Chapter Eleven
“ALIPIN ako na umiibig sa 'yo, bakit ikaw pa rin sa puso ko🎶.” Nakatayo ako sa ibabaw ng sofa. Hawak-hawak ang microphone sa kaliwang kamay ko. Nagkalat sa paligid ang mga chirchiryang wala nang laman at bote ng alak.
“Bakit ikaw pa rin sa puso ko. Alipin ako ng yakap mo’t mga halik🎶.” Nanghina ang tuhod ko at hinay-hinay na napaupo sa sofa. Papikit na ang mata ko, ngunit, nilabanan ko ang antok at inalis ang nakaharang na buhok sa mukha.
Inabot ko ang bote ng alak. “Cheers pa! Alipin ako? Wahahahah.” Humikab ako, ngunit nakuha ko pa ring idilat ang mata atsaka uminom.
“Wohohohoho, let us sing everybody!” Itinas ko sa ere ang isang kamay at gumiwang-giwang na tumayo. “ 'Kala niyo hah! Oo na, kayo na ang mahar! Ayaw ninyo sa ’kin. Bye na! Bahala na si wonder woman sa inyo!”
“Alipin ako na umiibig sa ’yo, bakit ikaw pa rin sa puso ko. Alipin ako, ng yakap mo’t mga halik. Bakit 'di magawa na magtampo, paano ba ito🎶.”
Dalawang beses na tumunog ang doorbell, ngunit nanatili akong nakatuon sa pagkanta. “Alipi---” Tumunog ulit, kaya padabog kong binitawan ang mic saka kinamot ang buhok.
Pagiwang- giwang akong lumakad patungong pintuan. “Kains! Kanta pa ako e.” Binuksan ko ang pinto at tumambad sa ’kin ang imahe ni Nyte. ‘Wonder woman naman! Anong ginagawa ng lalaking 'to rito!?’
“Mom s---” Humikab ako at dinuro ko ang dibdib niya. Kumunot ang noo nito. “Ba’t nandito ka? Gabi na.” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at umiwas ng tingin. Problema nito?
“You’re drunk,” aniya. Mapakla akong tumawa at tumitig sa kanya habang nakataas ang kanang kilay at nakapameywang. “Kung ako sa ’yo samahan mo nalang ako.” Walang permiso kung hinawakan ang pulsuhan niya at hinila siya papunta sa living room.
“Tsk, you’re wasted,” bulong niya. Muli kong kinuha ang mic atsaka humarap sa kanya. “Kanta ka.” Mariin siyang pumikit. “Tsk,” aniya at kinuha ang cellphone sa bulsa.
(Nyte Marquez P.O.V)
Nakailang doorbell na ako kanina, ang tagal binuksan ni Aeshin. ‘I can’t believe she can drink like this.’ Sumulyap ako sa kanya, tumatawa siya habang kumakanta. Umiling ako at bumaling sa cellphone.
“Hello, ate Bliss you need to come here.”
“Bakit Nyte? Wait--- nasaan ka ba ngayon?” Haays I forgot, hindi nila alam na pumunta ako rito sa bahay ni Aeshin. I clear my throat. “Sa bahay ni Aeshin, she’s drunk.” Hindi kaagad siya nakasagot sa kabilang linya.
“Linawin mo nga Nyte, Bakit nand’yan ka dis- oras ng gabi?” Kumunot ang noo ko, what the hell! Ano bang iniisip niya?.
“It doesn’t matter, pumunta ka nalang dito.” Bumuntong hininga siya sa kabilang linya. Nilibot ko ang paningin. Ang kalat. Tsk.
“E, binabantayan ko si 'nay Mara. Alam mo naman, kailangang imonitor ang health niya,” aniya. I gasp, before taking a glance to Aeshin. “Ikaw nalang kaya umasikaso sa kanya, tutal nand’yan ka na.”
Bumuntong hininga ako at umiwas ng tingin kay Asin. ‘Stupid she’s a girl.’
“Ate---”
“Naku naman Nyte, bukas ka na magreklamo.” Wala akong nagawa nang putulin niya ang tawag.
“Gabi, ayaw mo talagang kumanta?” Umiling ako, tsk, ka babaeng tao. Mag-isa pa naman siya dito. “Hoy!” aniya, hindi ako kumibo. Huminga ako ng malalim saka lumapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
Chasing My Happiness (UNDER REVISION)
Roman d'amour(ONLY HAVE FEW CHAPTERS REMAINING ON MY DRAFT. BUT I NEED TO POLISH THE WHOLE NOVEL) Aeshin Alcantara, a brave woman but fragile inside. On the outside she's smiling, but deep inside she's dying. She is suffering from a never ending heartaches. A w...