CHAPTER 13: KAGWAY******
ERITANIA AKADEMIA
THIRD PERSON POV."Maligayang pagbabalik mga Ritaeya at Raetiyo" Masayang pagsalubong ng tatlong Ministro sa kanila sa loob ng tanggapan. Masayang ngiti naman ang iginanti ng mga magkakaibigan sa tatlong Ministro.
"Mabuti naman at naka balik kayo ng ligtas, sobra kaming nag aalala sa inyo" Saad ng isang Ministro na si Lazarus.
"Pasensiya na po Ministro Lazarus. Kung ipinag alala namin kayo"
"Hayaan niyo na ang mahalaga ligtas kayo at dala niyo ang mahiwagang bato na ipinakuha ko sa inyo" Tila nakaramdam naman ng kaba ang magkakaibigan dahil sa sinabi ng Ministro sa kanila, hindi nila alam kung saan sila kukuha ng lakas upang magsalita tungkol sa bato na inagaw sa kanila ng babaeng naka pula.
"Bakit hindi kayo maka pagsalita? Nasaan ang Mahiwagang Bato?" Napansin naman ni Ministro Lycoris na tila balisa ang magkakaibigan dahil sa tanong ng kaniya kapatid.
"Hakeen! Magsalita ka! Nasaan ang mahiwagang bato?" Tanong naman ni Ministro Lycoris na pinipigilan ang sarili na magalit.
"Pa.. Pasensiya na po Ministro! Subalit na I wala na---"
"ANO? NAIWALA? PAANO YON MANGYARI? KUNG WALA NA ANG MGA TAGA BANTAY DOON? HUH! HAKEEN! PAANO NIYO ITO NAIWALA?" Nagulat ang magkakaibigan sa pagsigaw ni Ministro Lazarus sa kanila, kaya mas lalo lang sila nakaramdam ng takot.
"May dalawang babaeng umagaw sa batong hawak namin. Hindi namin ito nakuha ulit sa kanila sa pagkat ang kanilang kapangyarihan ay sobrang lakas kumpara saming kapangyarihan. Patawad Ministro!"
"MGA HANGAL! HINDI KO KAYO IPINADALA DOON PARA LANG KUNIN NIYO ANG BATONG IYON AT IBIGAY SA KUNG SINONG BABAENG IYON!"
"Patawad Ministro Lazarus! Patawad hindi na po ito mauulit."
"Talagang hindi na ito mauulit, dahil wala na!"
"Nakikilala mo ba ang dalawang babaeng iyon?" Tanong naman ng Ministrong si Leucippus
"Fe.. Fenella po ang pangalan ng isang babae at iyong isang babae naman ay Harriet ang kaniyang pangalan." Sagot naman ng Arya na si Ayanna.
"Paki ulit ang iyong sinabi?" Gulat na saad kanila ng Ministro na si Lazarus.
"Fenella at Harriet" Pagtapos sabihin iyon ni Hakeen nagkatinginan naman ang tatlong Ministro sa pangalan na kanilang binanggit.
"Imposible" Sambit ng Ministro na si Lycoris na ipinagtataka ng magkakaibigan.
"May problema po ba Ministro?" Tanong ng Arhong si Hakeen sa kanila na tila ba naguguluhan, kung bakit ganun na lang ang kanilang naging reaksyon sa pangalan ng dalawang babae.
"Makakaalis na kayo" Saad ng Ministro na si Leucippus sa kanila, at agad naman silang naglakad palabas ng tanggapan.
"Ako lang ba naka pansin?" Sambit ni Rionna sa kanila ng makalabas na sila sa Tanggapan ng mga Ministro at naglakad na lamang sila sa mahabang pasilyo ng palasyo.
"Tulad ng ano Rio?" Tanong sa kaniya ni Kooper
"Na may kakaiba sa tatlong Ministro? Nung banggitin ni Ayanna ang pangalan ng dalawang babaeng iyon. " Saad naman sa kanila ni Rionna.
"Pansin ko nga din"
"Napansin ko din yan" Sabay nilang banggit.
"Hali na kayo, huwag na natin ito pag usapan baka mamaya maparusahan pa tayo" Ani sa kanila ni Hakeen. At bigla naman silang tumahimik habang patuloy sa paglalakad papunta sa kanilang silid.
![](https://img.wattpad.com/cover/222452957-288-k503131.jpg)
YOU ARE READING
ERIMETANIA 1: The Darkness Begin (Awaken)
ФэнтезиA girl named Harriet Dein fell asleep for too long in a peaceful place with different kinds of flowers and creatures around. No one knows that place is hidden behind a boulder that stands in the vast of ocean. Until one day Princess Harriet woke up...