25

65 6 0
                                    

I can't control my legs from shaking while my mind is going up and down. Umuwi ako ng weekend nang hindi nagpapaalam kay Mommy.

This is the first time I did this. Sembreak lang ako umuuwi pero dahil sa mga iniisip ko ay hindi ko na kayang patagalin pa ang mga tanong sa isip ko.

Mom has not arrived yet. Nasa kusina ako mula pa nang dumating ako kaninang lunch time. Ang sabi niya kahapon ay may pupuntahan siya at ngayon ang uwi niya.

Si Canary....

Bakit mayroon siyang picture na katulad ng sa 'kin? Did she sneak in my locker? Stalking my life? Before I could meet her? And why the hell she has a paper with my name na may penmanship na katulad na katulad ng sa akin?

Parang umiikot ang mundo ko pero pinipilit kong mag-focus sa mga bagay-bagay. Lalo akong maguguluhan kung pagsasabay'sabayin ko ang iniisip ko.

Hindi ako napakali. I stood up and went to my Mom's room. Hindi ko ugaling makialam ng gamit but this time I am so frustrated about everything. I don't know but instead of asking Canary, I feel like I should talk to my Mom first.

For the first time in my life, I doubt my existence.

My Mom never mentioned anything about my Dad. Ang sabi niya lang ay namatay ito sa aksidente. And since he came from a wealthy family, may naiwan parte ng mana para sa aming mag-ina. I never questioned my Mom about it because I always thought it was a painful experience, that it may hurt her if I discussed it with her.

Hindi raw sila kasal kaya apelyido niya ang gamit ko. She never brought up the topic. Yung picture na mayroon ako ay binigay niya no'ng elementary ako dahil iyak ako nang iyak kasi hindi siya sumasagot. I was really frustrated that time dahil may family event. Binigay niya 'yon dahil muntik na akong maglayas at a very early age.

Nanginginig kong binuksan ang cabinet ni Mommy. Wala naman akong nakitang kakaiba roon. Usual files that she kept. Inisa-isa ko iyon pero wala akong nakitang bahid ng papel o anumang related sa Daddy ko.

I sighed. Maybe what I am doing is wrong. Maybe I should ask Canary. Inilabas ko ang picture na nasa bulsa ko at tinitigan iyong mabuti.

"You are me, right?" kausap ko sa batang karga ng daddy ko. My Dad was a bit younger in the picture, but he looked fortyish. Hindi malinaw ang kuha pero nakatatak na sa isip ko ang mukha niya. Maybe he's at his sixty now, if only he did not die.

Binuksan ko pa ang ilang drawers pero wala talaga akong nakita. Andoon pa rin ang mga damit ko nung baby ako na may nakaburdang Alice sa gilid. My Mom really loves me that much. Isinara ko ang drawer at napasandal ako sa cabinet.

"What took you home?"

Napasinghap ako nang marinig ang boses ni Mommy. I was too preoccupied I didn't notice she is already here. Nakangiti siya habang nakapameywang sa pintuan ng kuwarto niya.

"Are you going to surprise me? You screwed up," natatawa niyang pahayag at lumapit siya sa akin.

Hindi ako makangiti nang maayos dahil sobra ang kaba sa dibdib ko. Niyakap niya ako nang mahigpit.

"May problema ba, anak?"

Nakita niya ang picture na hawak ko at kinuha iyon. Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.

"You miss, Daddy?" tanong niya sa akin.

Mabilis akong umiling. "No. No. I mean..."

Ibinalik niya sa akin ang picture. "What took you home?" Inayos niya ang buhok ko at hinila ako paupo sa kama.

Napatungo ako sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko, habang hawak ang nag-iisang picture ng Daddy ko. Nagtatalo ang isip ko kung ano ba ang dapat kong sabihin kay Mommy.

Should I tell her about what I discovered? Or should I just talk to Canary?

"Alice? If something's bothering you, tell me," untag ni Mommy.

Lalo akong na-pressure.

Think, Alice.

"Jace told me you an expensive car has been visiting you for the last months. Andito rin siya no'ng birthday mo. May I know who is that?" tanong ko.

Saglit na natigilan si Mommy pero agad din siyang ngumiti. "Jace is a bit chismoso pala, ano?"

"Concern lang po siya."

"Okay," aniya at itinaas niya ang dalawang kamay. "Ayaw ko sanang sabihin sayo but he's my classmate from elementary and... gusto niyang manligaw."

Nanlaki ang mga mata ko. Napalitan ng excitement ang kaba ko. "For real?!"

Mom sighed. She pinched my nose. "Ayaw ko kasing ma-jinx eh. Iyon lang ba ang iniuwi mo dito?"

Marahan na lang akong tumango. Buo na ang loob ko na si Canary ang tatanungin ko.

"I'm fine here, okay? Huwag mo akong masyadong intindihin. If you need money and wants to go shopping, magsabi ka lang, anak," aniya.

"No. I don't want to spend with unnecessary things," sagot ko.

Mom hugged me so tight. "Always remember that I love you, okay?"

false ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon