15

64 7 0
                                    

A week has passed and everything is normally going on. Na-accomplished na namin parehas ni Via ang mga bilin ni Canary.

Nakakapagod pala talaga ang sideline niyang yon. May mga deadline lahat ng ginawa ko at isa isa ko pa silang imimeet. Nagcap at facemask na lang ako para daw hindi masyadong halata na hindi si Canary ang katagpo nila.

Ilang araw akong puyat. Bukod sa sangkaterbang reasearch ang ginawa ko na sabi ni canary ay madali lang, hindi pa agad ako makatulog dahil sumasagi sa isip ko ang eksena namin ni Leif tuwing duty namin sa computer lab.

We dont work that much. Kadalasan tagacheck lang ng hardwares at tagarecord ng mga pumapasok at lumalabas. We seldom talk. Kapag lang may tanong ako at kailangan.

Leif is a different person when he's busy. Parang walang tao sa paligid niya. Kamuntikan niya pa akong masarahan ng pintuan at maikulong sa lab noong isang araw.

To compensate, he treated me an ice cream. Pero hindi katulad ng sa mga palabas na kakainin ko yon sa harapan niya at hihintayin niya akong matapos habang nagkukuwento siya.

No. Inuwi ko iyon sa bahay at natunaw lang. Hindi ko yon magawang kainin. Hanggang ngayon ay nasa freezer pa.

Canary still attends her classes pero umuuwi rin siya kaagad. At araw-araw nasa labas ng university si Lake para alukin ito na ihatid pero never pa nitong tinanggap ang offer.

Typical Canary. Hindi naman nagsasawa si Lake. Lagi pa siyang nagpapadala ng lunch. Madalas ay kami  lang ni Via ang kumakain no'n dahil katwiran ni Canary, wala siyang oras para kumain at maging grateful sa gesture na iyon ni Lake.

As for the real deal between Leif and Canary, parang one day lang silang ganoon. The following day ay ni hindi man lang sila nag-usap or nagkita. Or they do it via text or call. I don't know.

"Dr. Caparas confirmed that Canary went to her scheduled therapy last Saturday. Na-late lang daw nang kaunti," pahayag ni Via habang nag-a-apply ng lipgloss.

"Mabuti naman," sagot ko. "Takot din siyang hindi gumaling."

"I called the hospital last night," pag-iiba ni Via. "They said wala pa ring inprovement ang Mommy ni Canary mula nang inatake pero at least naging stable ang status like before."

"Nakakadalaw kaya siya sa Mommy niya?" nagaalala kong tanong. Ni hindi namin alam saan nakatira si Canary. Ang address na nakalagay sa information niya ay dati niyang dorm. Nakalipat na siya sa iba.

"Tinanong ko rin 'yan. Hindi pa siya dumadalaw simula nang madisgrasya ang right arm niya," sagot ni Via. "But she keeps on sending the money her mother needs everyday. Pinapadala niya kay Nurse Jake."

"Nurse Jake?"

"Yung halos naging personal nurse na ng Mommy niya. Sabi ng kausap ko doon lang daw nakikipag-usap si Canary. She's cold and masungit din sa ibang staff ng hospital. Binata raw si Nurse Jake at mukhang may future daw ang dalawa. Gosh. Di ko in-expect ang chika na 'yon."

"Mayamang chismosa," ingos ko kay Via. Napangiti ako. Kahit papaano, mayroon naman pala siyang nakakausap. Hindi ko kasi ma-imagine kung paano niya kinakaya ang lahat.

"Hey."

Gulat na napalingon kami ni Via kay Canary. Bigla na lang itong sumulpot at lumapit sa amin. Hindi na namin napansin dahil busy kami sa pag-uusap.

"Why?" matabang na tanong ni Via.

"May kailangan akong ihatid sa Building B kaya lang kailangan ko na rin mag-present ng project ko sa Bulding C," paliwanag ni Canary sa mailap na boses habang inaayos ang bangs niya. "Ihatid ninyo 'yung dapat kong ihatid."

"Wala man lang please?" kunotnoong tanong ni Via.

"Can you smile, please?" biglang pakiusap ni Canary kay Via na parang hindi naman nakikiusap. Bahagya namang nanlaki ang mga mata ko dahil sa pagtataka.

Via is confused too but she managed to smile at her, siguro dahil ngayon lang lumabas sa bibig nito ang salitang iyon. Mabilis namang naitaas ni Canary ang kaliwang kamay at pinicturean ang model naming kaibigan.

"Binalikan ako nung isa kong client. Gusto ng rare picture mo. Babayaran niya raw ako kapag nag-send ako," ani Canary at muling inilagay sa bulsa ang cellphone. "He believes we are friends. What a total fool."

Hinampas ni Via ng kamay niya ang mesa. Namumula na naman ang mukha niya dahil sa inis. "Are you selling me to your clients?"

"He's a fan. You can't be who you are now without your fans," pairap na sagot ni Canary. "Anyway, I should be going. Nasa may lobby yung dadalhin. Naka-box na kulay itim. Room 208."

Iyon lang at tinalikuran na niya kami.

"Just how much did you price my photo?!" pasigaw na tanong ni Via. Gigil na gigil siya sa inis.

"Two thousand," sagot ni Canary na hindi man lang kami nagawang lingunin.

"Tell me, Alice, what will happen to me if I kill that bitch?" seryosong baling niya sa akin.

"'Yon eh kung mapapatay mo siya. Baka maunahan ka niya," natatawa kong sagot.

"Hindi ko siya susundin! Building B my ass!"

Biglang tumunog ang cellphone ni Via. Tunatawag ang pinsan niya. Mukhang maililipat kay Lake ang pagkairita niya.

"Ano na naman?! Kami ang kumain ng pagkain na pinadala mo kaya parang awa mo na, stop flirting with that bitch because I can't take it anymore!" halos pairit na wika ni Via.

Gusto kong matawa dahil mas lalo siyang gumaganda kapag inis na inis siya. Marami tuloy gustong makipagkaibigan sa akin lately dahil nakikita nilang madalas ko kasama ang babaeng ito.

"What!" bulalas ni Via at napatayo siya sa gulat. Biglang bago ng ekspresyon niya. Ibinaba niya ang tawag at hinila ako patayo.

"Anong nangyari?" nagaalala kong tanong. Binitbit ko lahat ng gamit ko at mabilisang isinuksok sa loob ng bag.

"Nagsusuntukan si Kuya Lake at Kuya Leif sa parking lot!"

false ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon