"Happy Birthday, Mommy!" sigaw ko at sabay naming pinaputok ni Jace ang party popper na dala niya.
Napairit si Mommy sa gulat at saya. Tatlo lang kaming nagcecelebrate pero may suot pa kaming party hat. Hindi na raw kasi makakasunod ang parents ni Jace dahil sa ilang urgent matters sa kompanya nila. They own several gas stations in CALABARZON. At mukhang mainit sa media ang price hike ng gasolina.
"Kung may iwiwish man po ako para sa inyo Tita Anna, sana po bigyan nyo na ako ng isang kuwarto dito sa bahay nyo," ani Jace. "Para masarap po ang ulam ko araw araw."
Binatukan ko siya. Hindi niya kasama ang parents niya dahil madalas nasa head office nila ito sa Batangas. Paminsan naman ay nakakauwi pero mas madalas ay talagang nasa bahay si Jace.
"Mommy, ang wish ko, magboyfriend ka na ulit. Huwag mo na akong intindihin," nakangiti kong pahayag. "I want you to grow old with someone who will truly care for you."
"Tita, lowkey sinabi ni Alice na magboyfriend ka na para makapagboyfriend na rin siya," natatawnag biro ni Jace.
"Siraulo," pairap kong sagot sa kanya. Nakanganga siya dahil sa pagtawa kaya mabilisin kong sinaksak sa bibig niya ang isang puto na siya rin ang nagdala.
"Tumigil nga kayong dalawa," natatawa ring saway ni Mommy. "Okay na ako. Hindi ko na kailangan ng lalake, anak. Kung magboyfriend ka, walang problema. Invite him here."
Napakamot sa ulo si Jace. "Andito na nga po ako, Tita. Gusto ko na nga po dito tumira eh."
"Jace, hinihingi ni Via ang number mo," seryoso kong pahayag. Damang dama ko kasi na labis ang interes niya dito. Nakita ko rin na friends na sila sa mga social medias.
"Please tell her that I will do everything to get her number. The guy should make the effort, not her," Jace answered. "But if she really insists...."
Pangiti ngiti lang si Mommy. Kanina pa kasi niya hawak ang cellphone niya. Halos hindi siya makakain. Wala namang tumatawag o nagte-text. Parang may inaabangan lang siyang matanggap.
"Problem?" tanong ko sa kanya nang lumabas saglit si Jace para kunin ang pizza delivery.
Marahan siyang umiling. "Wala naman. Masaya lang ako kasi andito ka."
Tumango ako at niyakap ko siya. "Please get a man to make you happy, Mommy. Kung nahihiya ka sa Daddy ko, I will talk to his grave... if you let me."
Hanggang ngayon kasi ay hindi ko alam kung saan nakalibing si Daddy. Sa Davao daw kasi ako ipinanganak dahil doon sila nagkakilala. Umalis daw kami doon nang mamatay na si Daddy, doon na rin siya inilibing.
Hindi na kami bumalik sa Davao kahit kailan. Masyado raw kasi malungkot ang mga pangyayari doon. Ang tanging alaala na mayroon ako ay picture ni Daddy habang buhat ako, second birthday ko raw 'yon, bago siya tuluyang maaksidente.
Wala akong masyadong maalala pero sa isip at puso ko ay masaya ako dahil kahit mag-isa si Mommy ay napalaki niya ako na hindi naghahanap ng ama.
"You don't have to think about me, okay? Isa pa, makunat na ako," she almost whispered.
Sabay kaming natawa. Bumalik si Jace na dala ang box ng pizza.
"Tita, may tao po sa labas."
Agad bumitiw sa akin si Mommy. Parang bigla siyang nag-panic. Mabilis niyang tiningnan ang cellphone.
"Mom?" untag ko sa kanya.
"Lalabas lang ako saglit, ha? Kumain lang kayo ni Jace," nakangiti niyang sagot atsaka mabilis na naglakad palabas ng bahay.
"Kumusta nga pala yung friend nyo na namatayan ng Mommy?" untag ni Jace sa akin.
"Wala pa akong balita eh. But I hope she's okay," sagot ko. I heaved a deep sigh. Ang sabi ni Via, hindi na nag-hold ng lamay para sa nanay ni Canary. Pina-cremate daw ito at diniretso na sa sementeryo.
My heart still aches everytime I think about her.
"By the way, Alice, the same expensive car I am talking about is outside. Baka may boyfriend na nga si Tita Anna," pahayag ni Jace. He opened the box of pizza and handed me a slice.
"Bakit ayaw niyang ipakilala?" usisa ko. Gusto ko nang lumabas ng bahay para tingnan kung sino iyon.
"Gusto mong tingnan?" makahulugang tanong ni Jace.
Hindi ako sumagot sa kanya. Diretso na akong naglakad palabas ng bahay. Napasinghap ako nang makasalubong ko na si Mommy papasok na may dalang bulaklak.
"Saan ka pupunta?" nakangiti niyang tanong sa akin.
"I... just want to see your visitors. Ilang beses na raw nakikita ni Jace ang sasakyan na 'yon. Is he your suitor or something?" hindi ko napigilang usisa.
Ngumiti si Mommy at unti unti siyang tumawa hanggang sa naging halakhak iyon. She pinched my cheek. "Just a friend."
Nginitian ko na lang siya. Sabay kaming bumalik sa kusina at pinagpatuloy ang pagkain.