Chapter 17

8 1 0
                                    

Abala silang dalawa ni Kevin sa pagluluto ng biglang tumunog ang cellphone niya. Nang makita niya ang caller ay bigla siyang dinapuan ng kaba. Dahil na rin sa ang Ama ni Acqui ang tumatawag sa kanya.

Nang sulyapan siya ni Kevin, ay ngumiti nalang ito sa kanya.

" Sagutin mo yan, baka importante ang sasabihin niyan sayo. Tyaka wag mong patagalin yan, baka hindi mo na tuluyan na makita si Acqui. "

Dali-dali niyang sinagot ang tawag nito at lumabas na muna siya sa kusina at pumunta sa likod bahay.

" Ti-to. " Saad niya na nangangatal pa.

" Can we talk, gusto ko sana na personal tayong mag-uusap. " Saad nito sa kanya. Pumayag na rin siya, dahil mukhang importante talaga ang gsuyo nito na sabihin sa kanya.

Nagpaalam na muna siya kay Kevin, pupuntahan na sana niya ang kwarto na siyang tutuluyan ni Acqui ay bumulagta naman sa kanya ang mukha ni Red.

" Bakit may kailangan ka kay Acqui? "

Tumango siya bilang tugon nito. Ngunit umiling naman ang kausap niya.

" Pasensya kana, nakatulog kasi siya eh. "

" Pakisabi nalang na, aalis na muna ako saglit. Babalik nalang ako dito, kung hindi pa siya uuwi mamaya. May kikitain lang ako na importanteng tao. "

" Sige, ako na ang bahala sa kanya. Sige na umalis kana . "

Agad niyang hiniram ang sasakyan ni Kevin, dahil sa wala naman siyang dala na sasakyan.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na rin siya sa Coffee shop na siyang tagpuan nila ni Mr. Chuscada. Iniikot na muna niya ang kanyang mata, bago pumunta sa siyang kinauupuan ng mag-asawa. Hindi niya aakalain na, kasama pala nito ang asawa nito na siyang Ina naman ni Acqui.

" Magandang umaga po. " Saad niya at ngumiti sa dalawa.

Nang siyang pag-upo niya ay siya naman na pagsalita ng Ginang.

" Zach, alam kung nagkahiwalay na kayo ng anak namin. Dahilan pa nito ay engaged kana pala. Zach, pinagkatiwala namin sayo ang anak namin, tapos gaagwin mo siyang kabit? "

" Tita-

" Ang lakas ng loob mo na sirain ang tiwala namin sa iyo? Tapos ito ang igaganti mo sa amin? "

" T-ita hindi ko intensyon ang ganoon na bagay, sadyang hindi lang po talaga matanggap ni Berenice na tapos na po kami. Noong may relasyon na kami ni Acqui, ay matagal na po kami na magfiancee ni Berenice. Hindi ko alam kung ano ang gusto niyang mangyari, pero Tita maniwala kayo sa akin, wala akong balak na saktan ang anak niyo. Ayokong, ayoko na makita siya na masaya sa iba. Kung hindi sana naging ganito ang problema ko, hinding-hindi na ako magtatangka na pakawalan si Acqui. Humahanap na po ako ng paraan, para maging masaya ma po kami ni Acqui. " Saad niya habang hawak-hawak ang kamy ng Ginang.

" Ipakita mo sa amin kung gaano mo kamahal ang anak namin, Zach. Alam kung mabuti kang tao, ngunit sa nakikita namin ngayon mukhang nagkamali kami sayo. "

Napayuko nalang siya sa sinabi nito sa kanya.

Sino ba naman kasi ang papayag na masangkot sa gulo na hindi mo naman alam? Sino ba namanang may gustong masira ang pagkatao mo sa taong hindi mo naman kilala. Sino ba naman ang may gustong maging third party ? Diba wala?

Naisip ni Zach na kailangan na talaga niyang, gawin ang paraan para tuluyan na silang maging masaya ni Acqui.

Hindi niya akalain na iyon na pala ang huling araw na makita niya si Acqui. Dahil sa pinagbawalan siya nito na makipagkita o makita man si Acqui. Kahit na tinatanong nito ang mga kaibigan ni Acqui, ay wala siyang makuha na sagot. Palagi nalang sinasabi na, 'okay lang siya wag kang mag-alala'.

Rainbow After The Rain (COMPLETED) Series 1Where stories live. Discover now