Chapter 12: FIRST

25 17 0
                                    

Chapter Twelve

    “WONDER woman, help!” Kinagat ko ang tatlong kuku sa kaliwang kamay. Yumuko ako at pumikit ng mariin. Nasa sala ako ng bahay, at nakadekwatrong nakaupo sa sofa. Nakaon ang tv ngunit hindi naman ako nanonood.

    Padabog akong tumayo. “Sh*t naman! Ang bobo mo talaga self. Hindi ka na nahiya sa sinabi mo kanina, at sa harap pa talaga nina Nyte at 'Nay Mara! Ang kapal lang!” Magulo ang isip ko at lumakad patungo sa banyo. Tumingin ako sa harap ng salamin.

    “I will sue you for stoling my heart!” Nalugwa ang mata ni 'Nay Mara. Napatakip sa bibig si ate Bliss at kumunot ang noo ni Gabi. “Are you insane?” ani Nyte.

    Tatlong beses akong kumurap, napatakip ako sa bibig nang marealize ang sinabi ko kanina. Nakakaturn- off ’yon promise. Alam ko, hindi kumbinsido si Gabi sa palusot ko. Kainis naman. Ikaw na talaga bahala wonder woman!

    “Okay ka lang ba hija? Bliss, i-check mo si Shin baka umiipekto pa rin ang alak sa kanya kagabi.” Huminga ng malalim si 'Nay Mara at lumapit sa akin. Dinampi niya ang kamay sa leeg at noo ko. “Hindi ka naman nilalagnat,” aniya.

    “I think, she need to go to the mental.” Yumuko ako at itinakip ang buhok sa mukha. ‘Mag-isip ka ng palusot self!’ Tipid kong sinulyapan si ate Bliss, hindi maipinta ang mukha nito. Si Nyte ay nakakunot noo pa rin. Humugot ako ng buntong hininga.

    “Hindi!” Pinuwesto ko ang dalawang kamay sa gilid ko. “Hindi!” Umatras ako ng kaunti at tiningala sila. “May problema ba hija?” Awkward akong ngumiti at isa-isang binalingan sila. “O-oo naman ay h-hindi pala. Okay lang hahahah. Ano kasi nagpapractice ako para sa program namin soon. Ano kasi, ano umm... sa anniversary ng company magsasagawa ng drama contest. Dahil maganda naman ako at talented, why not try to join?” Tumango sina 'Nay Mara at ate Bliss, habang nanatili si Nyte sa kaninang expres’yon.

    “Tsk,” ani Nyte tsaka humakbang paakyat sa hagdanan. “Heh-heh-heh ummm... 'Nay uwi na pala ako.” Kinamot ko ang batok at nag-aalangang tinuro ang pintuan. “Bakit naman Shin? Kakarating mo lang,” singit ni ate Bliss. Humawak ako sa dulo ng buhok at inikot-ikot ang darili ko doon. “Ano kasi, may---”

    Hindi ko natapos ang pagsasalita nang tumunog ang smartphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa. Nget ang pangalan ng caller. “Sagutin ko muna.” Limang beses akong humakbang papalayo sa kanila.

Chasing My Happiness (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon