Chapter 20: LAST CHAPTER

13 1 0
                                    

Sabi nga nila, mahirap magpatawad lalo na kapag, ito rin ang dahilan ng pagkadurog mo. Pero ano pa ba ang mas mahirap? Ang makitang durog na durog ang taong mahal mo?

Hindi lubos akalain ni Zach, na sa loob ng limang taon ay,iyon pa ang pagkakataon na makikita niya ang taong mahal na mahal niya.

Masaya siya dahil nasilayan niya ang mukha nito, ngunit may kirot din palang dala ang kasiyahan na iyon. Sa loob ng limang taon ay wala siyang ginawa kundi, magtrabaho nang magtrabaho. Araw-araw sumasagi sa isipan niya si Acqui. Na ngayon ay sa tingin niya, na masaya na ito sa kapiling ni Kevin.

Nakatatak pa rin sa isip niya ang mga salitang binitawan ng dalaga sa kanya. Ilang taon na ang lumipas.

Totoo nga ang sinabi nila, mahirap kapag ang babae na mismo ang sumuko sa inyong dalawa. Mahirap makitang nasasaktan ang babaeng mahal mo, nang dahil na rin sa ginawa mo.

Naalala niya pa rin ang mga bagay na, na dapat binigyan niya ng pansin noon pa man.

Masakit, dahil ako mismo ang gumawa ng paraan para sumuko siya sa akin. Ako mismo ang, naglagay sa kanya sa kapahamakan na sana ay nakinig ako sa kanya. Mas pinangunahan ako nang galit, dahil sa ginawa nila nung nakaraan.

Pero masisisi niyo ba ako kung, mas inuna ko muna ang galit ko. Kaysa sa pakinggan ang mga explanation niya?

Napahilamos nalang ako sa mukha, habang nakatingin sa malayo. Kitang-kita ko ang saya sa mukha niya, ako sana ang kasama mo at sa magiging anak natin Acqui. Ako sana ang maswerte sa lahat.

Hindi ko alam kung bakit, mas pinili ko na sundan sila kahit masasaktan lang ako sa ginagawa ko.

Pinikit ko nalang ang aking mga mata, habang inaalala ko ang salitang binitawan ni Berenice noong nabubuhay pa ito.

Nang nagising ako mula sa pagkakatulog ay naramdam kung wala na sa tabi ko si Acqui. Biglang kumabog ang dibdib ko, na hindi ko maipaliwanag. Dali-dali akong bumangon at hinanap ang damit ko, upang hanapin si Acqui. Nang nasa may dalampasigan na ako, ay wala akong makita na bulto ni Acqui. Ipinagbigay-alam ko na ang pagkawala ni Acqui, dahil sa mas lalo na akong kinabahan.

Ngunit, kailangan ko pa raw na maghintay ng 24 hrs. Dahil baka naglalakad-lakad lang ito sa may dalampasigan. Ngunit, nagpursige ako na hanapin siya, sa kadahilanan na baka ako ang makakita sa kanya.

Kung saan-saan na ako napupunta, ngunit wala akong nakitang bulto nito. Ngunit nahagip ng mata ko, ang babaeng pamilyar sa akin.

Lakad- takbo ang ginawa ko para maka-usap ang taong iyon.

Nang nasa harapan na niya ako ay, namutla nalang ito bigla sa akin. Ngunit kalaunan ay ngumiti ito nang nakakatakot.

" Mukhang hinahanap mo ang Future Wife mo, tama ba ako Zach? "

" May kinalaman kaba sa pagkawala niya, Berenice? "

" Makakaya mo pa kaya na hanapin siya sa kabila ng mga naging kasalanan niya sayo? "

" Anong ibig mong sabihin? "

" May kailangan ka na malaman, Zach. Kung susundan mo ako, malalaman mo ang ginawa ni Acqui. At kapag hindi mo naman ako susundan, nakakasiguro akong dadalhin ka ng kuryosidad mo hanggang sa hinaharap. Mamili ka Zach, ang may alam o ang walang alam. "

Rainbow After The Rain (COMPLETED) Series 1Where stories live. Discover now