Chapter 5 : Curse Of Sierra

44 32 7
                                    

               CHAPTER 5
             Curse Of Sierra

****

               HARRIET POV.

"Dahil yan sa kapangyarihan ng tatlong Ranaeya, kamahalan" Wika naman ni Fiona.

"Ngunit hindi nila ito kayang gawin, dahil ang kapangyarihan hawak nang mga tao dito sa mundo ng Erimentania ay walang kakayahang makasakop ng mundo." Saad ko sa kanila kaya napatingin naman silang tatlo sakin.

"Anong ibig mong sabihin kamahalan ?"
Nagtatakang tanong ni Phyro na ngayon lang nagsalita.

"Sa pagkaka alam ko ang kapangyarihan naming mga Erimetania ay limitado lang at hindi kagaya niyong mga Merrnians.  Kaya paano naging madali sa kanila ang pagsakop ng islang Harenian, hindi ito basta basta agad masakop dahil ito ang nag iisang puso ng buong Erimetania. Kaya paano nangyari to? "

"Ngunit meron isang Ranaeya sa isla ng Hassyrian ang may hawak na kapangyarihang Elemental. Kaya may posilidad na makakaya nilang magawa 'yon kamahalan" Pahayag ni Athena na tila na guguluhan na din.

"Tama ang sinabi ni Athena kamahalan, kapag isa ka sa may hawak ng kapangyarihang Elemental ay tiyak malakas ka at makakaya mong gawin o sirain ang isang bagay."Saad naman ni Fiona kaya mas lalong dumaming katanongan ang na buo saking isipan.

'Pero mali eh, parang may mali talaga sa lahat na nangyayari ngayon.'

"Maaring tama din ang kamahalan"
Napatingin naman kami sa kinaroonan ni Phyro na nakatayo sa hangin habang pinagmamasdan ang paligid.

"Anong ibig mong sabihin Phy?" Naguguluhang tanong naman ni Athena, kaya lumingon si Phyro sa kinaroonan namin bago nagsalita.

"Katulad ng sinabi ko maaring tama ang Kamahalan. Dahil ang kapangyarihang elemental ay hindi panghabang buhay sayo katulad ng nabasa ko sa isang libro noon. Kaya posibleng may tumulong sa tatlong Ranaeya" Paliwanag ni Phyro na mas lalo lang ipinagtaka ni Athena at Fiona.

'Kung meron talagang tumulong sa tatlong Ranaeya na 'yon. Yun ang kailangan kung alamin'

Magsasalita pa sana ako ng marinig ko ang bosses ni Aragon saking isipan.

"Ipagpaumanhin mo sana ang aking panggambala kamahalan, sapagkat nabubulabog na natin ang mga nilalang dito dahil sa ating presensya, kaya kailangan niyo ng umalis sa kinatatayoan niyo sapagkat papunta na sila sa kinaroonan niyo ngayon, kamahalan."

"Hali na kayo kailangan na nating umalis naramdaman nila ang ating presensya natin, kaya itago niyo ang lakas niyo" Saad ko at nagsimula ng maglakad paalis.

"Saglit lang muna kamahalan, kailangan niyong balutan yang mukha mo at gamitin mo yang bandana na nasa leegan mo upang hindi nila makita ang 'yong mukha mo."

Agad ko namang ginawa ang sinabi ni Athena. Isinaklob ko ang talukbong ng aking balabal habang itinakip ko naman saking mukha ang pulang bandana upang hindi nila makita ang aking mukha para na din sa kaligtasan ng lahat.

"Tayo na"

Aya ko sa kanila at nagsimula ng tumakbo papasok sa madilim at masukal na kagubatan. Hindi pa man kami nakakalayo ay may nakita akong babaeng nakahiga sa tuyong dahon na walang malay agad ko naman itong nilapitan upang mabigyan ng tulong.

"Kamahalan, mag-iingat ka" Nag-aalalang saad ni Athena sakin ngunit tanging tango lang ang isinagot ko sa kaniya.

May kinuha naman akong maliit na bote sa bulsa ng aking kasuotan. Nang hawak ko na ang bote ay agad ko itong ipinanom sa babaeng walang malay.

ERIMETANIA 1: The Darkness Begin (Awaken)Where stories live. Discover now