Dedicated to: PrettyJameela
Chapter Eight
“ATE, s-sabi ni papa umuwi na raw po kayo.” Naramdaman ko ang paghawak ni Ianna sa kabilang balikat ko. Pinahid ko ang luha bago siya nilingon. “P-ero...” Hindi ko natuloy ang dapat na sasabihin.
Nanginginig ang mga labi at patuloy ang mga luhang umaagos sa mata ko. “Tsk, stop acting Aeshin. You want money right? I’ll give you then.” Mahigpit akong humawag sa hoodie, nasa labas ng kwarto si Nyte.
“Ate, Irech...” Humawak si Ianna sa kamay ni Irech, sinubukan nitong pigilan ang kapatid. “No, Ianna, let me tell this things to her.” Humakbang siya papalapit sa ’kin. Tinaas niya ang kanang kilay.
Naglakas loob akong tumingala, agad sumalubong sa ’kin ang matalim na tingin ni Mrs. Encarnacion, nakahawak ito sa balikat ni papa.
Tumingin sa akin si papa, ngunit hindi ko man lang maramdaman ang pagkaawa. Kinahihiya, iyon ang nakikita ko sa mata niya. “Alam mo ba kung gaano ka laking gulo ang pinasok ng mama mong malandi?! How dare you to come her? Tsk, you’re a daughter of prostitute!”
“Ate naman, walang kasalanan si ate Shin!” Bigla na lang sumigaw si Ianna, nagmistulang pipi ang lahat dahil sa pagsigaw niya.
Pinahid ko ang mga luha. “Hayaan mo siya Ianna.”
“Pero ate... wala ka namang kasalanan.” Lumapit ito sa akin. “Tsk, so you already poisoned Ianna’s mind? Sis, I'm warning you. Don’t you dare to get close to her.” Mas lalong humakbang papalapit si Irech.
“Baka magaya ka sa kanya.” Sarkastikong anito. Huminga ako ng lalalim, mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa laylayan ng hoodie. “Pwede ba, tigilan mo na iyang kakasatsat mo! Kung wala ka lang ding magandang sasabihin, kahit ngayon lang naman Irech!” Nanginginig ang mga kamay, namumula ang mga mata ko siyang sinagot.
Tumaas ang kilay ni Irech at mas lumapit sa akin, ngunit bago pa niya ako masampal. Pumagitna si Ianna. “Please, ate... tama na.” Bumusangot si Irech, nilingon niya si papa at ang mama niya.
Tinignan ako mula ulo hanggang paa ni Mrs. Encarnacion. “Umalis ka na.” Mahinahon, ngunit makapangyarihan niyang wika.
Bumaling ako kay papa, ilang segundo akong tumitig sa mata niya. Nagpipigil ng hikbi at umaasang, ipagtatanggol niya ako.
“Leave this place.” Isang patak ng luha ang tumulo sa mata ko. Sandali akong natulala sa harap ni papa. “Ate, Shin...” Humawak si Ianna sa balikat ko.
Nagmistula lamang akong estatwa. “Don’t you hear it? Dad says get lost,” ani Irech. Umiwas ako ng tingin bago pinahid ang mga luha.
“Get out, I’m warning you. Paghindi ka pa lumabas hindi kita bi----” Mapakla akong ngumiti, at pinutol ang sasabitin ni papa.
“I will, lalabas na ako. Dahil inutus ninyo. Aalis na ako. Papa.” Huli kong salita bago mabilis na humakbang palabas sa kwarto.
Hindi na mapigil ang luha ko, nanginginig ang mga kamay. Kumakabog ang dibdib. “Aeshin!” Nilagpasan ko lang si Nyte na nakaupo sa waiting area.
Hawak- hawak ko ang tapat ng dibdib, deretso akong lumakad palabas ng hospital. Nanlabo na ang paningin ko. Hindi ko na inabala kung saan ako daan. Nagmukha na akong baliw ngayon, sa paningin ng lahat.
“Aeshin, wait for me!” Nakasunod pa pala siya. May narinig ba siya kanina? Hindi pwede!
“Aeshin!”
BINABASA MO ANG
Chasing My Happiness (UNDER REVISION)
Romance(ONLY HAVE FEW CHAPTERS REMAINING ON MY DRAFT. BUT I NEED TO POLISH THE WHOLE NOVEL) Aeshin Alcantara, a brave woman but fragile inside. On the outside she's smiling, but deep inside she's dying. She is suffering from a never ending heartaches. A w...