5

119 9 1
                                    

Wala man lang bahid ng pagkabigla ang mukha ni Canary nang ako ang madatnan niya sa likod ng labas ng university. Bakanteng lote ito na madalas ay ginagawang parking area ng mga bisita ng Arturo University na walang free parking pass sa loob.

It was like she is expecting to see me here. May hawak siyang folder, na sa tingin ko ay para sa akin.

"I knew you were just playing on me. Pay me and I will forget about this," kalmado niyang pahayag. "Tapos ko na rin ang questionnaire para sa thesis mo. Andiyan na rin ang walang kuwentang assignment na pinasagutan mo." Inabot niya sa akin ang folder.

Marahan ko iyong binuklat at ini-scan. I didn't feel offended at all. Gawa-gawa ko lang ang assignment na iyon. "This is the only way I can talk to you. I will fake the interview just like what you said but I need one more thing from you."

Canary crossed her arms. Her aura was shouting black and gold. She is like a monster dressed like a beautiful cold girl. "I don't have much time. Just give me the payment."

Dinukot ko ang sobre sa bulsa ko. "I need your phone number."

Canary's eyes sharpened. But then she smirked. "Why? Are you gonna give it to someone you can benefit from?"

Tumango ako. "Just like what you are doing." Sayang ang free pass ko sa Ochado University. Matagal ko na iyong pangarap. "I know that is something personal but I guess one of your clients wants to befriend you."

She chuckled, without so much emotion. "I don't need friends. I can live without them. I've been living alone all my life. Isa pa, wala akong cellphone. Give me the money."

"Hindi kita babayaran kapag hindi mo sa akin binigay ang cellphone number mo," pananakot ko sa kanya. Nanginginig ang kamay ko pero hindi ko iyon pinahalata. I am not used at being rude to people. Pero parehas kaming may kailangan.

Canary sighed. "Well, I guess, you don't have the money to pay me. You're just an unfortunate student from a poor family like me. This is the first time I'm giving a free," aniya. "Do not talk to me again." She turned around and started walking away.

"Your number or I shall report you to the administration?" I will never do that. I don't know why I'm trying to scare her. Maybe because she's too strong that I want to know how weak she is.

Canary stopped from walking. I guess it somehow affect her.

"If that will make you happy, then do it," aniya na hindi ako tinitingnan. Nagpatuloy na siya sa paglalakad.

Napabuntong-hininga ako at hinabol ko siya. Hinawakan ko ang braso niya at inilagay sa palad niya ang sobre. "I shall be grateful to you for spending time answering my questionnaire but I want to tell you that you can't be rude all the time. You earn money from those people you are bad mouthing at."

Kinuha niya ang sobre at mabilis inilagay sa bulsa niya. Pinagpag niya ang braso na hinawakan ko. "Bad mouthing? I only tell the truth. If it hurts them, it's not my problem anymore. I guess the one who gave you my e-mail ad is the stupid rich brat Via." Tumango-tango siya, like she confirmed her own thoughts.

"You can't just call her stupid. Masuwerte ka lang at matalino ka," medyo naiinis kong sagot.

"At malas ko lang dahil hindi kami mayaman? Don't let your emotions fool you. Do not empathize with them. parehas lang tayong sabit sa university na ito. At the end of the day, you can't be friends with them unless your pocket is overflowing with dirty money."

Sasagot pa sana ako nang biglang may lumipad na soccerball sa pagitan namin ni Canary. Kamuntikan na kaming matamaan. Sabay kaming napalingon kung saan iyon galing.

"Sorry!" bulalas ni Lake habang nag-aalangang ngumiti. Mabilis pumokus ang paningin niya kay Canary.

"Ano'ng ginagawa mo dito?" kunot-noo kong tanong. Alam niya bang magkikita kami ni Canary? Imposible. Nakasando siyang puti na may mga marka ng dumi. Pawis na pawis siya. Rinig na rinig ko ang hingal niya.

"I-I. . . I was just testing the new ball I bought yesterday. Nandito pala kayo," medyo nauutal niyang sagot.

Canary did not give a shit. She just gave Lake a sharp look and then started walking away.

Napatiim-bagang si Lake pero mabilis din siyang lumapit sa akin. "Bestfriend, may humahabol sa akin. Dead end na 'to. I can't fight with them. Itago mo ako."

Nanlaki ang mga mata ko. "May kaaway ka na naman?!" Lumingon-lingon ako sa paligid. Wala namang puwedeng taguan dito kundi sa ilalim ng nag-iisang sasakyan na naka-park na nakasakay na ang driver at mukhang paalis na.

Nilingon ko ang pinanggalingan ni Lake. Natatanaw ko na sa malayo ang anim na lalakeng tila may hinahanap. Wala naman itong mga dalang armas pero kung bugbugan ang labanan, baka pumanaw nang maaga ang lalakeng ito.

"Canary!" sigaw ko sa abot ng aking makakaya. "Ikaw na ang bahala sa anim!" Hindi ko alam kung naintindihan niya ako. Bahala na. makakasalubong niya naman ang mga iyon.

Nagtatakbo kami ni Lake papunta sa sasakyan at pinakiusapan ko ang driver na huwag munang umalis dahil isang estudyante ako na kailangang mag-interview tungkol sa fairness ng free parking pass ng university. Kung anu-ano na lang ang sinabi ko, pasalamat ako at maraming ideya at hinaing ang matandang driver na ito. Si Lake ay mabilis na nagtago sa likod ng kotse.

"They should report that to the management!" the old man was in rage. Tango lang ako nang tango. "Importanteng tao rin naman ako na dapat ay nakakapasok sa Arturo!"

Hindi ko na siya maintindihan dahil natanaw ko na ang anim na lalakeng palapit sa kinaroroonan namin. Napamura ako nang mahina. Pinabayaan na kami ni Canary!

"Miss, may napansin ka bang lalake dito? Nawawala kasi ang kaibigan namin," tanong ng kalbong lalake na tila leader ng grupo nila. May nilalaro itong rubix cube sa kamay.

"H-ha? L-lalake? Ito, si Manong," sagot ko at itinuro ang driver na kausap ko.

"Manong? Nagpakilala ako sa 'yo, hindi ba? Tapos na ba ang interview? Aalis na ako. Report that to the management!" ani ng driver at muling pinaandar ang sasakyan.

Nanghina ang mga tuhod ko. Oras na umandar nang tuluyan ang sasakyan ni Manong, katapusan na ni Lake. Hindi ko alam kung bakit tinutulungan ko ang gunggong na iyon. Parang sasabog ang puso ko sa bawat segundong lumilipas.

"You mean a guy wearing a white sando? May dalang soccer ball?"

false ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon