Chapter 22: PAIN RELIEVER

26 13 0
                                    

TAHIMIK akong nakaupo sa sofa. Nasa harap ko si Dad at si Mrs. Encarnacion. Humigpit ang pagkakahawak ko sa short ko. I am sweating kahit hindi naman mainit dito sa loob. Inilibot ni Mrs. Encarnacion and paningin, bago bumaling saakin.

"We have made a decision," aniya. Hinawakan niya ang kamay ni Dad. Bumuntong hininga naman si Dad. Sinulyapan niya si Mrs. Encarnacion sensyalis na magsisimula na siya sa pagsasalita.

"Aeshin," panimula niya. "Ipapakilala ka na namin sa publiko bilang isang Encarnacion."

Hindi ako nakapagsalita. Ngumuhit ang ngiti sa labi ko. Nanlaki ang mata dahil sa saya. Nakita ko rin ang pagngiti ni Mrs. Encarnacion sakin. Ang gaan sa pakiramdam. Hindi ko expected na ito pala ang gusto nilang pag- usapan namin. Finally I will be part of their family.

Nawala bigla ang ngii ko ng maalala ang kalat na nangyari noong nalaman ng publiko na isa akong Encarnacion. Alala kong tiningnan si Papa. "Pa'no po kayo? 'Yong company?"

Hinawakan niya ang kamay ko. Naramdaman ko nalang ang panunubig ng mata. Nginitian ko siya. "Don't worry anak, ako na ang bahala," he utter softly.

Walang salita na lumabas sa bibig ko, yumakap ako sa kanya ng mahigpit. Ganito pala ang feeling na may Papa ka. Yong gagawin ang lahat para sayo. Ito ang pangarap ko. Sa tanang buhay ko, ang tanggapin nila bilang parte ng pamilya.

"Mamayang gabi, ang party. Don't worry dahil nakaarrange na ang lahat."

Bumitaw ako sa pagkakayakap at bumaling sa kabilang dalawa. "Mamaya po ba talaga? Bakit po biglaan?"

Mrs. Encarnacion patted my shoulder. "Dahil gusto ka na naming maging parte ng pamilya."

Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha, niyakap ko si Mrs. Encarnacion. Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko. Sa yakapan namin naramdaman ko ang presensya ng isang Ina. Naalala ko si Mama. Kung nandito man siya ngayo, alam kong masaya siya para sakin.

"Paano ba yan? Aalis na kami, mamaya susunduin ka nila Yaya. Be ready okay?" ani Mrs. Encarnacion.

Inihatid ko sila sa labas ng bahay, kumaway ako sa kanila ng umandar na ang kotse nila. Nakahawak sa puso at nakangiting pumasok ng bahay. Kumakanta- kanta ako habang nililigpit ang juice na inihanda ko sa kanila kanina. Itinaas ko ang kamay at sumayaw- sayaw papunta sa kusina. Napapasayaw na ako sa sobrang saya. Napatigil lang ako nang tumunog ang doorbell. Inilagay ko muna sa sink ang baso bago nagtungo sa pintuan. Binuksan ko ito at bumungad si Nyte.

Iniangat niya ang brown paper bag na dala. "May dala akong pagkain." Inabot niya sakin ang paper bag.

Tinanggap ko at nginitian siya. Nagtaka naman siya sa reaksiyon ko. "Ang saya mo yata ngayon?"

Umiling ako at tiningala siya. Humawak ako sa braso niya. "Guess what?" aniko.

Nagtaka ang mukha niya. Tumalon talon naman ako sa saya. Pinahawak ko ulit sa kanya ang paper bag. "Ipapakilala na nila ako bilang isang Encarnacion!" Ikinawit ko ang braso sa leeg niya.

Naramdaman ko ang isa niyang kamay na humawak sa likod ko. "I'm happy for you." Malapad siyang ngumiti. Kumikislap din ang mata niya.

Kinuha ko ang paper bag at hinawakan siya sa balikat. "It's time to celebrate, kaya tara kainin na natin to!

Inihanda ko na sa pinggan ang dala niyang fried chicken. The whole time nakatitig lang siya sa mukha ko. Nakangiti ang mata niya sakin. Umupo ako sa katabi niyang stool.

"May dumi ba ang mukha ko?"

He smiled. "I just love to see you smiling, ngayon lang kita nakitang ganito ka saya. And I don't want to miss a single detail of your face."

Chasing My Happiness (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon