Chapter 10: FENELLA

2 0 0
                                    

CHAPTER 10
FENELLA

*******

HARRIET POV.

"Kamahalan! Siya si Fenella!" Bakas ang pagkagulat sa mukha ni Mary nang sabihin niya iyon, habang nakatitig sa kinaroonan ng babaeng sinasabi niyang Fenella.

"Fenella?" Nagtataka kong tanong na hindi ko inaalis ang tingin sa kinaroonan ng magkakaibigan na patuloy parin sa pakikipaglaban. Nakita ko namang lumipad si Ayanna na isa sa kanilang kaibigan na papunta sa kanilang direksyon.

"Oo si Fenella, isa siyang engkantada at siya rin ang ika-apat na tagapangalaga ng mundong ito. Kahit espirito niya lang ang nakikita natin mapanganib parin ito." Sagot naman ni Mary na tila nag-aalala sa mangyayari.

"Anong ibig mong sabihin?" Mas lalo naman akong naguluhang sa mga pabiting sinasabi ni Mary.

"Kami! Bilang isang engkantada na may pinaglilingkuran ay hindi maaaring pumatay! Kaya nga kami tumakas noong panahong bago sinakop ng kadiliman ang buong Erimetania. Kahit may alam kami sa pakikipaglaban pero hindi namin ginawa dahil sa aming nag iisang patakaran."

"Anong klaseng patakaran iyon?"

"Yon ay hindi kami maaring mabahiran ng dugo o pumaslang, dahil buhay ang magiging kapalit. At kapag nangyari iyon maghahari ang kasamaan sa buong Erimetania pati na din sa kabilang mundo" Mahabang paliwanag ni Mary habang patuloy parin naming pinagmamasdan ang kinaroroonan ng magkakaibigan pati narin ang sinasabi niyang Fenella.

***

Patuloy parin kami sa pagmamasid sa likuran ng isang patay na puno at hindi rin nagtagal natapos na din sila sa pakikipaglaban sa Fenella na sinasabi ni Mary.

"Bilisan muna kamahalan, kunin muna ang mahiwagang bato sa magkakaibigan na 'yan bago pa mahuli ang lahat at huwag mong hayaang mapunta ito sa kanila dahil magdudulot lang ito ng panganib"

"Anong panganib ang sinasabi mo ?" Naguguluhan kong tanong kay Mary. Na lihim parin namin silang sinusundan sa kanilang paglalakad kasama ang isang misteryosong babae.

Narinig ko naman ang pagpupumilit ng misteryosong babae sa Arho'ng si Hakeen na ibigay sa kaniya ang mahiwagang bato. At ang tangang binansagang Arho agad namang naniwala.

"Uto uto!" Matalim ko silang tinitignan hanggang sa nakita kong itatapon na nga niya ang mahiwagang bato.

"Naloko na!"

"¡Un cabello poderoso que tengo puedes convertirlo en una hermosa Ayahuasca llena de hojas frescas con diferentes tipos de flores ahora mismo! y toma la piedra mágica a salvo antes de dármela."
(A Powerful hair that I have can you turn into a beautiful Ayahuasca full of fresh leaves with different kinds of flowers right now! and take the magical stone safe before you give it to me)

Sambit ko kaya agad naging isang buhay na halaman ang aking buhok na palilibutan ng magagandang bulaklak at agad itong pumunta sa kinaroonan ng magkakaibigan saka kinuha ang mahiwagang bato na itatapon sana ng Arho'ng si Hakeen papunta sa babaeng hindi ko kilala.

"Sino ka ? Ibalik mo sa'akin ang mahiwagang bato!" Giit na saad ng Arho'ng si Hakeen habang pabalik- balik ang kaniyang tingin sa aming dalawang ng babaeng nakasuot din ng pulang balabal.

"Hindi mo ito pagmamay- ari. Kaya huwag mong angkinin kung ayaw mong mawala ang lahat ng pinaghirapan mo" Saad namang ko na siyang ikinainis ng misteryosong babae, habang ang magkakaibigan ay hindi makapaniwala sa kanilang nasaksihan.

"Katulad namin hindi namin ito pagmamay- ari, kaya ibalik mo sa'amin 'yan! Dahil kami ang kumuha niyan." Giit namang saad ni Rionna na matalim na naka tingin sa kinaroonan ko.

ERIMETANIA 1: The Darkness Begin (Awaken)Where stories live. Discover now