Octavian Desmond J. Santillan
Trigger Warning: Violence
I was just eight when I lost my mother.
She died in a reckless car accident – dead on arrival. Fatal bruises caused by severe impact brought by the crash, consequently triggering excessive internal hemorrhage – but I knew better.
Namatay daw siya dahil sa aksidente sa sasakyan pero hindi naman 'yun ang tanging rason, alam ko. My mother wasn't a reckless driver, and the road where her car crashed wasn't even dangerous. She wouldn't do something recklessly, especially something that includes leaving me.
Kahit na aksidente sa daan ang dahilan, it still surprised me how things escalated so fast. I was just in the same car as hers a few hours before that happened, peacefully going home because we celebrated my birthday from the lowlands, not expecting that it would be the fucking night that would destroy our lives.
Nakatanggap siya ng tawag ng gabing 'yun nang makarating kami sa bahay at sabi niya ay pinapatawag daw siya bigla sa trabaho. I slightly bought that reason when I was a kid but now that I knew better, I knew that it was all a lie.
Walong-taong gulang pa lang ako noon pero hindi naman ako tanga. Noong umalis siya ng gabing iyon, may nakita akong sumunod sa kaniyang sasakyan. It was a black SUV. Ang hindi ko alam, iyon na pala ang huling beses na makikita ko siya.
Huling beses na masisilayan ko ang Mama.
Simple lang naman ang buhay namin noon. May bahay kami, pumapasok ako sa school, may trabaho si Mama, single mom siya, may pera naman kami – tapos ang usapan.
Pero anak ako labas.
Pulitiko raw yung tatay ko – that's the sole piece of information I was forced to swallow my whole life. Lumaki akong walang kinilalang ama.
It was not alright at first. Growing up really curious, I've asked my mother about it countless of times. Hanggang siguro napuno na rin siya at sinabi niyang hindi kailanman uuwi ang tatay ko sa bahay. Noong una hindi ko maintindihan. Bakit ayaw niyang umuwi? Bakit hindi uuwi?
Not until I grew enough to realize the reason why.
Anak ako sa labas. Dapat ba akong magpasalamat kahit papaano? Oo siguro nga, dapat nga. Kasi meron si Mama. Hayaan mo na ang Papa. Meron naman si Mama na kayang tumayong dalawang magulang. Masaya ako na meron siya kasi kahit papaano hindi ko palaging iniisip kung paano ang magkaroon ng Papa.
Magpapakabait na lang ako. Hindi ako magiging makulit.
"Octavian! Ang sabi ko kunin ang labahan kung uulan na!" Sigaw niya noon sa akin habang tinutulungan akong kunin lahat ng sinampay. Ang sabi niya kung uulan! Ambon pa lang naman kanina at hindi pa naman kasi ulan 'yun kaya 'di ko kinuha! Labo ni Mama.
Nang makapasok kami sa loob ng bahay ay panay na naman ang sermon niya dahil sa sinampay niya. Palagi naman kasing makulimlim sa Baguio at hindi mo alam kung normal lang bang araw ngayon o uulan.
"Mama, sorry na..." Ito ako ngayon, naka-nguso sa harap niya na parang tupa habang siya ay nakapa-mewang sa harap ako. "Ang ganda mo, 'Ma, pero bawas ganda kung sisigaw-sigaw ka! Sorry na, please?"
Kita ko naman kung paano siya nagulat sa mga sinabi ko.
"Hindi mo ako maloloko sa mga ganiyan mo, Octavian," sabi niya pero nangingiti na rin.
"Huh? Hindi kita niloloko, Mama," kumamot ako sa kilay. "Maganda ka naman talaga!"
Minsan hindi ko alam kung bakit kahit masakit na alalahanin ang mga iyon ay paulit-ulit pa rin na tumatakbo sa utak ko. I was born a masochist – that's what I want to think.
BINABASA MO ANG
Fragmented Rhapsody
Ficción GeneralWhen Natalia Alexandrine Dela Merced was born, it was a bittersweet grain of ends and beginnings - her mother couldn't survive due to certain health complications. She was raised prim and proper by her father, who has constantly expressed his civil...