CHAPTER 16: ALERA

0 0 0
                                    

CHAPTER 16: ALERA

******

                          AYANNA POV.


"May napapansin ba kayong kakaiba?"

"Tulad ng ano, Rue?"

"Sa mga nangyayari ngayon."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Simula ng dumating sila binibining nanya, at ang tatlong bago nating kaklase. Parang sunod sunod na lang may nangyayaring masama sa loob ng akademia."

"Baka nagkataon lang ang lahat Rue" Fiona

"Hindi ehh, parang may mali talaga"

"Ano ba yan Rue, alam mo namang masama ang magparatang ng walang sapat na katibayan. Tama si Fiona, siguro nagkataon lang talaga ang lahat na nangyayari ngayon. Kaya dapat hindi tayo basta na lang magbigay ng paratang sa kanila dahil lang sa hinala." Saway ko sa kaniya dahil isang kasalanan ang magparatang ng kasalanan sa isang tao, maaaring buhay ang kapalit sa matabas mong dila.

"Hindi ako nanghihila, totoo lahat ng sinasabin ko!"

"Pero wala tayong katibayan."

"Tama si Ayanna, Rue. Baka ikapahamak mo pa kung ipagpilitan mo ang mga bagay na walang katotoran." Sang Ayon naman na sabi ni Fiona

"Hindi niyo kasi na iintindihan!"

"Ang alin ba ang hindi namin na iintindihan?" Pasigaw kong tanong sa kaniya dahil sa inis.

"Buksan niyo kasi dalawang mata niyo! Para makita niyo kung anong nangyayari ngayon."

"Rue! Nakikita namin, hindi kami bulag. Ang ibig lang sabihin ni Ayanna, kung may iba kang napapansin. Sabihin mo ng deritso, kasi ang hirap manghula kung alam mo lang." Halata sa bosses ni Finoa sa bawat salitang binitawan niya ang pagpipigil ng inis.

Nakita ko naman napabuntong huminga na lang si Ruellem. Bago nag salita ulit.

"Okay! Di niyo nga talaga nakikita!" Tinignan lang namin siya at hinintay ang susunod na sa sabihin.

"Bukod sa nangyari nong nakaraan, na ilang linggo walang malay sina Binibining Nanya, Zoimeth at si Dien." Sabay tingin saming dalawa "Tila sunod sunod na lang may nangyayaring masama at yung pagkalason ng ibang estudyante nong nakaraan buti na lang naagapan. Tapos ngayon may namatay namang dalawang taga pangalaga sa sekretong silid na yon."

"Ano ba talaga pinupunto mo? Nakita naman namin lahat ng mga pinagsasabi mo." Finoa

"Oo nga nakikita niyo nga! Bukod sa nakikita natin, wala talaga kayong napapansin, tinagurian pa naman tayong mga Ritaeya upang pagpiliang maglingkod sa bawat kaharian. Tapos sa mga ganitong pangyayari wala manlang kayong napapansin na meron kakaiba."

"Pinapatagal mo pa kasi ang usapan! Pwede mo naman sabihin samin agad, makaalis na nga lang dito. " Saad ko sabay tayo isang hakbang palang ang ginawa ko ng magsalita ulit siya.

"Sa ilang dekada ang lumipas, ni minsan walang nakapasok sa sekretong silid na yon. Kahit tayo! Kahit may tungkulin tayo loob ng akademia, hindi parin tayo pinapayagang pumasok don. Ni hindi nga natin alam kung anong meron sa loob ng sekretong silid na yon. Tapos isang baguhan na kagaya ni Dien ang lumabas don na may kasamang sugatan na lalaki, at kinalaonan na balitaan na lang natin na may namatay na dalawang taga pangalaga doon. Hindi niyo parin ba nakukuha? "

Pagkatapos sabihin lahat ni Ruellem yon. Ang lahat na nangyayari ngayon bigla na lang may mga imaheng pumasok sa isipan ko at ngayon ko lang naaalala ang mga nangyayari na saksihan naming tatlo.

ERIMETANIA 1: The Darkness Begin (Awaken)Where stories live. Discover now