CHAPTER 15:******
BINIBINING NANYA POV.
Nandito kami ngayon sa loob ng silid paaralan, upang I aanunsyo sa kanila ang susunod na pagsusulit na magaganap. Para pag aralan pa nila ng maayos ang kanilang kapangyarihan taglay. Kung paano sila lalaban gamit lamang ang mga sandatang gawa sa mga gansa. At paano nila pagagalingin ang kanilang sarili gamit lang ang mga herbal na makikita natin sa paligid. Kung hindi sila matuto kung paano ito gamitin? Paano sila makakaligtas sa ganung sitwasyon? Kung sakaling mawalan sila ng kapangyarihan. At tanging lakas na lang nila ang kanilang maasahan. Kaya ito ang na isipan kong ituro sa kanila, kung paano sila maging isang ganap na taga pagligtas sa isla ng Ritan. Sa bayan na kanilang pinagmulan na walang kapangyarihang ginagamit, kundi ang sarili nilang lakas.
"Tahimik! At Makinig ng mabuti sa aking sa sabihin. " Saad ko sa kanila at itinoon naman nila sakin ang kanilang atensyon.
"Sa susunod na pagsusulit, pupunta tayo sa bundok ng Limrayan. Kaya maghanda kayo, sa susunod na araw na ang ating pag alis. Ihanda niyo na ang mga gamit na inyong dadalhin, Maliwanag?"
"Paumanhin Binibining Nanya. Ligid sa aming kaalaman mahigpit na ipinagbabawal ang paglabas sa Akademia. Lalo na't maraming nagkalat na kakaibang nilalang sa labas?" Rinig kong pahayag ng isa kong mag aaral, kaya nginitian ko lang ito bago ulit nagsalita.
"Alam ko, pero huwag kayo mag alala ako ang bahala sa inyo."
"Pero paano po?" Tanong naman ni Agaya Ayanna
"Huwag na kayong maraming tanong! Ihanda niyo na lamang ang inyong sarili para sa pagsusulit na ito."
"Masusunod, Binibining Nanya." Tugon naman nilang lahat, kahit maraming katanongan pa ang bumabagabag sa kanilang isipan pero mas nanaig parin ang saya sa kanilang mukha sa kanilang narinig at pagkagalak sa panibagong pakikipagsapalaran, para magsanay. At bukod pa diyan ito din ang unang besses na sila'y makalabas sa dito.
"Sa ngayon, katulad ng napag-sanayan. Mag insayo ulit kayo"
"Pero bini---"
"Matagal akong nakatulog, kaya siguro naman handa na kayo upang mag sanay muli."
"Binibining Nanya?"
"Hali na kayo, hihintayin ko kayo sa labas." Saad ko sa kanila, sabay nag teleport. Naririnig ko pa yong pagmamaktol nila bago ako tuloyang makaalis sa silid paaralan.
**
Habang pinapanood ko silang nag iinsayo. Nakikita kong malaki ang kanilang pinagbago, ngayon ang bilis na nilang nagagawa ang mga bagay na kung saan nahihirapan sila dati. Tama lang yan, dahil kailangan nilang maging handa hangga't maaga pa. Dahil anumang oras kikilos ang mga kalaban, baka bukas o sa pangalawa.
'Pero sana bago mangyari yon, sana handa na silang lumaban para ang kasamaan ay hindi maghari at ang kabutihan ang mananaig at sana mahanap ko na sila upang maibalik ko na ang totoo kong katauhan.'
*****
HARRIET DIEN POV.Gabi na tulog na ang lahat, subalit gising parin ang diwa ko. Hindi parin ako makatulog, binabagabag ako sa mga nangyayari nitong nakaraan.
'Una yong mga halaman na nasa labas'
![](https://img.wattpad.com/cover/222452957-288-k503131.jpg)
YOU ARE READING
ERIMETANIA 1: The Darkness Begin (Awaken)
FantasyA girl named Harriet Dein fell asleep for too long in a peaceful place with different kinds of flowers and creatures around. No one knows that place is hidden behind a boulder that stands in the vast of ocean. Until one day Princess Harriet woke up...