Chapter 12

7 2 0
                                    

Heto ako ngayon , sinasalubong ang sinag ng araw.

" Let's go. " Sabay pulupot pa nang kamay ni Kevin sa akin

Tumango nalang ako bilang tugon. Nakumbinsi niya akong umuwi , pero ilang linggo lang ang pananaliti ko dito. Dahil na rin sa may trabaho na naghihintay sa akin sa Los Angeles.

Hindi na kami pinaghintay , dahil nasa harapan na namin ang Van .

Pumasok na ako sa loob at sumunod naman si Kevin.

" Walang nakaka-alam na umuwi ka , Acqui. " Saad pa niya

" Edi maganda kung ganon. No more stressed. " Pabalang ko na sabi sa kanya.

Pero mukhang mali ata yun , dahil binatukan niya ako.

" Oy nga pala , anyare kay Gino? 'di ko na nakikita yun at wala na akong balita. " Sulyap ko sa kanya , habang nasa byahe na kami

" Umuwi na si Gino , nasa Cebu na siya ngayon. " Akmang pipikit na siya ng kinulbit ko ang balikat niya.

" Wah? Seryoso? Kaya pala wala na akong balita sa kanya. " Malungkot na pahayag ko pa

" Kasi naman naka- focus kalang Kay Zach. "

" Excuse me? That was a year ago . Tyaka , kailangan ko na magkaroon ng peace of mind. "

" Sa pagkakatanda ko , ilang linggo ka lang dito. Kaya mo kaya? "

" I will. Tyaka I promised. "

" Sabi mo eh. " At ipinikit na niya ng tuluyan ang mga mata niya.

Mahabang byahe pa ang kailangan, bago kami makarating sa Condo namin ni Sky.

" Oh! Bago ko makalimutan , lumipat na si Sky sa Condo niyo. Dahil malapit lang din naman ang pinagtratrabahuan niya. "

" Nagtrabaho talaga siya? Akala ko , hindi. Balita ko pa naman naka-jackpot yun. " Tawa ko pa sa kanya

" May pagka- chismosa ka talaga eh noh? " Pabalang pa ni Kevin.

" Syempre , alam ko yung mga nangyayari sa kanya noh! Nagkwe-kwento siya sa akin , kaya alam ko. At ikaw! " Sabay turo ko pa sa kanya

" Anong ako? " Taka pa niya

" Bakit wala ka pang jowa? Naku! Sinasabi ko na nga ba , crush mo si Red noh? "

" Tanga ka ba? Bakit ko naman crush yun? Iba yung crush ko oy! "

Sa sinabi niya ay hindi ko na siya tinantanan hanggang sa , nakarating na kami sa gate ng tapat ng Condo.

" Dito na ako , yung gamit ko pala. " Akmang kukunin ko na yung gamit ay bitbit na ni Kevin ang mga ito.

Habang tuloy-tuloy na siyang pumasok sa gate. Dinig na dinig ko ang mga katanungan ni Sky , dahil papalapit na din ako sa pintuan.

" Gago kaba Kev , kaninong mga gamit toh? " Sabay pa turo nito sa mga gamit ko

" Pinapalagay ng bagong may-ari nito. " Saad pa ni Kevin

" Hala ka! Anong bagong may-ari ka dyan? Gusto mo masapak ni Acqui? Layas ka na nga , oy anong sasabihin ko kapag kukunin na itong gamit? " Pahabol pa ni Sky

" Sabihin mo , welcome home. " At tuloy-tuloy na siyang umalis doon.

Isinarado ko nalang din ang gate , habang dahan-dahan akong pumasok.

Naka-ilang hakbang palang ako ay , dinig na dinig ko na ang tili ni Sky.

" Omyghaddd Acqui , is that you? For real? " Sabay hawak pa nito sa mukha ko at yumakap na rin kalaunan.

Rainbow After The Rain (COMPLETED) Series 1Where stories live. Discover now