Chapter 20: DOUBT

25 13 0
                                    

Chapter Twenty


    “YOU’RE the real owner of this, at matagal na kitang gustong makita.”

    Tatlong beses ako pumikit, ngunit hindi pa rin nawawala sa paningin ko si Nyte. Nakangiti ito at hawak ang black ballpen. Nanatili akong tahimik habang siya ay naghihintay ng isasagot ko.

    “Do you still remember me?” Kinuha niya ang kamay ko at inilagay sa palad ko ang ballpen. “Nagkamali ako Asin, ikaw ‘yong batang hinahanap ko.” Ngumiti siya, ngunit nanatili lang nakalipad sa kung saan mang lugar ang isip ko.

    Hindi ko alam ang pinagsasabi niya. Nagtaka ko siyang tiningnan. “Di mo ba ako maalala? Ako ‘yong batang narinig mong umiiyak sa kwarto. You comfort me that time, you make me feel I’m not alone.”

Ngumiti siya ngunit hindi umabot sa mata niya dahil sa naging reaction ko. Pinag- aralan niya ang mukha ko. Nanatili siyang nakatitig sa akin.

    Inilihis ko ang paningin saka tumayo. “Umuwi nalang tayo, maggagabi na,” palusot ko.

Nakita ko naman ang pagkibit balikat niya. Naging mabilis ang pangyayari, nakita ko nalang ang mga sarili naming bumabyahe na pauwi.

Tahimik siya habang nagdadrive. Tumikhim ako saka tinapik ang balikat niya. “Sorry, madami kasing pangyayari na dumaan sa buhay ko. Kaya siguro, hindi ko na yon maalala.”

    Matamlay pa rin ang kilos niya hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay. Tinanggal ko ang helmet. “Salamat...” wika ko saka tumalikod.

    Ramdam kong nakatingin pa rin siya sa ‘kin, kaya nilingon ko ito upang masiguro. Nakangiti ang mga labi niya ngunit sumisigaw ang kalungkutan sa mata. Paunti- unti siyang lumapit, kaya napalunok ako. Sa gitna ng katahimikan, tanging pintig ng puso ko lang ang narinig ko. Ramdam ko ang mata niya, nakatingin sa akin ng puno ng lungkot. Ngunit hindi ko magawang tumingin sa kanya.

    “Asin...” Bigla niya na lamang akong niyakap, isinandal ang ulo sa balikat ko. Hindi ako nakatugon sa yakap, tanging pagtataka lang ang nasa isip ko. “Nahanap din kita, alam mo ba, matagal ko ng gustong makita ang batang 'yon. Na akala ko ay si Irech, pero ikaw pala.”

    Matapos bitawan ang mga salitang ‘yon, naging malinaw sa akin ang lahat. Lumayo ako sa pagkakayakap. “Aeshin, I love you...”

    Masaya ang puso ko, ngunit may kakaiba sa sarili. Na para bang may side sa puso ko na malungkot. Sari-saring tanong ang lumabas sa isip ko. “M-mahal? Mahal mo ba talaga ako?” Nailabas ng bibig ko, nakatitig lang siya sa ‘kin.

    Habang hinihintay ang sagot niya, tila isang pelekulang nagpaplay sa utak ko ang mga bagay na nagawa niya kay Irech, at lahat ng masasakit na sinabi niya sakin.

    “Oo Aeshin, mahal kita! Noong unang beses palang na narinig ko ang boses mo, and I’m an idiot, to treat you as hell. I know I’m rude to you, actually, I don’t deserve you but Aeshin I love you. . . and I mean it.”

    ‘Masaya dapat ako’ bigla na lamang lumandas ang butil ng luha galing sa mata ko. Isang alaala ang nagplay sa utak ko. Nagkakagulo sila, hindi ko alam kung totoo ang mga pinagsasabi niya.

    Nag-iba ang reaction ng mukha niya, lumapit ito sakin saka pinahid ang luha ko gamit ang hinlalaki niya. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi. “Shh... why are you crying? Hindi ka ba masaya?”

    Inilayo ko ang mukha, at ako na mismo ang nagpahid sa mga luha ko. “Hindi sa ganoon. Ito kasi Nyte... Hindi mo ako mahal kong iyong childhood memories mo lang na yon ang basihan mo. Mas nakasama mo ng matagal si Irech, kinuwento mo nga na lumipat ka ng school para lang sa kanya.

Chasing My Happiness (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon