CHAPTER 17: MT. LIMRAYAN

1 0 0
                                    

CHAPTER 17: MT. LIMRAYAN

****
HARRIET POV.

Nandito kami ngayon sa likod ng paaralan hinihintay namin ang iba namin kaklase. Pati na rin sila Hakeen at iba pa niyang kaibigan na naghanap sa Alera. Habang nandito naman sila Fiona, Ruellem at ang dalawang lalaking inutusan nilang magbantay sa dalawa. Buti na lang bumalik na sila sa dati dahil kung hindi malamang maging isang halimaw nato.

Habang hinihintay namin ang iba nakatingin lang ako sa kalawakan. Nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin habang pinagmamasdan ang madilim na kalangitan,ni wala manlang mga bituin kang makikita kundi ang kadiliman.

'Kailan pa kaya babalik sa dati ang mundo?'

'Tahimik at wala ng gulo'

'At kailan kaya namin ulit masisinagan ang araw ?'

"Bakit ang tagal niyong dumating ?" Naputol naman ang pagmuni muni ko ng magsalita si Binibining Nanya. Buti naman at nandito na sila para makaalis na rin kami.

"Paumanhin Binibining Nanya, subalit tinulongan pa namin ang iba naming kaklase na naging biktima din ng bulaklak na Alera. Kaya naman hinanap pa namin ito upang patayin" Paliwanag naman ni Hakeen na humahangos pa habang nagsasalita halatang tinakbo pa nila ang daan papunta dito.

"Kung gayon maaari na kayong pumunta sa grupong ibinigay ko sa inyo upang magtulongan kayo sa gagawin natin doon at kayo din dapat ang magkasama sa pagpunta natin sa bundok ng Limrayan at sa pagbalik natin dito" Pagkatapos sabihin ni Binibining Nanya yon. Pumunta naman kami sa grupong ginawa niya kasama ko sina Hakeen, Zoimeth, Zero, Arisha, Airies.
"Lahat ng pinuno bantayan niyo ng maigi ang mga kasamahan niyo"

"Masusunod Binibining Nanya"

"Tayo na malayo pa ang ating lalakbayin." Dagdag pa niya sabay lakad pauna kaya naman nagsimula na din kami maglakad.

***

Maghahating gabi na pero hindi parin kami nakakalahati sa aming pupuntahan. Naririnig ko na din ang mga reklamo ng iba ko pang kaklase katulad ni Ruellem at Dyna panay talaga reklamo, lalo na si Ruellem pagkain lang lagi hinahanap.

"Malayo pa ba ?"

"Oo malapit na" Laging sambit ni Ayanna kay Dyna

"Kanina pa yang malapit mo yanna" Inis na pahayag sa kaniya ni Dyna dahil kanina pa panay sagot si Ayanna na malapit na gayon ang totoo malayo pa.

"Alangan naman sabihin kong malayo pa ? Kung talagang malayo pa diba? "

"Pwede mo naman kasi sabihin ang totoo, diba ?"

"Nung sinabi ko kanina na malayo pa, panay ka naman reklamo"

"Manahimik nga muna kayong dalawa! Pwede ? Ang ingay- ingay niyo sa daan mamaya may bigla na lang halimaw na aataki satin dahil sa kaingayan niyo" Awat sa kanila ni Rionna inikot lang ni Dyna ang mata niya sabay na unang maglakad.

"Nagugutom nako"

"Isa kapa"

"Oh? Ano na naman ginawa ko ?" Nakangusong tanong ni Ruellem kay Rionnna na nagmukhang bata sa kaniyang inasal.

"Bahala nga kayo jan" Saad ni Rionna saka nauna ng maglakad halatang naiinis na din sa pagiging pasaway ng kasamahan niya.

"Ang labo mo din kausap eh" Inosenting saad naman ni Ruellem habang nakatingin sa likod ni Rionna na naglakad palayo sa kanila.

"Kanina ka pa panay banggit ng pagkain" Kooper

"Eh, nagugutom ako ? Kasalanan ko ba yun?"

"Oo"

ERIMETANIA 1: The Darkness Begin (Awaken)Where stories live. Discover now