Chapter 21: CHANCE

23 12 0
                                    


IT’S been a week, simula nong mangyari sa tabing ilog. Pinagleave din muna ako sa kompanya. Ang daming nangyari pero ngayon focus muna ako sa sarili ko bago ko alalahanin ang trabaho, sila Dad at ang publiko na ngayon alam ng isa akong Encarnacion.

Naramdaman ko ang sikat ng araw, I was busy cooking my breakfast. Ready na ako papunta sa Orphanage. Nang maluto ang itlog at hotdog, kinuha ko na ang kawali. Inihanda ko ang pagkain sa mesa.

Simula noong isang araw ay hindi na ako nakapunta sa kanila ni ‘Nay Mara. Hindi ko kayang makita si Nyte. Bigla ba namang nagconfess sakin. And I am not sure if I should be happy or what. Sa tingin ko kasi ang babaw ng reason niya. Wonder Woman ikaw na talaga bahala!

Nagtimpla ako ng kape, saka nilagay ito sa mesa. Nagsimula ana akong kainin ang niluto kanina. Wala nga pala akong trabaho ngayon, kaya pupunta ako sa Orphanage. The last time na pumunta ako don eh yong araw na aksidente kong nahalikan si Nyte. Hiyang- hiya na ako sa kanila ni Mother. ‘Di na kasi ako nagpakita sa kanila after it. Nang matapos sa pagkain at pagkakape, I stood up at pumunta sa kwarto, kinuha ko ang sling bag at smartphone sa table.

Tiningnan ko saglit ang sarili sa salamin, naglagay ako ng lipbalm at kaunting foundation. Inayos ko ang denim skirt at oversized black t- shirt. Napatitig ako sa t- shirt ko.

“Black. Nyte always love to wear black. Argh! Bakit ko ba siya iniisip?”

Lumabas na ako ng kwarto, pagkababa ko sa hagdanan, I turned off the air-con tipid since aalis naman ako, walang taong maiiwan dito. Pagkalabas ko ng bahay, kinuha ko ang garera sa gilid ng garden. May tubig na ito dahil lagi kong nilalagyan tuwing gabi, diniligan ko ang tanim.

“Bye babies! Babalik ako mamaya.”

“Hilig mo talaga kausapin mga tanim ‘no?”

Napantig ang tainga ko, ang boses na ‘yon. Kahit di pa ako lumingon alam kong sa kanya yon. “Bakit nandito ka? Sa pagkakaalam ko wala akong utang sayo.” Ibinaba ko ang garera.

Nakangiti siya at tinuro ang kanyang motor, may dalawang helmet na nakapatong dito. “Nandito ako para ihatid ka sa Orphanage.” Ngumisi siya, it's so rare to see him in this aura.

Nagcross arm ako saka tinaasan siya ng kilay. “Bakit mo nalamang pupunta ako sa do’n?” I walk near him at mapanuri siyang tiningnan. Ewan ko ba anong nakain niya, nakangisi lang kasi sakin. Lumapit siya bigla kaya napaatras ako. Pero bago pa ako makalayo hinawakan niya ang dalawa kong balikat.

“Relax okay? Hindi ako kidnapper. I won’t harm you. . .” he paused. Kinuha niya ang smartphone sa bulsa at may ginawa siya don saka pinakita sakin ang screen “. . . I saw your my day kaya nalaman ko.”

Mas lalong tumaas ang kilay ko. “For? real stalker ka na pala ngayon?” Hindi man lang siya naiinis sa reaks’yon ko like he usually do.

Kinuha niya ang helmet na nakapatong sa motor at isusuot na sana sa akin ng biglang may bumusina sa likod.

“Nakalimutan ko pala, sabay kami ni Xider pupunta sa Orphanage.”

Nawala ang ngiti ni Nyte, nilingon niya ang kotseng nakaparada sa harapan namin. Sinulyapan ko saglit si Nyte, nagdikit ang mga kilay niya at sumeryoso ang mukha.

“Pinaghintay ba kita ‘Nget?”

“Nope, timing ka lang tara na!”

Tiningnan niya saglit si Nyte saka bumalik ang tingin sakin. Hinawakan ni Panget ang pulsuhan ko at wala naman akong naramdamang malisya doon kaya hindi ako umangal. Sabay kaming natungo sa kotse niya.

“Teka lang. . .” a hand grab me. Mapatingin ako kay Nyte, he eyed Xider and said, “sasabay na ako sa inyo. May urgent business si ‘Nay Mara about sa Orphanage. Ako ang pinapapunta niya.”

Chasing My Happiness (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon