Nakatulala nalang ako na nakatingin sa kisame ng kwarto ko, hindi ko pa rin lubos maisip na gagawin na naman ni Lola ang ginawa niya noon. At First akala ko, nagbago na siya simula nung nawala ang minsan ko na rin na kinalimutan na ala-ala. Pero mukhang lumala ito, gustuhin ko man na sundin ang sinabi ni Zach, pero wala pa akong sapat na panahon para dyan.
Napatingin nalang ako sa pintuan ng silid ko ng bigla itong bumukas. At doon ko nakita si Sky.
" Nakita ko kayong nag-usap, ano'ng nangyari? " Saad pa niya
" Nadinig niya ang usapan namin ni Red. Sinabi din kasi niya na engaged na kami. Pero alam mo na, matagal na yun. Ayokong iba ang isipin ni Zach, dahil lang sa sinabi ni Red. Ayokong, pati yun proproblemahin ko pa. Sky, sa totoo lang gusto ko na siyang bumalik sa akin. Pero sa tuwing nakikita ko, nakikita ko yung mga bagay na magkasama sila ni Berenice, para bang kusang sumusuko na rin ang puso ko. Natatakot ako na baka, dumating yung araw na kailangan ko ng tanggapin na hindi talaga kami pwede. " Saad ko habang, umiiyak at may kanya-kanyang bagay ang pumapasok sa isip ko.
Walang ni isang salita ang inilabas ni Sky, simula nung sabihin ko iyon. Niyakap nalang niya ako ng sobrang higpit. Isang yakap na, alam mong nandyan palagi sa panahon na gipit na gipit kana.
Hanggang sa, nakatulog na rin ako kalaunan.
" Zach. " Napalingon nalang ako sa tinig niya. Nandito pa rin ako sa kanila. Andaming bumabagabag sa isip ko, lalong-lalo na ang narinig ko kani-kanina lang.
" Sino si Red?"
" Si Red, ang naging kaibigan ni Acqui nung nasa L. A pa siya. Magkasundo yung dalawang yun, actually tatlo kaming magkakaibigan. But of course, mas close sila sa isa't isa kaysa naming dalawa ni Red. Noong hindi ka pa dumating sa buhay ni Acqui, pinagkasundo na talaga silang dalawa. Both sides, agreed. Pero hanggang sa dumating ka, at nakilala ka nang family niya tumigil na iyon. Pero, ang pamilya ni Red ay naging magaan na rin sa pamilya ni Acqui. Kaya ganun nalang ang akala mo na, engage pa rin sila kahit hindi na. Ayokong dahil lang kay Red, ay lalaki na ang pader na ginawa niyong dalawa. Zach, payong kaibigan mo at pinakamatalik na kaibigan ni Acqui, wag mo na sana siyang saktan. Ang daming nangyare sa taong hindi kayo nagkaka-intindihan. Siguro nga, ang una mong linisin ay iyong sa inyo ni Berenice. Please lang, kung gusto mo siyang makuha ulit, gumawa ka ng paraan para bumalik siya sayo. "
Mga salitang hindi nakapagpatulog sa akin.
Ilang araw na rin ang lumipas, sa nangyaring iyon. At heto ang araw na pinakahihintay ko, ang deritsuhin si Mommy.
Habang nakadungaw ako sa isang mataas at malapara-isong mansion ay, bumalik ang lahat sa umpisa. Kung saan nakikita ko ang sarili kung, nakikipaghabulan at nakikipagbiruan. Ilang taon na rin ang lumipas simula nung umalis ako sa bahay na ito. Marami na pala ang nangyari, at hindi ko man lang namalayan.
Napadako nalang ako sa ginang na nasa pintuan, nakatayo at para ba'ng naghihintay sa paglapit ko. Ngiting lungkot at saya ang nararamdaman ko, sa ginang na ito. Hanggang sa naramdaman ko ang init ng kanyang yakap.
" Mommy ". Saad ko sa kanya
" Mabuti naman at, ikaw na ang pumunta dito. Hindi mo ata kasama si Berenice? " saad niya, habang nakatingin sa likod ko. Nagbabakasakali na makita niya ang babaeng mahal niya.
" Mom, gusto kitang kausapin. " Saad ko
Tumango nalang siya at pumasok na kami sa loob. Bumungad sa akin ang isang malaking picture frame.
" Tanda ko pa noon, gustong-gusto mo na kay Daddy ka sasama sa kahit saan man na lugar. Iiyak ka kapag, hindi matupad ang gusto mo. Minsan nga nagseselos na ako sa inyong dalawa, pero wala akong magawa. Kasi, palagi naman kitang kasama. At hindi katulad ng Daddy mo na ilang araw lang sa loob ng isang taon. "
Si Dad ay isang American Pilot. Isa siya sa pinakamahusay at magaling sa kanilang batch. Ngunit sa kasamaang palad ay, biglang gumuho ang mundo nung nabalitaan na, nagka-aksidente ang eroplano.
Noong una ay, akala namin na aksidente. Ngunit kalaunan ay lumabas din ang totoo. Sakay nung eroplano na iyon ay nandoon ang isang matandang lalaki na kasama pa neto ang kanyang apo na babae.
Tila, naging himala at, nabuhay ang batang babae ngunit nagkaroon naman ito ng Amnesia. Isa ito sa naging ikinabahala nang pamilya nito, dahil sa pagbatikos na siyang itinuturong sanhi ng pagkamatay ng ama niya.
Ayun sa sabi-sabi ng iba, nagkaroon ng kunting alitan ito ng dahil sa batang ito. Hindi na rin natukoy ang sanhi, kaya naging matindi ang galit ni Mommy.
Gustuhin ko man na magalit sa kanya, pero hindi ko magawa. Ayokong pati sa paglaki niya ay dala niya ang trahedyang iyon. Natatakot ako na baka isisi niya sa sarili niya ang lahat, lalo pa't sa tingin ko ay maganda na ang buhay niya.
" Ano nga pala ang sadya mo, Zach. "
" Mommy, gusto kung tigilan mo na kami ni Berenice. Alam mo naman na mahal na mahal ko si Acqui. Please be happy for me? "
" Hanggat hindi ko pa nakukuha ang gusto ko, hinding-hindi kayo magkakaroon ng masayang araw. Pasensya kana anak, gustuhin ko man na lumigaya sa inyo, pero ayaw ng puso ko. Hahayaan ko nalang ito, hanggang sa maghilom ang sakit na nararamdaman ko. Sabi mo nga, bata lang yun para makaranas ng matinding galit mula sa akin. Kakausapin ko nalang ang magulang ni Berenice, para itigil na ito. Ngunit handa ka ba'ng mawala ang lahat ng pinaghirapan mo? "
Bigla akong nawalan ng imik sa sinabi ni Mommy. Isa ang mga Trollicada sa kung ano man ang narating ko ngayon. Sila ang tumulong at gumabay sa akin. Kakayanin kung mawala ang lahat ng pinaghirapan ko, wag lang mawala si Acqui sa akin.
Matapos ang pag-uusap namin ni Mommy, ay hindi nako nagtagal doon. Ayokong pati ako ay magkaroon ng matinding galit kay Acqui. Minabuti ko nalang na pumunta sa bar, para maglasing ng maglasing.
Nang nakarating ako ay tumambad sa akin ang mga usok ng sigarilyo at syempre mga taong nagsasayawan sa dance floor. Dumiretso nalang ako sa Vip seats para makapagpahinga muna ako. Ilang sandali ang lumipas ay napadilat nalang ako ng may, umupo sa hita ko at pilit na pinapagapang ang kamay ko sa hita niya.
Binawi ko ito, at tinulak ko ng marahan upang umalis na doon. Uminom ako ng uminom hanggang sa nanlalabo na ang paningin ko.
Malalim na ang gabi, simula nung dumating ako. At wala na akong paki-alam kung saan ako dadamputin nito.
Panay tingin ako sa ibaba, nagbabakasaling makita ko siya dito. Ngunit nagkakamali ata ako. Inubos ko ang sampung bote ng mag-isa.
Akmang tatayo na ako ay biglang may humawak sa kamay ko. Ngunit hindi ko na maaninaw ang kanyang mukha dahil sa kalasingan ko.
Inalalayan niya ako, hanggang sa nakarating na kami sa kotse ko.
" Nasaan ang susi mo? " Tinig ng isang maamong babae
" Nasa bulsa ko, teka sino kaba at saan mo ako dadalhin? "
" Kikidnapin kita, tang*namo maglalasing kana nga iisturbuhin mo pa ako. " Saad nito habang pinapaupo ako sa passenger seat.
Nakita ko pa na may kinausap siya bago pumasok sa kotse at pinaandar na ito.
Isang matinding katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Hindi ko talaga maaninag ang mukha ng babaeng ito. Kilala ko ba ito? Base sa pakikipag-usap niya kanina ay mukhang kilala niya ako.
Bahala na nga.
YOU ARE READING
Rainbow After The Rain (COMPLETED) Series 1
FantasyAfter a heavy downpour, when the clouds part and the sun peeks through, a breathtaking phenomenon graces the sky-the rainbow after the rain. It emerges as if painted by an invisible hand, its vibrant colors stretching across the heavens in a gracefu...