Chapter 2: DESTINY

88 24 9
                                    

Dedicated to: iiidaaa_aa

Chapter Two

"PERFECT 'to! " Itinapat ko sa salamin ang isang oversize t-shirt, kulay pink ito. Pinaresan ko ito ng high waist short na kulay black. Blackang pink, na miss ko tuloy si Ianna. Fan pa naman siya ng blackpink. Nakakamiss ang batang 'yon. Pumasok na ako sa wardrobe atsaka nagbihis. Nang matapos, humarap ako sa salamin. Naglagay ako ng lipgloss at foundation para hindi magmukhang hagard.

Tinambak pa naman ako sa work kanina, at ang stress pa. Sinuklay ko ang mahabang buhok. May iilang hibla akong inipit sa kaliwang tenga, hinayaan ko lamang itong sumayaw sa hangin.

Bumaba na ako, nang makalabas ng bahay tumambad saakin ang iilang mga tao na nakikichismis sa bahay nila 'nay Mara. "Hi iha!" binati ako ng isang kapitbahay namin. "Hi po! Sige pasok na po ako."

Anong meron? Para atang may artista. Dumeretso ako sa loob hanggang sa makapasok ako, nakangiting sumalubong si ate Bliss. "Shinnnnnnnn!" Tinakpan ko ang tenga. "Ang tagal mo." Umirap ako at tinanggal ang takip. "Ang grabe mo tumili ate, nakakabasag eardrums." reklamo ko, tumawa lang siya. Aba! Kahit kailan parang laging may kaharap na clown talaga 'tong si ate Bliss.

Personal nurse ni 'nay Mara si ate Bliss, at stay- in siya rito kaya na close ko rin siya."Hahahahah ang tagal mo kasi, ako lang tuloy mag- isa ang namigay ng pasalubong sa mga kapitbahay." Tumawa ako, sino ba namang hindi? Ang kuwento palagi ni 'nay Mara nasa probinsiya ang anak niya. E, kung makahingi ng pasalubong ang mga kapitbahay parang nasa abroad.

"Pasok nalang tayo ate, nangangalay na ako. Atsaka gutom ako kakauwi ko lang galing work. Pa meryenda naman." Tumawa na naman ito. Sige. Siya na masaya, smiling face kasi lagi.

Hinawakan niya ako sa braso. Nakikita tuloy ang katangkaran ko, joke! Matangkad lang ako kaunti kay ate Bliss. "Dali may pagkain doon." Tumango ako.

Natakam ako ng makita ang mga pagkain, sasabak ako ngayon sa kakaibang labanan. Lumapit ako kay 'nay Mara, na ngayon ay hindi mawala ang pagngiti. Nagbeso ako sa kan'ya bago umupo sa tabi ni ate Bliss, may bakanteng upuan sa gilid ni 'nay Mara na ngayon ay kaharap ko.

"Mom, ate Bliss who own this ballpen?" May boses na nagsalita. Ballpen! Ballpen! Ballpen?! Nakaramdam ako ng mga yapak patungo sa amin. "I think I own this before." Napantig ang tenga ko at lumingon. "Color black ba...?" Nanlaki ang mga mata ko.

"It's obvious you've seen it." Kumunot ang noo ko. "Kay Shin 'ata 'yan." Kinuha ni ate Bliss ang ballpen habang kinikilatis ito. "Tumpak! Sa 'yo nga Shin. " inabit niya ito saakin. Ngunit nanatili akong nakatulala sa lalaking kaharap ko. Matangkad siya, puti, nakasuot ng black t- shirt na pinaresan ng ripped jeans. "Namamalikmata ba ako?"

Tinapik ako ni 'nay Mara. "Iha are you okay?" Hindi ako makapaniwala. Nandito siya? Nandito siya sa harapan ko. Siya 'to e.

Kinalabit ako ni ate Bliss, atsaka bumulong. "Gwapo ang anak ni 'nay Mara pero Shin matu- turn off 'yan. Kulang nalang tumulo laway mo. " Hindi ko siya pinansin.

"Whats wrong?" Kunot noong tanong niya.

Sa pananalita, kilos, aura, siya 'to e. Hindi ako pweding magkamali. Naalala ko pa, ang huli naming pagkikita.

"Go baby Nyte!" Puro hiyawan ang namayani sa gymnasium. At nakakairit, ang kapal ba naman ng mga pagmumukha nilang isigaw na baby nila si Nyte! Basketball championship ngayon ng interschool.

Nakasuot ako ng cheerleader uniform namin kulay pink ito. Masigla naming pinapagaspas ang pompom sa ere. Ako ang leader ng cheerdance, kaya ako ang bida. Pero dahil nga pinanganak akong maganda, marami pa ring haters.

Chasing My Happiness (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon