Chapter 15: STRANGE FEELINGS

26 17 3
                                    

Chapter Fifteen

   

    Nyte Marquez P.O.V

    TAHIMIK akong nakahiga sa apat na sulok na kwarto. Hindi ko malimutan ang nangyari kanina. Marahan kong hinaplos ang bukol sa noo. It is still painful, pero parang unti-unti nang nawawala. ‘I always drown myself into her charm.’ Huminga ako ng malalim. Oo nga pala, kanina, muntik na akong madala. Mahahalikan ko na sana siya.

    I saw the way she cry. I always saw her smiling but underneath those blissful face is a broken heart. Bumangon ako sa kama at napasabunot sa ulo. Pagkatapos noong nangyari sa Orphanage hindi na ako makatulog. I can no longer act the normal way. Palagi nalang dumadaan sa isip ko ‘yon. Whenever, Mom and ate Bliss mentioned her name, my system suddenly react. Noong isang araw, hindi ko siya inaasahang makita, and the fact that she love kids make my heart flutter.

   
    “Ugh! Stupid heart!” Bumaling ako sa orasan. It is already 10:00 o’ clock in the evening. But still, here I am reminiscing the accident that happened in the Orphanage. Pabagsak kong binalik sa pagkahiga ang katawan. Inilagay ko ang likod ng kanang braso  sa noo. Noong araw na nakita niya kami ni Irech my kakaiba akong naramdaman. I see pain on her eyes.

   
    Noong umalis siya sa lugar, wala sa isip akong sumunod. Bakit ko siya sinundan? Iyon ang tanong ko sa sarili noon na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang sagot. Nadatnan ko siya sa tapat ng office ni Mr. Encarnacion. Inabot nito ang isang lunchbox sa sekretary ng papa ni Irech. Kabang-kaba ako sa mga oras na ‘yon dahil tinanggap na ng lalaki ang lunchbox at humakbang na paalis si Asin. Nagtago ako sa gilid ng pader upang hindi niya makita. Aalis na sana ako noon, ngunit, nakita ko kung paano itinapon ng lalaki ang lunchbox sa basurahan.

   
    Kumuyom ang kamao ko. “Fvck! That idiot.” Gusto kung panggigilan iyong nagtapon ng lunchbox. I know, Shin, put some effort in preparing it.

   
    Kinuha ko ang smarthone sa gilid ng mesa na maliit. I on the data ang browse to the internet. Hindi ko alam pero, may bigla nalang humila sa kamay ko. A sudden force that pushes my index finger to the setting of my account. The next thing I knew, kaharap ko na ang Block list. Nag-iisang pangalan lang ang nandoon. Tinitigan ko ng ilang segundo ang screen ng smartphone bago pinindot ang unblock.

   
    Hindi lumipas ang segundo. Namalayan ko nalang ang sariling nagscoscroll sa timeline niya.  Puro shared post ang nandoon. Tinap ko ang profile niya. Nakahawak ito ng Red Rose at nakavintage dress. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang nakangiti.

   
    ‘The kiss, it was my first’ Hindi ako nakaharap sa salamin. Pero ramdam ko ang pagpula ng tainga. I felt something inside my chest. Fvck this unusual feeling. Sa gitna ng pagscoscroll may nakita rin akong vedio sa timeline niya. My lips form a smile. Ang cute niya, kasama niya si Mom at ate Bliss, habang nagtitiktok.

   
    Boring itong account ko dahil wala masyadong post. But, scrolling on her timeline makes it not. Nagdecide akong i-add siya. Pagkatapos, nagscroll sa mga comments doon sa tiktok.

   
    Kumunot bigla ang noo ko ng makita ang comment ni Xider ‘🙋👉😍👉U’ May gusto ba siya kay Asin? “That bastard!” may sampo itong reply.

Aeshin: Ano ‘yan Nget? Jeje much?

Xider: Hoy Panget, bobo ka rin ‘no?  Hindi hulaan mo ano ‘yan!

Aeshin: Hahahhaha, si Wonder Woman nalang kaya tanungin mo? Suggest ko lang.

Chasing My Happiness (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon