CHAPTER 3:
Kingdom Of EINAN****
Naglakad nako pababa sa isang malaki't malawak na hagdan dito sa loob ng aking palasyo. Tanaw ko rito sa itaas ang dami ng mga bisitang dumalo sa pagdiriwang ng aking pagbalik.
"MALIGAYANG PAGBABALIK MAHAL NA RANAEYA HARRIET" Sigaw ni Penny
"MALIGAYANG PAGBABALIK KAMAHALAN" Sigaw ng lahat nang nasa loob na may saya't galak ang kanilang nararamdaman.
Ngumiti lang ako sa kanila habang patuloy parin sa pagbaba. At ganun din sila na walang tigil sa pagsisigaw ng aking pangalan.
Nang makababa nako ay lumapit ako sa gawi ni Inang Penny. Upang itanong kung ano pa ang kailangan kong gawin.
"Penny ano na ang susunod kong gagawin?"
"Wala na kamahalan, makita ka lang nila ay sapat na" Nakangiti nitong pahayag.
"Yun lang ba ?"
"Opo kamahalan"
"Ahh.. Nga pala Penny, maari mo bang sabihin sakin ang lahat ng mga nangyari noong panahon ng digmaan?" Nakita ko naman sa kaniyang mukha ang pagkagulat sa tanong ko. Ngunit nang kalaonan ay bumalik na din ito sa dati.
"Gusto mo talaga malaman kamahalan?"
"Oo Penny."
"Huwag dito kamahalan"
"Kung gayon sumama ka saking silid" Pagkatapos kong sabihin iyon. Binaling ko sa harapan ang tingin ko upang magsimula ng maglakad paalis nang makita ko ang tatlong Merr na lumapit sakin habang pinagtutulongang buhatin ang magandang korona nagawa sa halaman.
"Kamahalan" Sabay nilang sambit nang makarating sila sa harapan ko sabay yuko.
"Tanggapin niyo sana ang aming handog dahil ang koronang ito ay ginawa namin para sa inyo upang kayo ay protektahan sa mga itim na mahika na may dalang kakaibang lason na nasa mundo ng Erimetania. Nang siyang magdudulot ng unti- unti mong panghihina at kumakain din ito ng kapangyarihan at lakas" Saad ni Athena habang nakayuko at ganun din ang dalawa niyang kasamahang Merr.
"Kaya sana tanggapin niyo po ang korona na aming handog para sa inyo" Nakayukong wika naman ni Phyro, habang si Fiona naman ay tahimik lang na nakayuko.
Ngumiti muna ako bago nagsalita.
"Tinatanggap ko ang maganda niyong handog para sa akin munting kaibigan, kaya maaari niyo na itong ilagay sa aking uluhan." Pagkatapos kong sabihin iyon binigyan ko naman sila ng matamis na ngiti. Nakita ko namang lumipad sila papunta saking uluhan upang ilagay ang kanilang handog.
Pagkatapos ilagay ng tatlong Pixies ang korono saking uluhan, nabalutan naman ng kasiyahan ang buong paligid.
Karamihan ng bisita ay inalok akong makipag sayawan sa kanila, pero bago ko ito tinanggap ay sumulyap muna ako saglit kay Inang Penny at sinabing
"Mag usap na lang tayo mamaya Penny"Dinala naman ako ng mga batang Flairy sa gitna at saka pinalibutan, habang sumasayaw. Nakisali na 'din ang iba sa aming sayawan at nakita ko talaga sa kanilang mukha ang walang hampay na kasiyahan. Mga ngiting nakabalot sa kanilang mukha ay kay sarap pagmasdan, umaasa akong hindi ito maglalaho.
Sa kalagitnaan ng aming pagsasayaw bigla namang may pumutok sa 'di kalayuan at nakita namin sa itaas ng ang iba't- ibang kulay ng paputok na nakabalot sa madilim na kalangitan. Kaya naman mas lalo lang naging maingay ang paligid.
Hinanap ko sa dalawa kong mata si Aragon, palinga-linga ako sa paligid at nagbaba-kasakaling makita siya subalit nabigo lamang ako. Kaya na pag- isipan kong maglakad-lakad na lamang sa loob ng palasyo at hindi ko inaasahang mapunta ako sa harden.
YOU ARE READING
ERIMETANIA 1: The Darkness Begin (Awaken)
FantasyA girl named Harriet Dein fell asleep for too long in a peaceful place with different kinds of flowers and creatures around. No one knows that place is hidden behind a boulder that stands in the vast of ocean. Until one day Princess Harriet woke up...