CHAPTER 18: LIGHTHOOD"Nagsimula na kaming kumuha kanina, na maaring gamitin para makagawa ng bahay" pagsalubong na saad ni Zero samin.
"Mabuti naman" Hakeen
"Marunong ba kayo gumawa ng bahay ?" Zoimeth
"Hindi" Sabay nilang sagot, habang ako tahimik lang nakikinig sa pinag usapan nila.
"Ano kaya gamitan natin ng kapangyarihan natin?" Saad ni Arisha
" Wala akong kakayahan gumawa ng bahay dahil apoy lang ang hawak kong kapangyarihan" Saad ni Hakeen habang nakatingin sa mga kahoy na naglatag sa baba.
"Lalo naman kami, hindi namin alam kong anong kapangyarihan meron kami" Saad naman ni Airies
"Itong itim na mahika ko naman hindi makakatulong" Aniya rin ni Zoimeth sabay tingin nila sakin.
"Okay ako na ang gagawa" Saad ko sa kanila sabay tayo upang magsimula na gumaw ang maliit na kubo.
"Arliya sumunia kuboya" Bigkas ko sabay lumutang ng mga kahoy at iba pang gamit na sa paggawa ng para. Hanggang sa unti unti na ito naging maliit na bahay.
"Ang galiiing" Sigaw ni Alisha sa tuwa at na una pang pumasok sa loob ng bahay.
"Maganda naman" Saad ni Zoimeth saka pumasok na sa loob kasama na din ang iba.
"Galing mo gumawa" Puri sakin ni Hakeen at binigyan pako ng ngiti saka siya pumasok sa loob.
"Yun lang?" Napangiwi na lang ako sa kawalan saka tumingin sa kabilang banda na hanggang ngayon nahihirapan parin sila gumawa ng bahay na maari nilang gamitin. Kaya binigkas ko ulit yung salitang ginamit ko para tulongan sila saka ako pumasok sa loob nung matapos ko silang gawan ng bahay.
"Dito ba tayo matutulog?" Rinig kong tanong ni Alisha sa kanila habang inaayos nila ang kanilang gamit sa gilid.
"Siguro" Zero
"Pero ang liit nito para magkasya tayong lima ?"
"Sa tingin ko may iba pang binabalak si Binibining Nanya" Saad naman ni Zoimeth.
"Tulad ng ano ?"
"Hindi ko rin alam"
"Ganito na ba to kaliit Harriet?" Tanong sakin ni Airies
"Diba kunti lang na kahoy ang na ipon niyo?" Sagot ko
"Yun lang ?" Sigaw na tanong ng tatlo si na Zoi, airies at alisha.
"Oo" Sagot ko saka lumabas ng bahay nung natapos ko ng ayusin mga gamit ko.
"Kung natapos na kayo dyan hali na kayo tinatawag na tayo nila Binibining Nanya"****
"Handa na ba ang lahat sa pagsasanay na ating gagawin ?" Nagagalak na tanong samin ni Binibining Nanya. Kaya pasigaw naman silang sumagot kay Binibining Nanya na "OO"
"Dahil diyan... lahat ng manggamot dito kayo sa katabi ko" Sabay turo ni Binibining Nanya ang kaliwang deriksyon. "Kayo naman na isang mandirigma pumuwesto kayo sa gitna na nakapikit, at ang dalawa niyong kamay isipin niyong hawak niyo ang enerhiyang galing sa kapangyarihan o lakas niyo. Habang nakalutang kayo kasabay ng hangin damhin niyo ito at paglawakin."
Agad naman nila ginawa ang sinabi ni Binibining Nanya. Habang kami naman nagsimula na din kumuha ng ilang halamang gamot sa paligid at sinimulan na ang paggawa ng lunas. Hinalo halo lang namin ang ilang mga halamang gamot na nakuha namin at saka ibinigay kay Binibining Nanya upang suriin niya ito kung anong halamang gamot ang nagawa namin.
![](https://img.wattpad.com/cover/222452957-288-k503131.jpg)
YOU ARE READING
ERIMETANIA 1: The Darkness Begin (Awaken)
FantasíaA girl named Harriet Dein fell asleep for too long in a peaceful place with different kinds of flowers and creatures around. No one knows that place is hidden behind a boulder that stands in the vast of ocean. Until one day Princess Harriet woke up...