1

540 19 7
                                    

"Waiting for someone?"

Napalingon ako sa tanong na iyon. Wala naman akong katabi at wala namang ibang tao sa labas ng I.T room kundi kaming dalawa. Mag-a-alas siyete na rin kasi ng gabi.

"There's only one guy and one girl inside the I.T room. What do you think they might be doing?" medyo iritable niyang tanong. He didn't even spend a glance on me. Base sa suot niya, hindi siya dito nag-aaral. He is from another well-known university na malapit lang din dito. May bitbit siyang baseball bat na kanina niya pa tinutuktok sa sahig.

Sandali, nakipag-away ba siya? May karumihan ang uniform niya. Noon ko napansin na may band aid na nakatapal sa kanang pisngi niya.

"Yes, I was in a little mess a while ago," he said. He finally looked at me and smiled. "Hindi ka ba marunong magsalita? It's been what? An hour ago since you sit there. Bagong girlfriend ka ba ni Leif?"

I almost choke hearing what he said. Bagong girlfriend? Ni Leif? He meant, Leif Sodevilla? Nasa loob din ba siya ng I.T room? I am not prepared. I am here for a girl named Canary Morales. And I am starting to lose patience kung hindi lang dahil sa requirement sa thesis.

"No," I answered after clearing my throat. Masyadong marumi ang utak niya. Imposibleng gumawa ng himala ang mga nasa loob. At mas lalong imposibleng maging girlfriend ako ni Leif.

I had no idea about Canary but Leif Soldevilla, is just a typical handsome and intelligent college student admired by many. Kung tutuusin, wala naman masyadong espesyal. Naglipana sa university ang mga katulad niya na tila isang prinsipeng lumabas galing fairy tale.

What made him even more special is he is the only son of the previous president of the country. Only son, and of President Alexander Soldevilla. Kung hindi lang sana natapos ang termino niya ay siya pa rin malamang ang presidente. He was a public servant every country needs. Bahagyang umayos ang bansa noong siya ang namumuno.

That day. I could still remember that day Leif let me rode his car, when it was raining hard. Parang eksena sa pelikula ang nangyari. Isang buwan pa lamang ako noon dito sa university, wala pa ako halos kakilala. May bagyo noon at tinangay ng hangin ang payong ko. Hinatid niya ako hanggang sa dorm. I was declining the offer dahil malapit lang naman, but he insisted.

I guess he does not remember me anymore. He is kind to everybody. Hindi siya 'yong tipong mataas ang ere, though you'll feel a little intimidated because he is a guy who looks good at everything. And that was our first and last encounter. Hindi na ulit iyon nasundan.

"Are you Canary's sister? Wala bang pangit sa pamilya ninyo?" gulat na tanong ng lalake. Binitiwan niya ang baseball bat at mabilis na lumapit sa akin. "I'm Lake Suarez. I play baseball. Hindi ako galing sa trouble. Nadapa lang ako kanina. I'm a good guy."

Mabilis akong napailing. "No. Hindi ko siya kapatid. May kailangan lang ako sa kanya kaya ko siya hinihintay. Do you have her number?" usisa ko. Hinanap ko siya sa Facebook pero mukhang naka-private ang account niya.

Napakamot sa batok si Lake, lalong lumapad ang ngiti niya. "It's been forever since I asked for her number." Tumingin-tingin siya sa paligid bago muling nagsalita na halos pabulong. "Are you one of her clients?"

Napakunot-noo ako. Kliyente?

Bago pa ako makasagot sa kanya ay sabay kaming napalingon nang bumukas na ang pintuan ng I.T room. Leif appeared holding a pile of paper. He is wearing his black backpack and is like ready to leave.

"What's the matter?" Leif asked Lake. Nakita ko ang bahagyang pagtalim ng tingin niya, bago niya ako tinapunan ng tingin.

"Kailangan ko rumesbak," Lake answered. Tiningnan niya ako at nginitian bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Five versus one kami kanina. Hindi pa ako tinuluyan. Mahihinang nilalang."

I knew it. Galing siya sa bugbugan.

"Then why are you asking for help? Marami pa akong gagawin. I'm a good guy," Leif said and started walking away.

Lake laughed. Pinigilan niya itong umalis. Tumingin na naman siya sa akin habang natatawa. "You believe he's a good guy? He's a huge scam," aniya habang nakaturo kay Leif.

"And you are an amazing hoe with unlimited money but limited brain," a girl butted in. May dala siyang folder at iniabot niya iyon kay Lake. "Payment first."

Mabilis na nagbago ang aura ni Lake. Nangningning ang mga mata niya. Kung kanina ay mukhang sasabak siya sa giyera, ngayon ay para siyang maamong tupa na kumuha ng pera sa wallet niya at iniabot sa babae. "This is all yours, my princess. I'm all yours."

She snatched the money and put it inside her small backpack. Inayos niya ang bangs niya bago muling nagsalita. "'Til our next transaction, hoe."

She left without even letting Lake answer a word or two. Nangingiti lang si Lake habang tinatanaw ito maglakad palayo.

false ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon