Chapter 16

11 1 0
                                    

Nagising nalang ako ng may humawi sa kurtina, at bumungad sa mukha ko.

Inilibot ko ang paningin, ngunit hindi ko ito silid. Bago pa ako makapagsalita ay bumukas ang pinto, at iniluwal nito ang babaeng mahal ko.

" Buti naman at gising kana. " Saad niya at dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

" Anong ginagawa ko dito? Bakit hindi mo ako iniuwi sa Condo. " Saad ko pa sa kanya

" Ayokong may ahas na makasalubong sa Condo mo. So I brought you here. Here. " Sabay turo pa niya sa isang lugaw. " Kumain ka, para matanggal yung hangover mo. And, mag-usap tayo. " Saad niya at lumabas na sa silid.

Hinawakan ko ang ulo ko dahil na rin sa sumakit at mukhang matindi ang ginawa ko.

Pilit kung pinapabangon ang sarili ko at kumain nalang ako. Ayokong dumagdag yung sermon ni Acqui sa akin. At mukhang, sesermunan ako ng todo nito. Sinadya ko talaga na bagalan ang pagkain ko, ngunit nagulat nalang ako ng tumambad sa akin si Sky.

" Bilisan mo daw kumain, lumabas kana kapag tapos kana maglinis ng katawan mo. Aalis ako kaya maiiwan ko kayong dalawa dito. Zach, please magbehave ka naman. Pati ako nastress na. " Saad niya at umalis na.

Matapos kung maglinis ng katawan, ay bumaba na ako. Kitang-kita ko ang presenteng naka-upo na si Acqui sa sofa.

Nang maramdaman niya ang presensya ko ay lumingon na siya sa gawi ko.

" Ang bagal mo naman kumilos, anyway umupo ka at mag-uusap tayo. "

Umupo na ako, gaya ng utas niya.

" In the middle of the night, mambubulabog ka talaga? "

" I can't remember, I'm sorry for what I've done. "

" Bakit naman kasi ako pa ang tinawagan mo, may fiancee ka diba? Bakit hindi siya ang tinawagan mo? But anyway, kusang loob ko naman na tinanggap ang favor mo. So you don't have to worry. And please kung maglalasing ka, make sure kaya mo. Kung hindi mo naman kaya, you have Gino and Kevin to accompany you. Para naman, hindi kung ano man lang ang isipin ng fiancee mo. Also, you can call me if you need anything. I'm not a stranger, but I am limited. You're engaged, so act like one. "

Dahil sa sinabi niya ay nabigla ako ng tuluyan. Bakit niya ba ako pinagtutulakan? Hindi na ba niya ako mahal? Or maybe this is the only way, para tuluyan na niya akong makalimutan?

" I can't get you. Why are you doing this? Hindi mo na ba ako mahal? Please Acqui, pakinggan mo naman ako. " Saad ko habang hinahawakan ko ang kamay niya.

" Why? Diba ito naman ang gusto mo? You didn't remember it too? Or palusot mo lang yun, para magkabati na tayo. Alam mo Zach, mabilis lang akong mapaikot, pero hindi ibig sabihin nun na kaya mo akong paikutin ng dalawang beses. You can't fool me twice. Although, may feelings pa rin naman ako sayo maybe, a little bit. So, wag mong sayangin ang feelings ko for you. Kung gusto mo akong makuha ulit, then do something na wala kang masasaktan na tao. Sa totoo lang, kunting panahon nalang at aalis na ako ng tuluyan sa bansang ito, wala ka bang gagawin? Hahaha. Tingnan mo nga naman, ako pa ang nagsabi sayo niyan. At nga pala, aalis na ako may susunduin lang ako sa airport, gusto mong sumama? Nakakahiya naman kung iiwan kitang mag-isa dito. "

" Okay. "

Bigla nalang napangiti si Acqui. Akalain mo nga naman, madali lang mapapayag ang bruho.

" Kotse ko nalang ang dalhin natin, tutal ako naman ang nag-aya sayo. Let's go. "

Nang nasa loob na silang dalawa ay naging tahimik na si Zach. Para mawala ang awkward ay bigla nalang nagpatugtog si Acqui.

Sadyang mapaglaro ata ang tadhana at lumabas ang kantang kanilang pinagsaluhan, ilang taon na ang lumipas.

Rainbow After The Rain (COMPLETED) Series 1Where stories live. Discover now