CHAPTER 1: BEGINNING

183 88 18
                                    

CHAPTER 1
BEGINNING

****

Naging abala sa paghahanda ang lahat na mamamayan sa bayan ng Eritania. Dahil malapit nang dumating ang kapistahan sa kanilang bayan. Kaya abala sila sa paglagay ng mga kakaibang palamuti sa paligid, katulad sa pagsabit ng ilawan sa bawat daan mga iba't- ibang klasi ng halaman na nakahilira sa tabi ng kalye. At hindi rin nagpapahuli ang mga bilihan ng ibang klasing sandata pati narin ang mga lunas sa malubhang karamdaman o sa kakaibang lason.

Makikita mo talaga sa kanilang mata ang saya at ngiti na gumihit sa kanilang magandang labi lalo na ang mga batang nagtatakbuhan sa tabi ng daan. Habang nakikipaglaro ng habolan sa ibang mga bata. Dahil sa kanilang pagkakaisa na gawing kaaya-aya ang kanilang bayan. Hanggang sa hindi inaasahang pangyayari bigla na lamang napatigil ang lahat sa kanilang ginagawa at napatingala sa itaas.

Ang kaninang masayang mukha ay na palitan ng pagtataka dahil sa bigla'ng pagdilim ng paligid at pagkatapos ay nabalutan ng kulay dugo ang kalangitan. Habang pinagmamasdan nila ang pagbabago sa kulay ng kalangitan. Nang may napansin silang maliit ba guhit na kulay asul patungo sa iisang direksiyon, kaya hindi nila mawari kung ano ang nangyayari o kung anong ibig sabihin nito. Dahil sa buong buhay nila ngayon lang nila ito nasaksihan.

Habang sa loob naman nang akademia na putol ang nagaganap na pagpupulong ng mga Hari at Reyna kasama na ang mga Ministro para sa darating na kapistahan. Nang mapansin nila ang pagbabago ng kulay sa kalangitan kaya agad silang lumabas at nagtungo sa beranda upang alamin kung ano ang nangyayari sa paligid.

"Punong Ministro Lazarus, anong ibig sabihin nito?" Nagtatakang tanong ng Haring si Windler na kasalukuyang napatingala sa kalangitan sa labas ng silid na ngayon nasa beranda.

Tumingin naman si Ministro Lazarus sa Haring Windler sabay yuko upang humingi ng paumanhin.
"Patawad kamahalan, ngunit hindi ko rin alam kung anong ibig sabihin nito. Kung iyong marapatin tatawagin ko ang aming babaylan upang alamin ang tungkol sa bagay na ito."

Tumingin ang Hari sa kinaroonan ng Punong Ministro Lazarus sabay sabing
"Binibigyan kita ng pahintulot na tawagin ang tinutukoy mong babaylan."
Pagkatapos ay tumingala na ulit ito upang magmasdan ng mabuti ang nangyayari at kung saan patungo ang isang maliit na guhit na kulay asul sa kalangitan.

'Ipatawag ang babaylan at dalhin dito ngayon din. ' Utos ng Punong Ministro Lazarus kay Ginoong Maro sa kaniyang isipan. Hindi pa man nag- isang minuto nakarating na din sa loob ang pinatawag niyang babaylan na nagngangalang Marrisa. Kaya naman bumalik na din sa loob ang mga Hari at Reyna sabay upo sa kani-kanilang upuan.

"Ano po ang aking maipaglilingkod sa inyo Punong Ministro Lazarus ?" Tanong ng isang babaylan na si Marrisa nasa kaniyang tabi.

"Gusto kong sabihin mo sa amin, kung anong ibig sabihin sa pagbabago ng kulay sa paligid, pati na ang maliit na guhit sa kalangitan" Saad ng Punong Ministro sa kaniya.

"Masusunod" Yumuko muna ito at pagkatapos ay tumingin siya sa kinaroonan ng mga Hari at Reyna na kasalukuyang nakaupo sa kani- kanilang puwesto sa harapan ng malaki't malawak na mesa, habang ang tatlong ministro, kasama na doon si Punong Ministro Lazarus, na naka upo sa harap ng mga hari at reyna na kanina pa sila pinagmamasdan. Sumulyap muna ito saglit sa kinaroonan ng mga ministro bago ibinalik ang tingin sa mga hari at reyna. Pagkatapos ay pumikit siya upang alamin kung ano ang nangyayari o maaaring mangyari.

Bagamat gayon na lamang ang kanilang pagkagulat nang makita nilang umiiyak ito ng dugo.

"Labanan" Ito ang unang bumungad na salita sa kanila na nagpagulo sa kanilang isipan.

ERIMETANIA 1: The Darkness Begin (Awaken)Where stories live. Discover now