Fragment 09

13.9K 555 114
                                    

09
Merry Christmas

Halos mapuno na ang lugar kung saan gaganapin ang Christmas fest nang dumating ako. Students are already flocking towards the center ground and some of them are also wearing weird Christmas costumes. Nakakita rin ako ng nakasuot ng damit ni Santa Claus at ng reindeers – which I find very amusing because people really become weirder during holidays.

Ibinulsa ko ang aking mga kamay sa sweatshirt na suot at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nilibot ko ang aking paningin upang mahagilap ang anino ni Caitlyn pero agad ding nabigo nang makitang wala pa ito. She said we could meet up in front of the food stalls but she's nowhere to be seen. Wala rin akong natanggap na text mula sa kaniya nang huli kaming mag-usap.

My attention was piqued when I got a whole view of the campus – SLU is covered with bright lights tonight. Twinkling grains of yellow and gold lights are overcoming the trunks and branches of trees in the campus. Kanya-kanya ring pwesto ang mga lanterns na hinubog at ginawa ng mga estudyante para sa lantern parade na ginanap noong isang araw. I'm quite proud that our department – SEA (School of Engineering and Architecture) – won the competition. It was beyond expectations.

"Bibili po ba kayo, Miss?"

Napalingon ako sa taong nagsalita at agad akong sinalubong ng isang babaeng may magandang ngiti sa labi. Parang pamilyar sa akin ang kaniyang mukha pero hindi ko na ito masiyadong pinagtuunan ng pansin.

The food businesses are actually owned by some students in a hope of starting their campaigns. They are composed of students who are aspiring to become business people someday, and students who want to earn money to suffice their needs in college. Nagmumula rin sila sa iba't ibang department at colleges at hindi lamang nanggagaling sa departament ng Business.

Sinuklian ko ng ngiti ang babaeng tumawag sa akin at dahil gusto ko rin silang bigyan ng dagdag na motibasyon, nag-pasya akong bumili sa kanilang tindang pagkain. It wouldn't hurt to support someone's dreams and aspirations.

"Maraming salamat po, Miss!"

"No problem."

"Ang ganda niyo po," dagdag niya na parang umiilaw ang mga mata at parang batang namamangha. "May lahi po ba kayo?"

Namula agad ako sa kaniyang sinabi at nahihiyang tumango.

"Hala! Sorry po kung madaldal –"

Umiling ako agad. "No, it's fine...I'm half-Italian..." I don't like it when people think that they offended me.

Namamangha pa rin siyang tumango at hinayaan na akong kainin ang binili.

Pagkatapos ng ilang minuto, nagpakita na rin si Caitlyn at agad na rin niya akong hinila papalayo. Ngumiti ako bilang pag-papaalam sa babaeng kausap at bumawi rin siya ng isang inosente at maligalig na kaway at ngiti.

Nagpunta kami sa backstage kung na saan ang banda at agad namin silang nadatnang nagtatawanan. I don't know how we are able to get pass the gates but I think Caitlyn pulled something off because this place is off-limits for usual students. Hindi rin kami sinita ng guard nang magpakilala si Caitlyn na pinsan ni Dominic.

Tinanong din ako at ganoon na lamang ang inis ko nang sinagot ni Caitlyn na girlfriend ako ni Octavian! This girl is unbelievable!

"Uy! Paano kayo nakapasok dito?" manghang tanong ni Dominic nang makita kaming naglalakad papalapit sa kanila. "Bawal ang hindi performer dito!"

"Caitlyn's power," I mumbled and rolled my eyes. Namataan ko naman si Alfred na ngising-ngisi habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Octavian. Agad akong nakaramdam ng hiya pero pilit ko na lang itong itinago. 

Fragmented RhapsodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon