27

70 6 0
                                    

"Daphne's father is a plunderer and her mother's a murderer," pahayag sa akin ng roommate kong si Lila habang nagbabasa ng maga news and comments sa social media.

Lalong sumakit ang ulo ko. Hindi na ulit tumawag sa akin si Via mula nang i-cancel ko ang mga tawag niya. Hindi rin siya sumasagot sa text o sa chat. I hurt her and Canary hurt her. Sigurado akong galit na galit siya ngayon.

Kalat na sa buong university ang balita sa tatay na iyon ni Via. Marami na ang nadadawit sa issue. Nauungkat na rin ang mga kasamaan ng mga nasa posisyon ngayon at dating administrasyon.

But what shocked me most is the news about her Mom. Sila pala ang may-ari ng ospital kung saan naka-admit noon ang mama ni Canary. Kaya pala mabilis kaming nakakahagilap ng impormasyon. And that hospital is on fire because a patient's file is circulating online. Literal na pinagpipiyestahan ang balitang iyon.

The hospital's former patient had tuberculosis. Since his family could no longer pay the bills, it was rumored that he was forcefully killed. Ganoon daw ang gawain ng ospital para hindi na  malugi sa mga pasyenteng hindi na kayang magbayad. Marami ang sumasang-ayon at nagpapatunay na totoo iyon dahil bigla na lang namamatay ang mga pasyente nila.

Kumalat ang balitang iyon nang sumabog ang issue tungkol sa Daddy niya. At dahil Mommy niya ang nagma-manage ng ospital, lahat ay tinatawag siyang murderer kahit pa hindi pa napapatunayan at hindi siya ang direktang kumikitil ng buhay.

Nagsabay-sabay ang masamang balita na hindi inaasahan. Nag-aalala ako kay Via pero marami rin akong iniisip. Hindi ako makauwi ulit sa amin para makausap si Mommy. Hindi ko naman siya makausap ng sa tawag lang. I want it to be in person.

I have so many questions in my mind. Nawawala ako sa focus. Hindi ko makita ang mga koneksyon sa mga nalalaman ko. Hindi ako nakatulog kagabi kaiisip sa mga narinig ko kay Leif at Canary.

How on earth that those in the picture would be Canary and my Dad? Pinagtatakpan niya ba ang babaeng 'yon? But what would she gain from stalking my life? For stealing a copy of my picture? Wala namang kakaiba na nangyari sa akin. Wala naman siyang masamang ginawa.

But why would she request to partner me with her? Palabas lang ba lahat na kunwari wala siyang oras na makipag-usap sa akin? But that didn't support what happened. Her Mom really died and she really needed money.

"Alice, daig mo pa si Via Daphne kakabuntong-hininga mo. May problema ka ba?" usisa ni Lila habang patuloy ang pakiki-chismis sa Facebook.

Umiling ako. "Malalaman mo ba kapag baliw ka na?"

Siya naman ang umiling. "Hindi mo malalaman pero malalaman ng iba."

Inirapan ko siya. Napabuntong-hininga ako ulit. Kinuha ko ang picture namin ni Daddy. Kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip ko. Hindi ako makaramdam ng antok kakaisip. In-open ko ulit ang sinend na picture ni Lake.

If this was written before Canary and I met, bakit katulad ng penmanship ko ang sulat na 'yon? Nanaginip ba ako noon? Nabaliw? Nagka-amnesia? Ako ba ang nagsulat no'n? Hindi naman siguro ako lolokohin ni Lake.

Sandali... magkapatid ba kami ni Canary?

Parang gumapang ang kaba sa buong katawan ko sa mga naisip ko na iyon. Hindi. Imposible. Isa lang ang batang babae sa picture, at ako 'yon.

"Alice?" untag sa akin ni Lila. "Okay ka lang?"

"H-ha? Oo. Ano ka ba," sagot ko. Ibinaba ko ang cellphone ko sa kama. Kailangan kong mag-isip nang matino. Mas mabuti siguro kung isa-isahin ko ang mga nalaman ko.  Napasabunot ako sa sarili ko at kinuha ko ulit ang picture namin ni Daddy.

Biglang hinablot ni Lila sa kamay ko ang picture namin ng Daddy ko at tiningnan iyon. She stared at it for almost a minute.

"Is this for project or something? Pina-print mo ba 'to?" tanong niya habang sinisipat. "Where did you get this? It looks old though."

Umiling ako. Babawiin ko sana ang picture pero inilayo niya sa akin iyon. Pumunta siya sa drawer niya at may hinanap na libro. Nakaupo pa rin ako sa kama ko habang pinagmamasdan siya.

"Sabi ko na eh. He's gwapo pala talaga in his younger days," pahayag ni Lila habang nakangiti. 

Tila may pumitik sa ulo ko nang marinig iyon kay Lila. Ano na naman ang dapat kong malaman?

"Umabot na sa family ang pagnanais mo kay Leif, ha? Ibang level ka na. Bakit ka may picture ni President Alexander Soldevilla? And who is this baby here? It doesn't look like Leif."

false ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon