10

84 6 1
                                    

"Mahihinang nilalang. I thought I'm gonna die of boredom," pagmamalaki ni Lake. Pawis na pawis siya habang umiinom ng tubig. Nakasabit lang ang tuwalya sa balikat niya. Nakaupo siya habang nasa iisang direksyon ang paningin niya.

The game ended and Lake's team won. Hindi naman ako nanood. Nagtigil lang ako sa cafeteria habang nagbabasa ng codal. Si Canary ay hindi ko alam kung saan nagpunta. Nag-text lang si Via kaya nalaman kong tapos na ang game. As for Canary, mabilis yata ang radar niya dahil kasunod ko lang siya. Kanino kaya siya nakikibalita?

Tahimik kami na naglilikom ng mga bote at kalat. Tinanggap ko na ang ganitong gawain kaysa naman mawalan kami ng scholarship. Kaunti lang naman dahil dito lang kami sa bench ng mga players naka-assign. Hindi naman ito nakakapagod pero nakakaubos ng oras.

Nakauwi na ang mga manonood at mga players ng Ochado University maliban kay Lake. Mukhang hindi siya uuwi hangga't hindi niya nakakausap si Canary. Kanina pa siya parang bulate na umaaligid-aligid sa amin.

"Bakit nagpa-palpitate ka?" Via asked while holding Lake's wrist. "Okay ka lang ba? Mag-iisang oras nang tapos ang game."

Pinitik ni Lake ang noo ni Via. "Umuwi ka na nga. Ang dami mong tanong."

"Sasabay ka na ba kay Lake, Via?"

Kinalma ko ang sarili ko nang muling marinig ang boses ni Leif. Kagagaling niya lang sa men's shower room. Naka-puting t-shirt na siya at naka-jersey short. Basa ang bagsak niyang buhok. Mukhang kakatapos niya lang maligo. I could help myself to steal glances from him. Mabuti na lang at napipigilan ko ang sarili ko na matulala sa kanya.

"May sasakyan ako, Kuya Leif," sagot ni Via. "Wala akong maisasabay sa kanila. Opposite direction ang dorm ni Alice. As for Canary, hindi ko siya kayang ihatid sa Pluto."

Natawa ako dahil hanggang ngayon, hindi namin alam kung saan siya nakatira. Kinuha ni Via sa loob ng bag ang favorite perfume niya at umalingasaw iyon sa paligid.

Tumikhim si Lake bago nagsalita. "Uhm. . . ihahatid na lang kita," aniya. Hindi niya mabanggit-banggit nang diretso ang pangalan ni Canary kaya mukhang hindi ito ang kausap niya.

Tila wala naman narinig si Canary. Tinapos lang namin ang paglilikom. Muli niyang isinukbit ang bag. Inayos niya lang nang bahagya ang bangs niya bago nagpaalam sa akin. "May gagawin pa ako." 'Yon lang at nagsimula na siyang maglakad palayo.

"W-wait!" pigil ni Lake. Halos madapa siya sa pagtayo nang mabilis at paghabol kay Canary. Nakatingin lang kaming tatlo sa kanila. Naghihintay kung paano na naman siya bibiguin nito.

Canary turned to him wearing poker face. "May papasagutan ka ba?"

Marahang umiling si Lake. "I-I. . . just want to thank you for saving me back then."

Ngumiti si Canary pero wala iyong emosyon. Bakas na bakas sa mata niya ang pagod. "Kanina ka pa nagpapasalamat. Ilan ba ang kahulugan ng thank you mo?"

Napahawak si Lake sa batok niya. "Puwede ba kitang yayain mag-dinner ngayon?"

Napasipol si Via sa tabi ko. "First time 'yan ha. 'Yung last na babaeng nabaliw sa kanya nagpa-reserve ng buong restaurant sa Makati. Hindi niya sinipot."

"Alice," biglang tawag sa akin ni Canary. "Hindi ka pa nagdi-dinner, 'di ba?"

Itinuro ko ang sarili ko. "A-ako? Oo?" nalilito kong sagot.

"May kasama ka nang mag-dinner," Canary said to Lake. "Wala akong oras na puwedeng aksayahin para lang sa thank you mo." Iyon lang at tuluyan na siyang naglakad paalis.

Naiwan si Lake na bahagyang napanganga. Nakatanaw lang siya kay Canary. I wondered if Via already told him what we knew. Pero sa asta niya ay tila wala siyang alam. Kung sabagay, Via and I promised no one will know what we discovered about her.

Tila bumalik sa reyalidad si Lake. Tipid siyang ngumiti habang naglalakad palapit sa amin. "You know what, Via? Ikaw ang malas. Halika nga dito!" ani Lake na parang nanggigigil sa pinsan. "Kukurutin kita."

"D-don't you dare," nahihintakutang ani Via at nagsimula siyang maglakad paatras. "Isusumbong kita kay Mommy."

Hindi napigilan si Lake. Nagtatakbo si Via palayo at mabilis niya itong sinundan. Natawa ako sa kanilang dalawa. Masarap din sa pakiramdam kung may kamag-anak ka sa university.

"How about you? I can't leave you here alone. I can drop you off. Same place, right?"

Unti-unting nawala ang tawa ko. Mabilis akong napalingon kay Leif. Parang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Hindi pa rin ako nagdi-dinner. May masarap bang resto malapit sa dorm ninyo?" tanong niya habang nakatingin sa akin. He then gave me an awkward smile. "Sorry. Forget it."

false ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon