CHAPTER 14: AMOY****
THIRD PERSON POV.
Pinagmamasdan ng walong elementalist ang mga kasamahan nila na nagkikipaglaban sa mga Kagway upang makapasok sa kagubatan. Habang ang mga manggagamot na kanilang kasama ay nag aalala sa kanilang kalagayan. Napansin ito ng kanilang guro na si Binibining Nanya, subalit hindi niya lamang ito pinansin. Bagkos ay nakatoon lamang ang kaniyang pansin sa mga estudyante nakikipaglaban sa mga Kagway gamit ang kani- kanilang kapangyarihan.
Dalawang minuto na lamang ang natira ngunit wala pa ni isang nakalabas ng gubat. Kaya mas lalo lang kinakabahan ang kaniyang mga estudyanteng na nandito, habang hinihintay ang kani-kanilang kasama.
Lumipas ang limang minuto ay wala parin ni isang nakalabas sa loob ng gubat, kaya napatayo na lamang ang guro na si Nanya. At nakaramdam ito ng kakaiba kaya tinawag niya ang lahat ng manggagamot na nandito palapit sa kaniya pagkatapos ay may ibigay itong maliit na bote sa isa niyang estudyante.
"Ipa inom niyo ito sa kanila" Saad niya at saka siya tumingin sa iba niyang estudyante. Magsasalita na sana ito ng bigla na lamang natumba ng sabay ang kaniyang mga estudyante na nandito. Kaya laking gulat ng Binibining si Nanya, nang makita niyang nakahimlay ang kaniyang mga estudyanteng nanghihina.
HARRIET POV.
Diko inaasahan ang nangyari, gulat parin akong nakatingin sa mga kaklase ko nawalan ng malay. Nagpalingalinga ako kung meron pa bang tao sa paligid bukod samin. Ngunit wala akong naramdam nakakaiba, nag invisible ako upang magmasid sa paligid na walang makaalam.
"Anong nangyari? Ayos lang ba kayo?" Gulat na tanong ni Binibining Nanya. Nang masaksihan niya ang bigla na lamang natumba ng sabay ang mga kaklase ko. Tumingin ito sa walong elementalist pero ganun din ang nangyari sa kanila.
"Teka? Anong nangyayari sa inyo?"
"Hi... Hindi po.. Na..namin alam, nitong mga nakaraang... Bu.. Buwan ay bigla na lang kami nawawalan ng lakas." Sagot sakin ni Zero na nasa tabi ng dalawang magkakambal na si Arisha at Ashira.
"Ang ibig bang sabihin nito ? Kaya hanggang ngayon hindi pa nakabalik dito ang mga kasamahan niyo dahil nawalan na din sila ng lakas upang makabalik rito?" Nakaramdam naman ako ng kaba dahil sa narinig ko. Malamang pati si Sierra ay ganun din ang nangyari.
"Ganun na nga po, Binibining Nanya" Sagot naman ni Suerem, na kita mo sa kaniyang hitsura ang panghihina. Tumingin naman ako sa walang Elementalist saka naglakad papalapit sa kanila upang ipainom ang lunas sa lason na pinainom sa kanila ni Binibining Nanya.
Magsasalita pa sana ako ng marinig ko ang bosses ni Sierra saking isipan. Natataranta kung ano ang kaniyang gagawin dahil rin sa kanyang nakita na bigla na lamang nahimatay ang iba niyang kasamahan sa kagubatan.
'Huwag kang aalis, papunta na ako'
"Huwag kayong aalis dito, pupuntahan ko ang mga kasamahan niyo" Rinig kong pahayag ni Binibining Nanya na mag umpisa ng maglakad.
"Sandali lang Binibining Nanya!" Rinig kong tawag ni Hakeen, kaya tumingin sa kanilang deriksyon si Binibining Nany upang makita siya.
"Ano iyon Raetiyo Hakeen?" Tanong ng Guro
"Nakapagtataka na hindi kayo nakaramdam ng paghihina? Dahil karamihan samin dito pati narin ang ibang guro maliban na lamang sa tatlong magkakapatid na Punong Ministro."
"Anong ibig mong sabihin Raetiyo Hakeen?"
"Mabuti pa Binibining Nanya! Magpanggap kayo na nanghihina, bago pa nila kayo maki---- Binibining Nanya!" Nagulat na lamang ako dahil sa biglang pagsigaw ng mga kaklase ko, tumingin ako sa deriksyon ni Binibining Nanya na kung saan siya nakatayo, may napansin akong maliit na bagay na nakaturok sa kaniyang leeg dahilan upang mawalan ito ng malay.
YOU ARE READING
ERIMETANIA 1: The Darkness Begin (Awaken)
FantasíaA girl named Harriet Dein fell asleep for too long in a peaceful place with different kinds of flowers and creatures around. No one knows that place is hidden behind a boulder that stands in the vast of ocean. Until one day Princess Harriet woke up...