Matapos kung nai- kwento sa kanila ang nangyari , ay talaga nga naman na nagbago na ang paningin nila kay Zach.
Well , I can't blame them to hate him.
Dahil na rin sa naging kwento ko sa kanila ay , natandaan ko na ang babaeng nakita ko kani-kanina lang. Iyon ang babaeng nasa picture frame ni Zach.
Sobrang liit nga ng mundo , na sa isang iglap ang taong mahal ko pala ay may nagmamay-ari na. Sa totoo nga lang hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Yung tipong halo-halo na ang lahat.
Sa sobrang aliw ko sa panonood sa sunset ay hindi ko namalayan na may tumabi na pala sa akin.
" You really loved the sunset , Brie. "
" Bakit ganun Kev , akala ko magkakaroon na ako nang pag-asa na magmahal ulit. Akala ko sa akin naman , tutupad ang tadhana. " Hindi nakatakas sa akin ang luha na dumadaloy na ngayon sa mukha ko.
" Iiyak mo lang yan, nandito naman ako palagi sayo diba? " Saad niya at yumakap sa akin.
" Ang hirap maging ganito Kev , nahihirapan na rin ako. "
" Shh.... Wag kang mag-alala , malapit kana rin naman na umalis papuntang States. Makakalimutan mo rin ang nangyari sa iyo dito. " Saad niya pa habang pilit na itinatahan , gamit ang kanyang mga kamay na humahaplos sa likod ko.
" Sana nga Kev , sana nga. "
Nagpa-alam nalang si Kevin , na kailangan na niyang umalis dahil naka magsuspetsya ang dalawa.
Hanggang sa naiwan na naman akong malalim ang iniisip.
Unang araw pala namin dito , pero mukhang hindi ko mae-enjoy yung resort.
Napabaling nalang ako ng may maramdaman akong papunta sa kinaruruonan ko.
" Kamusta ka? "
" Wow bago ah! Himala ata , nangamusta ka sa akin. " Sabay tawa ko pa sa kanya
" Oy! Nag-aalala pa rin naman ako sayo. Mabuti nga nag-alala ako sayo, hindi tuloy ako nakanood . "
" Naninisi kapa? " Sabay hampas ko pa sa kanya
" Eto naman , hindi mabiro. Pero , okay kana ba? Gusto mo sugurin ko yun? Lukong yun ah! Dapat hindi sinasaktan ang mga babae eh! "
Napatawa nalang ako sa sinabi niya.
" Coming from you ah! "
" Ayan! Tumawa kana rin. Wag ka nga mag-isip ng kung ano-ano. Tyaka , marami pa na lalaki ang deserving sa pagmamahal mo. Don't waste your time , to that ugly guy. "
" He's not ugly , Dweyne. "
" Kita muna! Pinagtatanggol mo pa ? Baliktarin mo , ako dapat ang ipagtatanggol mo wag yun. Kupal yun eh! "
Natahimik nalang ako bigla.
" Wag mo kasing mahalin ang taong , hindi pa tapos magmahal , Acqui. We have so much time , para hintayin ang nakatadhana sa atin. Never beg for someone's attention. Siguro nga , marami talaga tayong pinagka-iba . Pero I'm still a human . Tao rin ako na nagkakaroon ng feelings sa iba. Kaya lang ang taong gusto ko , ay may gusto namang iba. "
" Who's that lucky girl? " Sabay sulyap ko sa kanya
" A girl that always treasured me a lot. But the destiny doesn't want us to be together. "
" Drama mo! " Sabay tawa ko sa kanya.
" Pero alam mo, hindi ko talaga nakalimutan yung pambabasted ni Chris sayo. "
![](https://img.wattpad.com/cover/248345894-288-k671340.jpg)
YOU ARE READING
Rainbow After The Rain (COMPLETED) Series 1
FantasyAfter a heavy downpour, when the clouds part and the sun peeks through, a breathtaking phenomenon graces the sky-the rainbow after the rain. It emerges as if painted by an invisible hand, its vibrant colors stretching across the heavens in a gracefu...