Chapter 7: REMAIN MEMORIES

62 22 0
                                    


Dedicated to: jademarinell

Chapter Seven

     DALAWANG linggo na ang lumipas, simula noong nagkita kami ni Ianna sa mall. Dahil doon, parang buntot ko na si Nyte. Walang araw na hindi niya ako kinukulit. Nakakainis lang! Alam niyang may gusto ako sa kanya pero kung makapagkwento about sa feelings niya kay Irech, parang wala lang ako sa kanya. ‘Wala ka naman talaga sa kanya self!’

    “Mga babies ko, sorry ngayon ko lang kayo makukulit.” May ngiti sa labi kung wika, habang dinidiligan ang mga halaman.

    Inilagay ko sa gilid ng tanim ang garera at umupo sa katabing bench. Pumikit ako ng ilang minuto. “Ang ganda ng panahon ngayon...” Dinama ko ang paligid, wala akong work kaya free from hell ako.

    “...anyway kung maganda ang panahon mas maganda ako. ‘Di ba mga babies?” Dumilat ako at pinagtaob ang mga kamay. Hindi sumasagot ang mga babies kung halaman.

    “It’s okay ‘wag niyo nalang sagutin, alam ko namang speechless kayo sa beauty ko. Wahahahahah.”

    “Hey! Crazy” Napantig ang tenga ko, at lumingon sa nagsalita. “Gabi? Ikaw na naman? Naku sabihin mo nalang kasing na- inlove ka na sa ‘kin.” Nagsmirk siya, bago inabot ang isang lunch box. “Mom want to give this to you.”

    “Che! Sa ‘kin na nga ‘yan!” Umirap ako at kinuha ang lunch box. Bago pa ako naglakad papasok ng bahay. Kinuha ko muna ang garera sa gilid ng mga halaman. Pinaliit ko ang boses. “Tingnan niyo si Gabi mga babies, ang sweet niya ‘di ba? Nagdala siya ng pagkain para sa ‘kin.” Maloko akong ngumiti at mapang- asar siyang tinignan.

    As usual, walang nagbago sa expression niya. Nakakunot noo pa rin. Wonder woman, ikaw na talaga bahala sa supladong lalaking ‘to.

    “Tsk, your voice is so irritating.”

    Humakbang ako papalapit sa kanya atsaka tiningala ang naiirita niyang mukha. “Irritating ka d’yan e, lagi ka ngang nakabuntot sa ’kin makakuha lang ng info about kay Irech. Ano tingin mo sa ’kin google?” Inikot ko ang mata bago siya tinalikuran.

    Ngunit nakakailang hakbang pa lang ako, isang kamay ang humawak sa kanang braso ko. Nanigas ako sa kinatatayuan. Rinig ko mula rito ang napakalakas na pagkalabog ng puso ko. Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.

    Hinay- hinay akong lumingon. “A-ano?” Yumuko ako at pumikit ng mariin. ‘Wonder woman help! nauutal na ako!’ Naramdaman ko na naman ang kakaibang bagay sa tiyan ko.

    Binawi niya ang kamay sa braso ko.  At isinuksuk sa magkabilang bulsa ng pantalon niya.

    “Your blushing” Agaran akong tumingala, blush? Visible sa mata niya? “Hindi, hindi ako nambublush! Imagination mo lang ‘yang nakikita mo.” Umiwas ako ng tingin, kung labanan ng titigan hindi ko matatalo ang lalaking ‘to.

    Ramdam kong nakatingin siya sa ‘kin. Nakakainis! Ang pa- fall.

    Naglakas loob ako’t nakipagsukatan ng tingin sa kanya. “ ‘Wag mo nga akong tingnan. May crush ka sa ‘kin ‘no?”

Chasing My Happiness (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon