CHAPTER 11:
MORRES
****
"Kumusta pakiramdam mo?" Tanong ko kay Fenella na unti- unting iminulat ang kaniyang dalawang mata.
"A..anong nangyari sakin ?"
"Mahirap ipaliwanag Diyosia Fenella, pero sa ngayon kailangan niyo munang magpalakas" Sabay abot sa kaniya ang maliit na bote na hawak ko at isang asul na mansanas.
"Kainin niyo po itong asul na mansanas Diyosia Fenella, upang manumbalik agad ang iyong lakas pati narin ang mga sugat na iyong natamo""Salamat"
Ngiti lang ang iginanti ko sa kaniya saka ibinaling ang tingin sa magkakaibigan na hanggang ngayon wala paring malay.
"May ipakilala po ako sayo Diyosia Fenella" Saad ko sa kaniya sabay upo. Tumingin naman siya sa gawi ko na may pagtataka, kaya kinuha ko ang maliit kong bag sabay labas kay Diyosia Mary. Nung tinignan ko ulit si Fenella nakita ko sa kaniyang mukha ang pagkagulat at pananabik nang makita nito ang kaniyang matalik na kaibigan.
"M..mary?" Di makapaniwalang sambit ni Diyosia Fenella sa pangalan ni Diyosia Mary na ngayon unti- unting naglandas ang kanilang mga luha.
"Fe...fenella"
"Bu...buhay ka ? Mary ! Bu... Buhay ka?" Hindi makapaniwalang wika ni Diyosia Fenella habang ang kaniyang dalawang kamay nakahawak sa bulaklak. Kung saan naka upo si Diyosia Mary.
"Oo.. Buhay ako Fenella"
"Pero paano ? Paano ka napunta riyan?"
"Mahabang kwento Fenella! basta ang mahalaga buhay ako! Buhay ka, sana buhay din sila."
"Huwag kanang malungkot Mary, natitiyak kong buhay silang dalawa" Nakangiti namang sambit ni Diyosia Fenella. At saka ko sila Iniwan para puntahan ang magkakaibigan upang gisingin.
****
"Maraming salamat sa tulong mo. Utang namin ang buhay namin sayo" Wika sakin ni Hakeen at ramdam ko ang kaniyang pagtitig saking mukha nabalutan ng pulang bandana.
"Huwag mokong titigan" Seryoso pagkasabi ko sa kaniya na may kasamang banta.
"Huh?"
Napabuntong huminga na lang ako bago ko siya tignan.
"Ako nga pala si Hakeen" Pagpakilala nito sabay abot ng kaniyang kanang kamay.
"Harriet"
"Harriet? Ano ang aming maibigay na kapalit sa pagligtas mo ng buhay namin?" Malumanay ngunit may paggalang na tanong sakin ng Prinsipeng si Hakeen.
Naramdaman ko naman tinititigan niya ulit ako ng maigi, ngunit nabigo lang ito dahil mas lalo ko lang ibinaba ng ang talukbong na suot kong balabal.
"Hindi niyo na kailangan gawin yon. "
"Bilang isang Arho at susunod na maging Hari, nararapat kang bigyan ng gantimpala para sa pagligtas mo sa aming buhay."
"Oo nga Harriet, kahit anong hiling mo ibibigay namin. Kaya huwag kanang mahiyang sabihin iyon." Wika naman ni Ruellem sabay ngiti ng matamis.
"Kahit ano?"
"Oo kahit ano" Sagot naman sakin ni Hakeen.
Nag isip muna ako saglit bago sila sinagot.
"Kailangan niyo lang akong samahan sa isla ng Ritan" Sagot ko sabay tingin sa kinaroonan ng mga kasamahan niya.
"Anong gagawin mo don?" Nagtatakang tanong ni Rionna
![](https://img.wattpad.com/cover/222452957-288-k503131.jpg)
YOU ARE READING
ERIMETANIA 1: The Darkness Begin (Awaken)
FantasyA girl named Harriet Dein fell asleep for too long in a peaceful place with different kinds of flowers and creatures around. No one knows that place is hidden behind a boulder that stands in the vast of ocean. Until one day Princess Harriet woke up...