Chapter 4

7 2 0
                                    

Matapos nang nangyari kanina ay hindi na umiimik si Athella at si Sky.

Hindi na ako magtataka kung hindi na rin umiimik si Dweyne, kasi tahimik naman talaga yun.

Panay buntong- hininga ng dalawa ang naririnig ko. Hindi ko alam kung sinasadya ba nila na madinig ko , para makunsensya ako. Pero bakit naman ako makukunsensya, eh sila naman ang may gawa non.

Hanggang sa sumakay na si Sky sa kotse ko. Ako kasi ang nag- insist sa kanya kanina na magdala. Oo nga pala , bago ko makalimutan

" Sky. " Tawag ko sa kanya, habang ang tingin ko ay nasa harapan

" Bakit? " Tono na may halong pangamba sa akin.

" I just wanna asked. Bakit wala tayong pasok , ngayon at tyaka bukas? "

" Preparations for finals at tyaka para na rin sa Coronation na gaganapin. At yung Representative ay- "

" Sino? " Saad ko at binalingan ko siya saglit.

" Ikaw. "

Napatapak nalang ako sa brake , dahil sa sinabi niya.

" Bakit hindi mo sinabi sa akin? And I didn't agree with that. " Galit kung sabi

" Our prof is the one who decide. Tyaka sasabihin ko naman sayo eh , kaya lang naunahan mo ako. "

" You sure na sasabihin mo sa akin? One time no'ng sumali ako , hindi mo sinabi. Kaya para akong tanga sa stage noon. At ngayon? Sigurado kaba talaga na prof natin ang nagbigay ng suggestion? Or ikaw? Don't lied to me. "

" Ok I'm sorry, ako ang nagsuggest. Alam mo naman kung gaano kahalaga sa akin yun. I want you to win, for our course. "

" Bakit hindi nalang ikaw? Tutal, ikaw naman ang may gusto diba? "

" So magba- backout ka?"

" Ayoko na mas-stress ulit. Kaya magba- backout ako. " Saad ko at pinaandar ulit ang sasakyan.

" I'll tell the prof, na wala ng Contestant ang Education." Habang kinuha niya yung phone niya at may tinawagan. Seriously?

" Hello , Ms. Gonzaga. Ayaw na ni Acqui na sumali sa pageants, paano na yan Ms? " Boses na parang nangungunsensya

Hindi na sana ako maniniwala, pero may nadinig ako na boses sa kabilang linya.

(Naku! Hindi pwede yan. Nasaan si Acqui, at kakausapin ko.)

I raised my middle finger to her. She just smirked at me

" Hello Ms. Gonzaga , ahm. Can I reject the request? " Saad ko na may pangamba sa boses.

" Acqui , hindi pwede . Alam mo naman na , ikaw lang ang inaasahan namin sa Education Course. Kung wala tayong representative, tayo ang magiging main topic sa buong Campus. Alam mo naman siguro kung ano ang nangyayari kapag, may isang Course na walang Representative diba? Kaya Acqui , tanggapin muna. "

One time kasi , no'ng ako kasi ang naging Representative sa Education may isang Course na walang Representative. I think BSBA, yung wala. Kasi naman yung Representative na kinuha nila ay sobrang hectic ng Schedule nun. Take a look at her sched.

(6:00am - 7:30am) First Subject
(8:00am - 3:00pm) The rest (subject)
(3:30pm - 5:00pm) Mag- aasist sa Library
(5:30pm - 11:00pm) Part-time job

Tapos ilang oras pa siyang byahe pauwi. Bakit ko alam? Sinabihan niya ako eh🤷 pero hindi naman sa pagyayabang naka 1st Place naman ako sa pageants. Dahil sa kapalpakan na ginawa nila sa akin.

Yung tipong nilabas nila ako ng walang kaalam- alam sa buhay. Jusko! Buti nalang at nakabawi naman ako sa Q&A. Kaya nga confident sila na ako ulit ang isasabak nila.

Rainbow After The Rain (COMPLETED) Series 1Where stories live. Discover now