Hindi ako mapakali habang hinihintay si Leif sa loob ng coffee shop. Ngayon na lang ulit kami magkikita, mula nang magkasagutan kami ni Canary sa lobby.
Tuliro ang isip ko. Lalo akong hindi nakatulog. Hindi ko alam kung sino ang dapat kong kausapin. Hindi na ako makapag-isip nang matino. Sa totoo lang ay nawawalan na rin ako ng gana kumain.
Wala akong mapagsabihan ng mga tumatakbo sa isip ko. Wala akong mapili na puwedeng pagkatiwalaan. Hindi ko masabi kay Lila na ako ang nasa picture. Ilang beses kong pina-confirm sa kanya kung totoo ba ang sinasabi niya.
If that is the case, then Leif is my brother? Pero kung totoo ang sinabi niya na si Canary ang nasa picture, sila ang magkapatid? Iyon ba ang dahilan kung bakit bigla silang naging close?
But why would be Canary interested in me? At bakit may papel na may nakasulat na pangalan ko, na katulad mismo ng handwriting ko? Magkakapatid ba kaming tatlo?
Mali. Mali. Imposibleng magkakapatid kami. Iisa lang ang picture na hawak namin ni Canary. Ginawa ko ang lahat para makakuha ng impormasyon tungkol sa kanya. At lalong sumakit ang dibdib ko sa mga nalaman ko.
Magkaedad kami ni Canary, isang araw lang ang pagitan namin. Mas matanda sa amin si Leif ng mahigit isang taon. Nag-search ako nang nag-search tungkol sa tatay niya na dating presidente, pero wala naman akong nabasa na may nawawala itong anak.
Gusto kong pukpukin ng martilyo ang ulo ko dahil bakit ngayon ko lang napansin na magkamuka si Alexander Soldevilla at ang Daddy ko? Was I too focused on believing that he's my father and he's someone who is already dead?
Nanghihina ako tuwing iisipin ko kung bakit ayaw ikuwento sa akin ni Mommy ang tungkol kay Daddy. At sa kinukuwento ni Jace na pumupunta sa bahay na may bodyguard. Pinupuntahan ba ng dating presidente ang Mommy ko? My Dad? Everything connects when I won't consider facts from Canary.
But what should be the truth?
Halos atakihin ako sa puso nang biglang mag-ring ang cellphone ko habang malalim ang iniisip ko. Tumatawag si Via.
Mabilis ko iyong sinagot. "Via? Kumus-"
"Are you part of all this mess?!" galit na galit niyang tanong. "Sinadya mo rin bang kaibiganin ako?! I should know! Poor people really share the same brain!"
Nagdikit ang mga kilay ko. "T-teka. Anong sinasabi mo?"
"You don't have to play safe, Alice. Buking na kayo," sagot ni Via. "The fake interview slash survey of Canary pala is to gain information from my family. Ang tanga-tanga ko naman, akala ko mabubuti kayong tao!"
Nag-init ang mga tainga ko sa ibinibintang niya. "Via, I don't like the tone of your voice and the words you're throwing at me."
"You deserve every word I will say, Alice," matigas na pahayag niya. "You're a liar and a fake friend. You and Canary? You're the biggest regret in my life."
"I don't know what you're talking about," naiinis na pahayag ko at napahilot ako sa sentido ko. Sumabay pa si Via sa iniisip ko ngayon.
"Should I tell it on your face?" matapang na tanong ni Via. "Fine. Alam na namin kung sino ang nagkalat online ng patient's case sa hospital namin. Who did it? Who did it?! Me and Kuya Lake! But I believe Canary is behind this. She accessed it because she works at the hospital. And it's not really the case. Matalino siya, ginawan niya ng storya! My Mom never killed anyone."
Rinig ko ang iyak ni Via sa kabilang linya. "I don't know what really happened but my Mom is not a murderer. Maybe, gustong maniwala ni Canary na pinatay ang Mommy niya kasi hindi agad siya nakakabayad ng bills. She wants to get revenge. Gusto niya rin sigurong mamatay ang Mommy ko dahil sa issue. Gusto niyang guluhin ang pamilya namin ni Kuya Lake."
Nanlamig ang buong katawan ko sa sinabi ni Via. Totoo ba ang mga naririnig ko? Gagawin iyon ni Canary?
"V-via, I really don't know about that," pahayag ko. "W-wala akong kinalam-"
"Shut up! My dad almost killed me after learning that my own account sent it to certain people... na hindi ko naman alam at hindi ko ginagawa! Pinaalis ako sa bahay. They don't want to see my face anymore. They believe it was me dahil nagrerebelde na raw ako. And Kuya Lake? Baka patay na siya ngayon sa aabutin niya kay Tito Dave."
"Via, please, makinig ka. Wala akong alam diyan." Napasinghap ako nang makitang pumasok na si Leif ng coffee shop.
"Bullshit! Canary told me that she needs my personal info because you need it for your thesis. Ang engot-engot ko naman, hindi na ako nagtanong. Your intelligence is a nightmare."
Ibinaba ko ang tawag nang tuluyan makalapit sa akin si Leif. Mabilis siyang umupo sa harapan ko. He smiled at me as if he's happy to see me out of the blue.
Parang sasabog pa rin ang kalooban ko sa mga narinig ko kay Via. Kung kanina ay nagdadalawang-isip ako sa pagkatao ko, ngayon ay iniisip kong ginugulo lang kami ni Canary. Tama. Tama ang hinala ko sa kanya una pa lang. Dapat naniwala ako sa instinct ko na hindi siya basta magbabago.
"You okay?"nag-aalalang tanong ni Leif.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Inilabas ko ang picture namin ng Daddy ko, ipinatong ko iyon sa harapan niya.
Tila naalarma si Leif. "Why do you have this? Nahulog ba ni Canary? This is really a secret for the mean time. I hope you understand. We're still sorting things out because this is a major blow up in our lives. Hindi pa nam--"
"This is me and my Dad," I cut him off.
Bahagyang napanganga si Leif. Hindi agad siya nakapagsalita, pero alanganin siyang ngumiti. "What?"
"Do you know what Canary did to Via and Lake's family? She's a home wrecker. Gusto niyang maging miserable ang buhay ng iba kagaya niya. And this! She's owning this! Ako ang nasa picture at hindi siya!" diretso kong pahayag. Nanghihina ang buong katawan ko.
Leif raised her hands as if stopping me from talking. Panay ang iling niya. I could hear his breathing. "W-wait. Are you telling me that Canary stole a copy of this from you?"
"I don't know how she did it but I'm sure she's faking it. Via's family is on fire because of her!"
Napapikit si Leif habang nakahawak ang dalawang kamay sa ulo niya. "No. This can't be. This can't be, Alice."
"Maniniwala ka sa kanya?" naiiling kong tanong.
"Alice, this is a serious matter." Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Leif. Napalitan iyon ng pagtataka at pag-iisip. "Is this a prank or something?"
"Kahit puntahan pa natin ngayon ang Mommy ko, Leif. This baby is me, not Canary. I'm telling the truth. May proof ba siya? Picture lang din naman, hindi ba? Remember, I'm allergic to chicken so is your Dad. My Dad. I don't know how will I process all of this, Leif."
Napahilamos sa mukha si Leif. "I like you a lot, Alice. This can't be."