Fragment 12

13.4K 498 226
                                    

12
Stolen glances

"Can you drop by in the faculty after your last class in the afternoon, Ms. Dela Merced?"

Halos ang buong bloc ay napabaling sa aming propesor sa harapan. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya at magalang na tumango kahit hindi ko alam ang rason kung bakit.

"I will, Sir..."

"Very well." Muli siyang ngumiti sa buong klase at lumabas na ng silid.

I turned at Caitlyn with curious eyes, asking for a probable explanation.

"I don't have an idea," she shrugged.

"Do you think I'm failing the sem?" I casually asked, which earned me a hearty laugh from her.

"Pwede na ako mag sunbath sa Baguio kung mangyayari 'yon!"

Umiling ako sa kaniyang biro at nag-ayos na ng gamit. I won't be having my lunch with her today because I'm scheduled to have a lunch meeting with my groupmates for our community miniature. We were grouped randomly kaya hindi kami magkasama sa grupo. Malayo pa naman ang deadline pero gusto na ng grupo naming masimulan upang wala ng iisipin pa sa huli.

That's the beauty of being an early bird for project completion – you can have longer leisure time before the deadline.

After bidding good bye to Caitlyn, I hurriedly went up to my groupmates. We're 7 in a group – 4 boys and three girls. Nakasama ko na rin sila sa iba pang tasks kaya hindi na bago ang pakikisalamuha sa kanila. They are all kind and accommodating, something I'm thankful for because they kind of suffice my introversion.

"Puwede na natin simulan ang brainstorming for design today," suhestiyon ni Denver habang binababa ang mga inorder naming pagkain. Nag-presenta kasi silang mga lalaki na sila na lamang ang o-order ng mga gusto naming pananghalian.

Sumang-ayon naman kaming lahat sa kaniyang sinabi kung kaya ang laman ng usapan habang kumakain ay ang maaring tema ng gagawing mini-community.

We were talking about sustainability amid technological advancement when gushes and whimpers suddenly erupted from the surroundings. It was due to the entrance of Lucifer and Octavian in the cafeteria. Salubong ang kilay ni Octavian nang mamataan ako – palipat-lipat ang tingin nito sa akin at sa mga kasama ko. Nakita ko siyang hinila ng natatawang Lucifer para pumila at bumili.

Iniwas ko ang aking tingin mula sa kanilang direksiyon at bumalik na sa usapan.

"Grabe...ang pogi talaga ni kuya Octavian at kuya Lucifer," si Hale.

Halos mapangiwi ako sa pagtawag niya ng kuya sa dalawa. It just doesn't suit them! Maybe because I've been with them for months and we don't really treat each other as people who are younger or older.

Tumunog ang aking cellphone sa bag at dagli ko itong binuksan.

Octavian:
New friends?

Natalia:
Groupmates.

Octavian:
Pwede sumabay kumain?

Napa-irap ako sa kawalan. Puno na kami rito sa round table!

"Mabait ba sila, Natalia?" Hale asked. "You're close to them, right?"

Tumango ako. "Mabait naman..."

"I saw Octavian's post on Instagram last Christmas. Sabi niya best friend ka raw niya...buti hindi ka nagkaka-crush sa kanila?"

Fragmented RhapsodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon