THIRD PERSON POV.
"MAGSITIGIL KAYO!" Napatigil ang lahat sa pag sigaw ni Hakeen at naglakad ito palapit sa kinaroonan ng kaniyang mga kaibigan."Kung may plano kang pigilan kami sa pinaglalaban namin, umalis kana!"
"Nagkakamali ka Ruellem"
"Hakeen!"
"Nagkakamali ka, dahil hindi ko kayo pipigilan" Nagulat naman ang lahat sa sinabi ng Prinsipe, habang ang dalawang nitong kaibigan ay hindi na maipinta ang kanilang pagmumukha. Na kanina lang naka ngiti ito ng tagumpay, pero ngayon parang na bagsakan ng langit at lupa.
"Anong ibig mong sabihin Hakeen?" kunot noo tanong naman ni Nathalia na hindi inaasahang sa sabihin niya ito.
"Tama sila Ruellem sa kanilang hinala, ang dalawang babaeng yan ay nagpapanggap na isa sating kaibigan upang makaalis sa islang ito."
"Pero paano? At nasaan sila Dyna at Ayanna?" Naguguluhang tanong ni Nathalia habang naka tingin sa kinaroonan ng dalawang nagpapanggap at nakita nila sa kanilang dalawang mata ang kakaiba nitong mga ngiti.
Ngiting demonyo.
"Imposible!" Bulalas naman ni Konner
"Paano mo nalaman iyon Hakeen?" Tanong naman ni Aliezer.
"Dahil walang anuman marka sila Dyna at Ayanna sa kanilang katawan. Lalo na ang markang nasa dalawang iyan." Sagot ni Rionna sa kanila tanong at agad naman na patingin sa kanilang kinatatayuan ang kaniyang mga kasamahan, maliban na lamang sa tatlo na may alam sa nangyayari.
"Teka! Anong markang sinasabi mo?" Naguguluhan ng tanong ni Nathalia na tila sumasakit na ang ulo dahil sa mga nangyari.
"Meron silang kulay itim na marka ng isang paru paru sa kaliwang braso. At ito ay isang mapanganib laban satin."
"Anong meron sa Markang iyan?"
"Nakalimutan muna ba Nathalia? Ang markang iyan isang malaking banta laban satin!"
"Pwede ba Ruellem! Diretsohin muna kung ano gusto mong ipahiwatig! Hindi yong ipahuhula mo pa kami!"
"Magbasa ka kasi para may alam ka!" Inis na saad naman ni Ruellem kaya mas lalong namula sa galit si Nathalia. Magsasalita pa sana ito ng inuhan na ito ni Rionna.
"Ang isang tao o nilalang na may markang kulay itim na isang paru paru! Kailangan natin ito agad patayin! Bago pa ito magpalit sa kaniyang totoong anyo!" Huminto muna saglit si Rionna, saka tumingin sa kinaroonan ng kaniyang dalawang kaibigan.
"Kapag nakapagpalit na ito, mahihirapan tayong matalo sila sa pagkat ang ating kakayahan ay hindi pa lubos gaano ka lakas. Maliban na lang kung may kasama tayong bihasang gumamit ng kapangyarihan.""Anong mangyayari satin kapag natalo tayo?"
"Kukunin nila ang ating katawan upang gamitin sa kasamaan, habang tayo magiging isa sa kanila. Isang nakakatakot na nilalang na mag aagawan ng katawan para makaalis sa islang ito." Nakaramdam naman sila ng takot ng marinig nila iyon, dahil hindi biro ang kanilang nakaharap. At may posibilidad na matalo sila sa pagkat hindi pa lubosang malakas ang kanilang hawak na kapangyarihan.
"Paano na sila Dyna at Ayanna?" Bakas ng takot at may pag alalang tanong ni Nathalia kay Rionna. Habang ang iba nilang kasamahan ay nag iisip ng paraan kung paano nila ito matatalo.
"Huwag kang mag alala, hangga't nandito pa tayo sa isla at kung matatalo natin sila makukuha pa natin ang katawan ni na Dyna at Ayanna."
"Pero paano?"
![](https://img.wattpad.com/cover/222452957-288-k503131.jpg)
YOU ARE READING
ERIMETANIA 1: The Darkness Begin (Awaken)
FantasiA girl named Harriet Dein fell asleep for too long in a peaceful place with different kinds of flowers and creatures around. No one knows that place is hidden behind a boulder that stands in the vast of ocean. Until one day Princess Harriet woke up...