking for me? Hindi pa naman ako prepared! At saka nahihiya pa rin talaga ako sa panghahalik ko sa kaniya. Para akong tanga. Bakit ko ba ginawa 'yon?

I put my hand on my chest and I just felt the loud beating of my heart more. I breathed a heavy sigh before I even got to respond.

"Uh..." I cleared my throat. "Y-You can send him in."

Raging Affection (Isla Contejo #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon