"Alice, may seatwork ako that I need to pass at four," ani Via habang abala siya sa cellphone. "Philippine history. Magbigay daw ng kinatatakutang lugar pero dapat na igalang."
Abala ako sa pagco-compute at pagbabalanse habang walang tigil ang salita ng babaeng ito sa tapat ko. Bigla na lang siyang umupo at inilapag ang mamahaling bag sa table ko.
"Isang oras na lang! Kaya ko naman sana kaso gagawan siya ng fiction story, minimum of five hundred words. I'm not good with words!"
Malapit na akong mainis sa kanya pero mas nagpopokus ako sa ginagawa ko.
"Busy si Canary. Ni hindi ko nga siya nakita ngayong araw. I called the hospital, wala naman siya doon," patuloy pa rin ni Via. "Natutuyo na ang utak ko."
Binitiwan ko ang ballpen ko at tiningnan siya. "Puwede bang huwag mo na muna ako idamay sa problema mo, Via? Kanina, sobra ako ng two thousand. Ngayon, kulang naman ako ng two thousand." Napapikit ako sa inis.
"Bakit kasi accountancy ang pinili mong course?" kunot-noo niyang tanong. "If there's one thing I can live without, that's math."
Napailing na lang ako. "Sa dami ng sinabi mo mula nang maupo ka diyan, naka-five hundred words ka na sana. Please? Let's mind our own business. Kanina pa ako hindi magbalanse dito."
"If I can answer this, hindi naman sana kita iistorbohin," himutok niya. "Busy rin si Kuya Lake. Hindi niya pa nasi-seen ang message ko."
Ako naman ang napakunot-noo. "Lake?" Kliyente rin iyon ni Canary. Malamang ay umaasa lang din iyon sa iba. Baka magaling siya sa sports, sa mga physical activities.
"Kuya Lake is a consistent dean's lister, in case you don't know."
Nanlaki ang mga mata ko. "What?! Eh bakit nagpapagawa pa siya ng assignment kay Canary?"
"I know my brain can't function in full capacity pero talaga bang itinatanong mo pa 'yan?" nagtatakang tanong ni Via. She rolled her eyes.
Nabigla lang ako. Marahan akong tumango. "Paano niya nakilala si Canary? Ikaw? Paano mo siya nakilala? Paano mo nalamang tumatanggap siya ng kliyente?"
"Nakita ko na lang ang papel sa bag ko na may nakasulat na e-mail niya," sagot ni Via. "Hindi ko alam paano niya 'yon nagawa kasi never naman kami nagkita. Or baka kapag iniiwan ko ang bag ko sa table ng cafeteria kapag o-order ako."
"E-mail address lang? Walang ibang nakasulat?" usisa ko. Mukhang sa dorm ko na itutuloy ang pagbabalanse ko.
"If you need academic help, send me a message."
"So that's how it works? Mabuti walang nagsusumbong sa kanya." Kahit papaano ay concerned ako kay Canary. Students here have the money to stay, unlike us.
"Kung isusumbong siya ng kliyente niya, sila lang din ang mapapahiya. Most of the students here are children of politicians. Walang gustong maging kahihiyan sa pamilya. Kung sakali namang may ibang magsumbong na hindi niya kliyente, which I doubt, the university will always have the choice to deny the fact."
"Bakit? Dahil kayo ang bumubuhay sa eskwelahang ito? Ganoon ba 'yon?"
Tumango si Via. "They earn because we pay."
"How about Lake? Paano niya nakilala si Canary?" muling usisa ko.
"Well, nakikita niya si Canary kasi kasabay niya si Kuya Leif sa pag-duty sa I.T room. Special request ni Kuya Leif na mag-duty doon which I would never understand why. He sees her everytime na dadalawin niya ang bestfriend niya. As for the assignment, I told him about it dahil naririndi na ako sa mga gusto niyang malaman," sagot ni Via.
Napatango na lang ako. Kung gusto talaga, may paraan.
Napatayo si Via sa gulat habang nakatingin sa wristwatch niya. "Shocks! Ten minutes na lang!"
Napabuga ako ng hangin at napailing. "Bakit hindi ka magpatulong sa iba? For sure, maraming lalakeng willing na gawaan ka ng five hundred words."
Sasagot sana si Via nang mag-ring ang cellphone niya. Nag-flash ang mukha ni Lake sa screen nito. Pinindot ni Via ang loud speaker, enough for me to hear their conversation.
"Bakit?" bungad ni Via.
"May pinasagutan ako kay Canary kagabi pa, ang sabi niya magkita kami sa labas ng university ninyo ng three pm. Hanggang ngayon wala pa siya. Can you find her? Did you see her?"
"Kahit anino niya hindi ko pa nakikita. Maybe she's busy with more important things than you."
"That's weird. Ngayon lang siya na-late sa usapan. Ask Alice if she can call her. Please? Pinagpipiyestahan na ako dito ng mga estudyante."
"I told you I don't have her number," awtomatiko kong sagot. Napatakip ako sa bibig ko pero sinenyasan ako ni Via na ayos lang iyon.
"Hahanapin ko siya." Then the call ended.
"I really can't believe that he will do the things he is doing now! Can you imagine he turned down the invitation of the daughter of the current vice president?" naiiling na pahayag ni Via. "Nauulol na talaga si Kuya Lake."
Natawa naman ako. Pero agad din iyong napawi nang may babaeng humahangos na lumapit sa amin. Maiksi ang buhok niya na lagpas lang sa tainga ng kaunti. Malaki ang bilog at makapal niyang salamin. You can tell she's a pretty and smart girl. Naka-uniform siya ng pang-education department.
"S-sorry to interrupt you," paumanhin niya. Bakas na bakas ang takot sa mga mata niya.
"What's the matter?" mabilis kong tanong. I could feel the tension rising up.
"My ex-boyfriend is with your friend right now. Nakita ko sila palabas ng university kanina pa."
"Friend?" tanong ni Via.
"The one who was with you in the soccer game last week," sagot nito. "Sorry, nakalimutan ko magpakilala. I'm Pia."
"Si Canary?" Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba.
"My ex is a dangerous guy. Hindi ko alam kung saan sila pupunta. Hindi ko sana sasabihin sa inyo but I really feel uncomfortable."
"Baka naman nagseselos ka lang? Hindi ka pa ba nakaka-move on?" usisa ni Via. Sa kabilang banda ay may point siya. Pero sa kabilang banda, ang hirap paniwalaang sasama si Canary sa lalake.
What's the matter, Canary Morales?
Tila may gustong sabihin si Pia pero hindi na niya magawang maibuka ang bibig niya. Panay ang galaw ng mga daliri niya. Hindi siya mapakali sa upuan.
"You can tell us what you want to say. I know for sure you know who I am. Masisira ang career ko kung ichichismis ko sa iba ang sasabihin mo. Well, this lady beside me, is a scholar. Wala siyang time manira ng kapwa."
Pia almost whispered what she had to say.
Sabay kaming napatayo ni Via. "Saan sila nagpunta?!"