Dedicated to Wordthy salamat sa masugid mong supporta.
CHAPTER 6:
Mary! Guardian Of Star******
HARRIET POV.
Ayain ko na sana si Sierra na umalis ngunit hindi na ituloy ang sa sabihin ko ng may nakita akong isang magandang bulaklak ang nag-iisang na buhay sa lugar na ito na ipinagtaka ko. Lalo na't malapit na itong malanta kaya agad ko naman itong nilapitan upang tignan ng mabuti.
"Paano nangyari ito? Paanong nagkaroon ng isang buhay na bulaklak dito?"
"Sa pagkakaalam ko kamahalan, hindi 'yan ordinaryong bulaklak" Wika naman ni Athena habang nakaupo sa balikat ko at ramdam kong napa isip din siya tungkol sa bulaklak na ito.
"Anong ibig mong sabihin Athena ?"
"May nakatira sa loob ng bulaklak na 'yan" Sagot niya sabay lipad palapit sa kinaroroonan ng magandang bulaklak.
"O Isang magandang bulaklak kung sino ka man ang nakatira dito sa magandang bulaklak na ito. Maaari bang magpakita ka ngayon din sa aming Ranaeya?" Habang sinasabi ni Athena ang mga katagang iyon, nakita ko namang sinabuyan niya ito ng konting mahika na may kasamang konting tubig upang bumalik sa dating ganda ang kulay ng bulaklak.
"Sinong kinakausap mo Dein? At 'yang bulaklak? Bakit naging mas matingkad pa itong tignan, kaysa sa dati." Rinig kong tanong sakin ni Sierra na saking likuran.
"Hindi mo ba siya nakikita?" Tanong ko sa kaniya sabay turo sa kinaroonan ni Athena.
"Hindi? Ano ba yan?" Naguluhan namang akong tumingin kay Athena, dahil sa sagot sakin ni Sierra.
"Kamahalan, pwede niya akong makita dahil may kakaiba siyang dugo na nakalatay sa kaniyang buong katawan. At may posibilidad na isa siya sa pinahanap sayo ni Inang Penny. At kaya hindi niya ako nakikita dahil sa itim na mahikang bumabalot sa kaniyang katawan. Kung makikita niya man ako isa lang akong maliit na liwanag na nakatulang sa hangin." Mahabang paliwanag sakin ni Athena saka ako tumingin sa kinaroonan ni Sierra.
"Nga pala siya si Athena, Sierra isa siyang Merr na aking taga-sunod kaya hindi mo siya nakikita dahil sa itim na mahikang bumabalot sayo" Pakilala ko sa kaniya.
Magsasalita pa sana si Sierra, pero nagulat na lang kami ng biglang lumiwanag ang bulaklak saka napalitan ito ng kakaibang kulay na dati ay kulay puti na malapit ng malanta pero ngayon naging kulay balaghari na.
"Maraming salamat sa 'yong ginawa munting binibini, ngunit ano ang iyong kailangan upang gambalahin mo ang aking magandang pagkakatulog?" Tanong ng isang maliit na nilalang na may mahabang gintong kulot na buhok nababagay sa kulay ng kaniyang balat, isama mo pa ang kakaibang kulay ng kaniyang pakpak napakaganda habang nakaupo sa ibabaw ng magandang bulaklak.
"Wala akong kailangan sayo pero ang mahal na Ranaeya meron" Bahagya naman akong nagulat sa ginawa ni Athena ng tinuro niya ang kinaroonan ko, at nakita ko naman ang maliit na nilalang na tumingin sakin.
"Ranaeya?" Nagtatakhang tanong ng maliit na nilalang kay Athena, Habang akoy tahimik lang silang pinagmamasdan."Oo, isa siyang Ranaeya sa aming kaharian ng mga merrnians" Hindi ko inaasahan ang gagawin ng maliit na nilalang nang siya ay yuko sa harapan ko.
YOU ARE READING
ERIMETANIA 1: The Darkness Begin (Awaken)
FantasyA girl named Harriet Dein fell asleep for too long in a peaceful place with different kinds of flowers and creatures around. No one knows that place is hidden behind a boulder that stands in the vast of ocean. Until one day Princess Harriet woke up...