Dedicated to: sherylmaebacala
Chapter Six
(Aeshin Alcantara's P.O.V)“MASARAP ba?” Tinaaas ko ang kilay, matapos tikman ni Nyte ang kare- kare. “Sakto lang” Umirap ako. “Tsk, sakto lang? 'yon lang?”
Binaba niya ang kutsara at nakakunot noo akong binalingan. “What do you want to hear?” Umiwas ako ng tingin bago bumuo ng salita. “Sa 'kin na nga 'yan! May pupuntahan pa tayo.” Padabog kung kinuha ang lalagyan ng kare- kare.
Hindi niya agad binitiwan ang lunch box. Umiwas ito ng tingin. “Ubusin ko nalang.” Nanlaki ang mga mata ko, hindi ko maiwasang ngumiti.
Hinampas ko ng mahina ang kanang balikat niya. “Ayieee, akala ko ba sakto lang? Yiee ikaw crush huh? Gusto mo lang tikman mga luto ko. Wahhhh! Aminin mo nalang kasi hahahahah.” He just glare bago sumubo ulit.
Nag- cross arm ako. “Ang sungit talaga! Che!” Hindi niya ako pinansin, aba! inignore ako ni crush.
Umayos ako ng upo. Ngumiti ako at pinagtaob ang mga kamay bago isinandal ang baba rito. Ningning ang mga mata ko siyang tinitigan. “Stop staring, tsk.” Hindi ko siya pinakinggan.
Sinungitan niya ako pero ito pa rin ang labi kong hindi mapigil sa pagngiti. “Abnormal ka ba?” Tumingin ako sa gilid at tinakpan ang mukha. “Tsk. Stupid.”
Ganito ba talaga ang feeling? May nagpaparty na sa puso ko. Hinilamos ko ang dalawang kamay sa mukha.
“Tsk”
“Kumain ka nalang nga d'yan! Pabayaan mo na ako, kinikilig lang ako!”
Nakakatuwa kasi, nagustuhan niya ang niluto ko. May pag- asa pa lang magustuhan din 'to ni papa. Alam ko soon, may tiwala ako sa sarili ko.
Namalayan kong tapos na pala siya sa pagkain. Inilagay na niya sa harap ko ang lunch box. “I think you need to go to the mental hospital.”
Tinanggal ko ang nakatakip ng kamay. Ewan, nababaliw na yata ako. Ang sungit niya pero nakangiti pa rin ako. Tsk, baliw na talaga.
Tumayo ako sa harapan niya. “Panira ka ng moment! Kinilig pa nga ako e, dahil bukod sa kanila ni 'nay Mara. May isa pang taong nagustuhan ang luto ko.” Nagsmirk lamang siya. Wonder woman, help! Ang sungit ng lalaking 'to.
“Hindi ko nagustuhan.” Tumawa ako ng napakalakas. “Oo na, hindi mo nagustuhan pero naubos mo naman?” Muling kumunot ang noo nito.
“Halikana nga!” Pinulupot ko ang kamay sa kanang braso niya. Hindi siya pumalag, kunot noo at umuusok ang ilong siyang bumaling sa 'kin. “Ano na naman!?” Ngumiti ako ng todo, atsaka itinaas ang kaliwang kamay. “Ang cute mo talaga!” Pinisil ko ang pisngi niya.
“D*mn! What is your problem?!”
Imbes na sagutin siya, tumawa ako bago nagsimulang humakbang papalabas sa cafeteria, nakapulupot pa rin ang kanang kamay sa braso niya.
“Sasamahan mo pa ako, sakto, madami akong bibilhin ngayon! Sige ka subukan mong umayaw gagayumahin kita!” Mahina siyang tumawa. Tumawa? Bago 'ata 'yon e. I mean tumatawa naman talaga siya, pero pagkasama ako hindi!
Sinundot ko ang tagiliran niya. “Ayiee ba't tumawa ka kanina?” Nagsukatan kami ng tingin. Napakalalim at nakakawala sa sarili ng mata niya. “Bawal ba?” Nanatili siyang nakatitig at ganoon din ako.
BINABASA MO ANG
Chasing My Happiness (UNDER REVISION)
Romans(ONLY HAVE FEW CHAPTERS REMAINING ON MY DRAFT. BUT I NEED TO POLISH THE WHOLE NOVEL) Aeshin Alcantara, a brave woman but fragile inside. On the outside she's smiling, but deep inside she's dying. She is suffering from a never ending heartaches. A w...