24

69 7 1
                                    

"How's your project going?" tanong ni Via sa akin.

Kakatapos lang ng prelims kaya hindi kami masyadong nagkikita. Pareparehas kaming busy. Binigyan naman kami ng deadline ni Canary. Tapos na naman kami ni Leif, aayusin na lang niya.

Sa totoo lang ay parang slam book ang pinasagutan ni Canary, yun nga lang ay related lahat sa view ng tao tungkol sa recognition at reward.

"Inaayos na lang. Kamusta ang exam?" balik tanong ko. Malalim ang mga mata niya pero mukha namang nakakahinga pa siya ng ayos.

Ngumiti si Via. Pagkatapos ay unti unting tumawa. "Guess what? Ang dami kong sure na tamang sagot! The trick Canary suggested worked!"

Ngayon ko lang napansin na hindi nga siya amoy vanilla. Sininghot ko pa siya para maamoy ko ang pabango niya.

"I bought a cheap cologne in the convenience store outside. Yung ako lang ang makakaamoy at hindi kakalat sa hangin," she answered. "I don't know but it's like a freaking magic."

Napatango ako. "At least, libre kang nakakuha ng tip kay Canary."

Ngumisi si Via at ipinakita sa akin ang malaking paper bag na may tatak ng mamahaling brand. "That's why I bought her a new backpack! Same style lang 'to ng ginagamit niya. Medyo kupas na kasi ung gamit nya so...."

"Pinakialaman mo na naman siya sa desisyon niya sa buhay," natatawa pero naiiling kong pahayag.

"I'll tell her it's a gift from me since hindi ko alam kung kailan ang birthday niya," kibit-balikat na sagot ni Via. "I won't tell her na gumana ang suggestion niya."

Natigilan kami sa pag-uusap nang matanaw namin na padating na si Canary. Mukha siyang puyat na puyat. Kakatapos lang din ng exam niya. Medyo magulo pa ang buhok niya.

Padabog niyang hinubad ang backpack niya at ipinatong sa mesa. Kumalas ang isang pangsukbit no'n. Galit na umupo si Canary at chineck ang nasirang bag.

Nakita ko ang pagngisi ni Via. Parang sumang-ayon bigla sa kanya ang panahon.

"Tingnan mo nga naman. I just bought a new backpack. Ibibigay ko na lang sa 'yo," Via said. Inabot niya kay Canary ang paper bag. "Bago pa naman ang shoulder bag ko kaya sa 'yo na yan. 'Wag mo nang bayaran."

"Are you okay?" singit na tanong ko sa kanya.

Kinuha ni Canary ang paperbag at walang sabing binuksan iyon. Nang makita niyang halos katulad ito ng gamit niya ay walang emosyong napatango lang siya at hinila ang tag nito. She returned the paper bag to Via and started transferring her things.

"You're welcome," pairap na pahayag ni Via.

Pinanood lang namin siya hanggang matapos siya sa pag-aayos.

Bumuntong hininga si Canary nang mailipat niya lahat ng gamit niya. Dalawang beses niyang ginawa iyon na parang inis na inis siya.

"What happened to you?" usisa ni Via. "May umaway ba sa 'yo? I mean, let me correct that, may inaway ka ba?"

"I will surely fail one of my subjects," pahayag ni Canary. "Akala ko tapos na ako. May essay pala sa likod." Parang sasabog siya sa frustration.

"Hindi mo nakita?" tanong ko.

"Hindi. I don't know. Binuklat ko naman but I don't know."

"Hayaan mo na 'yon. Baka perfect mo naman ang midterm at finals," cheer up ni Via.

"Easy for someone who doesn't need to maintain high grades," pairap na sagot ni Canary. "Regalo mo ba 'tong bag? Mabuti at nag-abala ka."

Umirap din si Via. "Of course not! Why would I buy gift for you? Feeler ha."

"Via, you're gullible and easy to read," Canary said. "I don't smell your vanil-lame perfume so I guess my method works for you. And you feel grateful so you bought me a bag."

Natigilan si Via. "Yung utak mo puwede na sa Mars. Ba't di ka mag-apply sa NASA? Wala ka bang hindi alam?"

"Mayroon. Marami."

"Ano pang method ang puwede mong i-suggest?" nakangiting tanong ni Via. "Bibilhan kita ng shoes next time. Or earrings na naisasangla if you want."

"Method my ass," ani Canary at binalingan ako. "How's Leif?"

Bahagya naman akong nagulat sa tanong niya. Come to think of it, hindi pala namin alam kung ano ba talaga ang relasyon nila. Bigla na lang nag-iba ang lahat.

"O-okay naman," sagot ko sa kanya. "He treats me everytime we'll answer your questionnaire." Sa dating coffee shop lang kami laging nagkikita. Wala naman masyadong tao doon.

"Good," sagot niya. "He can't thank me enough for the survey I did."

Napakunot noo ako dahil hindi ko siya masyadong naintindihan. "Ano?"

"Forget it. You're so slow," naiiling niyang sagot. Kumain lang siya at hindi na niya ako kinausap.

"I heard in-indian mo raw si Lake?" pag-open ko ng topic. "That guy won't surrender."

"His life would be a mess kapag hindi siya tumigil."

"Kuya Lake is everything, Canary. Wala ka nang hahanapin pa," pagbi-build ni Via sa pinsan niya.

"That's why. He's everything so he doesn't need me anymore."

Mayamaya pa ay tumayo na siya. Parang wala pang sampung minuto ang itinagal niya sa mesa.

"I have to go. May sideline pa ako sa hospital."

"You mean?"

"In the hospital where my Mom died. The one you have connection with?" baling niya kay Via. "Kaya mabilis akong natanggap, ano?"

"What? Really? You are working there? You should have told me! Para ipinalagay kita sa magandang departnent."

"No biggie. Kaya kong magtrabaho kahit saan."

Tuluyan nang umalis si Canary at naiwan na naman kaming dalawa pero agad ding tumayo si Via. "Iiwan na rin kita. May kailangan pa kasi akong i-meet."

Tumango lang ako at umalis na rin si Via. Nilikom ko na rin ang mga gamit ko. I was about to leave nang may mapansin ako sa ilalim ng mesa kung saan naupo si Canary. Mukhang nahulugan siya ng notebook nang hindi niya napansin.

It was a small blue notebook na may pangalan niya sa unahan. Kinuha ko iyon. Ayoko sanang pakialaman pero binuklat ko pa rin. Mga notes niya lang na pag-aaralan. She's really a studious one.

Ilalagay ko na sana sa bag ko nang may mahulog mula sa notebook. Pinulot ko iyon at isang picture ang bumungad sa akin.

It was the same picture I have. The same picture when I was two years old with my father.

Literal akong natulala at nablangko. Bumalik ako sa reyalidad nang tumunog ang cellphone ko. Lake sent me a message containing a picture.

Lake:

The first assignment Canary did for me had an extra paper at the back. Siguro naipit niya or naiwan niya. Hindi ko na yon sinabi sa kanya kasi mukha namang hindi importante because she never asked me. Your name is written here. Alice Dominguez.

false ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon