"Just give me the questionnaire. Ibabalik ko rin sa 'yo bukas na may sagot na. I don't have much time for an interview," ani Canary.
Gusto kong magngitngit sa inis. Halos isang oras akong naghintay sa kanya sa cafeteria at iyan ang mga salitang ibinungad niya sa akin. Ngayon ko lang siya ulit natagpuan at kinailangan ko pang makiusap sa kaklase niya na kitain ako dito.
"Our thesis requires an interview," kalmado kong sagot habang nakaupo at hawak ang papel at recorder. Nakatayo siya sa harapan ko habang may bitbit na mga folders.
"Fake it," sagot niya.
"What?" iritable kong tanong.
"Just make a fake interview. I don't care how you'll do it but fake it. Marami akong ginagawa. I can't sit here for an interview. Ilang minuto na ang nasasayang sa oras ko," seryoso niyang sagot habang diretsong nakatingin sa akin.
Napapikit ako sa inis. "Do you think gusto kong mag-aksaya ng oras para kausapin ka? If not for the grades, I will not-"
"That's why I told you to fake it," aniya at hinablot ang papel sa kamay ko. "I'll see you tomorrow." Iyon lang at naglakad na siya palayo sa akin.
"What?!" bulalas ko sa sobrang inis. Napabuntong-hininga ako at mabilis akong tumayo. Siraulo ba ang babaeng 'yon?
Nagmartsa ako palabas ng cafeteria at sinundan siya. Ayaw kong bumagsak sa thesis. Hindi ito ang makakasira sa inaalagaan kong grado. Kailangan kong pumasa, kung hindi, mawawala ang scholarship ko.
The scholars here are only five percent of the total students. Bago ka matanggap ay sampung exam ang pagdadaanan mo. The admin will also check your family background. I don't see anything wrong with that because given the status of the students here, it is just right to know how safe is the student they will be letting in. All expenses paid, from dorm to books. Kailangan lang ma-maintain ang good grades.
Halos lakad takbo ang ginawa ko dahil napakabilis maglakad ni Canary. Hindi ko alam kung saan kami makakarating. Hindi ko alam kung napapansin niyang kasunod niya ako. Lumiko siya papunta sa labas ng lumang library na kasalukuyang under construction.
Walang tao roon dahil breaktime ng mga naggagawa. Lalapitan ko na sana siya nang bigla siyang tumigil sa paglalakad at tumingin-tingin sa paligid. Hindi ko alam kung bakit pero awtomatiko akong nagtago sa gilid ng basurahan.
Mayamaya ay isang babaeng nursing student ang dumating at lumapit sa kanya. May inabot itong sobre kay Canary, kapalit ay ang isang folder na hawak niya. Hindi sila nag-usap. Ni hindi tumagal ang interaksyon nila ng dalawang minuto. Mabilis na umalis ang nursing student.
Tatlong estudyante pa ang magkakahiwalay na dumating. Ganoon din ang eksena. Hanggang sa naubos ang hawak ni Canary na folders.
Sandali. . .
Hindi ba't ganoon din ang eksena noong nakasalamuha ko sila ni Lake? Negosyo niya ba ang gumawa ng mga bagay na ayaw gawin ng mga mayaman pero tamad na estudyante? Pera siguro ang laman ng mga sobre na 'yon. Napatungo ako habang pinagdudugtong ko ang mga impormasyon sa utak ko.
"Why are you hiding? Wala ka talagang magawa sa oras mo, ano?"
Nagulat ako nang makitang nasa harapan ko na si Canary. Inaayos niya ang laman ng maliit na black backpack niya. Muli niya itong sinukbit pagkatapos ay inayos ang bangs niya. Tiningnan niya pa ulit ako ng isang beses bago siya naglakad palayo.
Wala na akong nasabi. Naiwan akong nakatanaw sa kanya. Inis akong napapadyak. Kung ayaw niya, wala na akong magagawa. Mukha rin namang hindi kami magkakasundo. Hahanap na lang ako ng puwedeng mag-voice over para sa kanya para matapos na ang thesis ko.
"Do you have the same rate with her? Or mas mababa ang fee mo?"
I turned around quickly when I smelled something sweet. To my surprise, it was the same nursing student na pumunta kay Canary kanina. Noon ko lang napagtanto na pamilyar ang mukha niya. Madalas ko siyang makita sa magazine at siya rin ang mukhang nasa billboard na nasa entrance ng university. Hindi ko alam ang pangalan niya pero alam kong halos lahat ay kilala siya.
"Mauubos na kasi ang savings ko. I know it's my fault. Wala lang talaga sa academic ang focus ko. Kabilaan kasi ang projects ko so. . . how much is your rate?" muling usisa niya.
Tinunton ng mata ko ang nameplate niya.
Via Daphne Lopez.
"Yes, I'm Via. Mas maganda lang talaga ako sa personal kaysa sa picture," nakasimangot niyang pahayag. It may sound like that she is overly praising herself but what she said is true. Mahaba ang mga pilik mata niya na lalong nagbigay buhay sa mga mata niya. She has fair skin. Nangangamoy ang vanilla perfume niya na tila kumalat na sa lahat ng dinaanan niya. Kung ang mga mata ni Canary ay tila blanko sa kung anumang nararamdaman niya, kay Via naman ay malalaman mo agad ang gusto niyang ipahiwatig.
She's a typical beauty queen. Kahit nakasimangot siya ay puwede siyang kuhaning model ng vitamins.
"Are you just gonna stare at me?" natatawa nitong tanong. "Woah! You envy my face that much?"
Napairap ako pero natawa na rin dahil sa nagawa ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?" tanong ko.
"Ibig sabihin? I asked you if you want this kind of beauty. I'll give it to you for free!"
Umiling ako. "Hindi ko kailangan niyan. I mean, ano'ng rate ang sinasabi mo?"
Napatango siya. Sumeryoso ang mukha niya, tumingin-tingin sa paligid kung may ibang estudyante. "Do you have the same job like Canary?" halos pabulong niyang tanong.