2

202 11 5
                                    

"Wala pang isang minuto 'yon ah! Hindi man lang nakipag-usap nang matagal!" Lake whined and put the folder inside his bag without even checking it.

Before I could notice, wala na rin si Leif sa paligid. Nakaalis na rin ito nang hindi ko naramdaman. I was too focused with their scene I forgot I was waiting for Canary. Mabilis akong sumilip sa I.T room pero madilim na ito at wala nang tao.

"Lumabas na ba si Canary?" nagpa-panic kong tanong kay Lake.

Napakunot-noo siya. "What? She just dumped me in front of you, right?"

Namilog ang mga mata ko sa gulat. "What!" Mabilis kong kinuha ang cellphone ko at tiningnan ang picture ni Canary. "Wala naman siyang bangs!"

Lake smirked. Kinuha niya ang baseball bat at masayang inihampas sa hangin. "Ngayon lang siya nag-bangs. Maybe because she knew I will be seeing her today." At ngumiti siya ng nakakaloko, na parang nananaginip.

Napangiwi ako sa self-confidence na taglay niya. Ibinalik ko ang cellphone ko sa bulsa. Kailangan kong mahabol si Canary. When I realized what Lake said a while ago, binalikan ko siya.

"Sabi mo kanina, kung kliyente niya ba ako. She gave you a folder and you paid her. May secret business ba siya?" usisa ko. Mas mabuti sigurong may kaunti akong alam tungkol sa kanya.

"Hindi ka pa nagpapakilala sa akin, ang dami mo nang tanong," ani Lake. Tiningnan niya ang kabuuan ko. "Hindi ka ba talaga girlfriend ni Leif? May nakarating kasi sa aking balita na may dine-date siya ngayon."

Pinanlakihan ko siya ng mga mata. "Hindi ka ba aware na anak siya ng dating presidente? And this university never allow such malicious rumor. Baka hindi ka na makapasok dito," pagbabanta ko sa kanya. If there is one thing I can be proud of about Arturo University, it is the security and safety of the students here. Dahil ninety percent ng estudyante dito ay galing sa mayayamang pamilya, may kanya-kanya silang buhay. Hindi uso dito ang tsismisan. Kung magkaroon man ay mabilis na naaaksyunan ng administrasyon. I think this is the reason why many politicians send their children here to study.

Muling tumawa si Lake. "I just want to confirm. Sabay kasi sila ng duty ni Canary dito sa I.T office kaya. . ."

"Kaya nag-iisip ka nang marumi at masama? Sigurado akong hindi ka niya boyfriend. So wala kang right, in any way," I said as I crossed my arms.

"Didn't you hear it? She called me 'amazing'."

Tumango ako. "Amazing hoe."

"A little positive adjective from her still feels heaven. Marami kasi akong admirers sa university kaya akala niya marami akong babae," kibit-balikat na paliwanag ni Lake. "Magka-ano ano ba kayo ni Canary?"

"May thesis ako and she was referred to me by our psychology professor. He said she's a bright student. I need to interview a scholar here and she's the most perfect person for that," sagot ko sa kanya. I am an accounting student and Canary is taking up psychology.

"Wait, does that mean you'll know more about Canary?" Tila nagningning ang mga mata niya.

Marahan akong tumango. "I guess so. Wala naman siyang choice. Isa pa, nasabihan na raw siya ng professor namin so she can't say no to me."

Bigla akong inakbayan ni Lake nang mahigpit. "From now on, treat me as your bestfriend! And I will also give you free pass sa university namin. You can even eat in our cafeteria, all expenses paid."

Nawiwirduhan ako sa sinabi niya pero gusto kong mamangha sa ino-offer niya. I could imagine myself freely entering Ochado University. Nandoon pa naman ang pinakamalaking library sa buong Cavite. Mayaman siguro ang pamilya ng lalakeng ito. "In exchange of what?"

"Kahit number lang niya, habang buhay kong tatanawing utang na loob sa 'yo 'yon," seryosong sagot ni Lake. "Type mo ba si Leif?"

Inalis ko ang braso niya sa pag-aakbay niya sa akin. Noon ko napagmasdan ang mukha niya. Why did I not notice I was talking to a handsome guy? A doe eyed, moreno guy. He may look like a bad boy but I could feel he is nice. Matatanggal ang alinlangan mong kausapin siya oras na ngumiti na siya. At mukhang sanay siya sa bugbugan.

"Wala akong interes kay Leif," sagot ko sa kanya. If there is one thing I want to know, that is if he received my gift for saving me from the rain before. Iniwan ko lang kasi iyon sa locker niya. Wala na kasi akong narinig sa kanya noon. But why should I expect? I am just a random student na inalayan niya ng kabaitan, bilang isang mabuting anak ng dating presidente.

"Since bestfriend mo na ako, may I know your name? Kanina ka pa hindi nagpapakilala. Nakakahalata na ako."

Napatawa ako sa sinabi niya. "Alice. Alice Dominguez."

Kumunot ang noo niya. "Your name sounds familiar."

Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Alam mo, 'yang mga ganyang banat, diyan maaasar si Canary."

Napatawa si Lake. "I like you," puri niya na walang malisya. I kinda feel comfortable talking to him, honestly.

Nginisian ko siya. "Free pass, okay?"

Kinindatan niya ako. "Deal."

false ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon