LCP29: Stockroom.

105 3 1
                                    

ALLIEHA'S POV

Hayyys! -.-' P.E time at...

"Hoy, babae. May problema ka, no?" Pinisil ko ang pisngi ni Sheena.

Simula kasi nung pagpasok nila, super awkward nilang dalawa. As in! Hayys. Nag-away kaya ang magbabe na iyon?

"Wala." Walang gana nyang sagot.

"Weeh?" Wala daw! Eh halata namang may problema.

Eh itong si Justin, sa mga time na to dapat kinukulit na si Sheena. Pero hindi, kulang na lang patayin nya yung volleyball sa lakas ng serve nya! Kawawang bola. Tapos nakakatakot pa yung itsura't aura nya.

"Basta." Paiyak na sya, sigurado akong may tinatago to.

"Sheena..." May naramdaman akong pagtapik sa shoulder ko. Sino tong epal na t--

"Ahh. Sir!" Si sir panot. -.-

"Allieha, kuha ka ng badminton set ha!" May kamay ka naman, ba't di ikaw? Gusto ko yan sanang sabihin pero ang lumabas 'OPO'. Sabay takbo.

ELVINO'S POV

Wow! Justin is like a demon out there. Naku! Maawa naman sya sa kalaban nya, pati rin sa bola.

"Psst!" Huh? Napatingin ako at nakita ko ang baby ni Sean. Lumapit ako. "Ano?"

"Kuha mo kaming shuttlecock rocket. Maglalaro kami ni Shanikka." Well, makakahindi ba ako?

So ayun, I went to the stockroom.

ALLIEHA'S POV

Teka! San ba kasi yun nakalagay? Di man lang sinabi sakin ng panot na yun. Shhhh! Wag kayong maingay, ha? Baka mapagalitan ako ng panot na yun.

BLAG! O_O

"Ooohhh myyyyyyy!" Napasigaw ako.

"Allieha?/Elvino?" Sabay naming sabi.

"H*YO---" Bigla nyang tinakpan ang bibig ko.

"Hey! Quiet down! Nakakarindi." Inalis ko agad ang kamay niya.

"ANO BANG! Aish."

Nahanap ko na yung badminton na pinakukuha sakin ni Sir Panot.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Tanong nya sakin.

"Kukunin ko to." Sabay pakita ko sa kanya ng badminton.

Sabay kaming humawak sa handle ng pinto at sabay tulak.

Eh?!

"Ayaw?!" Sabi ni Elvino.

"AYAW!" Niyugyog ko yung pinto.

OH, NO. OH, NO. OH, NO. AYAW!

"Bakit ayaw?" Tanong ko ulit sa kanya.

"What? Stuck tayo rito? Wow." What? Stuck.

"ANONG WOW KA DYAN! Sumigaw ka!"

"Papagudin lang natin ang vocal chords natin kung sisigaw tayo. Wala rin namang pupunta." Nga pala.

Malayo kasi ang stockroom sa gym, nasa sulok at nasa likod na likod pa! Janitor lang ang napapadaan dito.

"Aish! Ayos lang to. Pag napansin nung teacher na di pa ako nabalik, pupunta sya rito. YES!" Sana nga mapansin ni Sir Panot.

"Ingay mo. Tabi ka nga dito. Alam ko naman gusto mo." Kapal. Ewan ko sayo. Di ko na lang sya pinansin.

Nakaupo sya dun sa may tabi. Maputi si Elvino, matangos ang ilong, matangkad, tapos ang laging sinasabi nina Liz na nakakaakit daw yung fangs nya. Yes, medyo matilos parang vampire. Para syang si Edward Cullen, kaso manyak sya.

"Gwapo ko no?" Hala. Bigla bigla na lang umiimik.

"UTOT MO!" Natawa naman sya.

"Anong theme nyo sa cafe mamaya?" Pakiramdam ko, namula ako.

Simula noong nagkaaway kami, naging parang stalker ko na sya. Kahit sa trabaho ko, nandoon sya. Nireremind ko sa inyo readers, nagtratrabaho ako sa isang cafe. Girly Costumes (NA AYAW KO) And we serve costumers. Target martket namin: Lalaki.

"Ano..." Namumula na siguro yung pisngi ko. Nahihiya tuloy ako.

Kasi ang theme namin ay MAID. May sasabihin pa kaming mga master. Ugh! -.-

"Haha. I like it when you're all shy." He held my cheek, sobrang pula ko na ata.

"Shut up!" Yun lang ang alam kong sabihin eh.

"Alam mo bang hindi na ako playboy?" Huh? Pake ko kung hindi na sya playboy. Pero, curious ako.

"T-talaga?" Sino naman kayang siniseryoso nito?

"Tinigil ko na. Kasi gusto kong ikaw lang at ikaw ata ang unang babaeng seseryosohin ko." Hindi maprocess ng utak ko ang nangyayari ngayon.

"Are you..."

"Yeah, Allieha. Gusto kita. Gustong gusto." Yumakap sya sakin.

"Elvino..."

BLAG! O_O

Bumukas yung pinto niluwa nito si Rhuis.

"Ah. Ehhh... Sorry kung nakakaistorbo ako. Pero nasan daw yung badminton?" Ihagis ko to sa mukha nya!

Sa sobrang hiya ko, nagtatakbo ako pabalik sa gym! NAKAKAHIYA! Nakita nya akong nakayakap kay Elvino. >///<

SHEENA'S POV

Ang tanga ko siguro, no? Mahal ko pa din ang isang taong walang ginawa kundi iwanan ako at paasahin. Samantala sinaktan ko ang lalaking gusto ko na.

It's true, regret always comes last. I wish I didn't say it.

*FLASHBACK*

"KASI AYAW KO MASAKTAN KA ULIT!"

"Justin..."

"Sheena, maniniwala ka ba dun sa g*gong yun?"

"Justin. DONT! You don't even know him." Ewan ko pero nasasaktan ako pagsinasabihan si Kurt ng masama.

"Maybe I don't. But I know one thing for sure, Sheena. Mahalaga ka sakin at hindi ko hahayaan that living sh*t take you for granted."

Ewan ko. I was hurt. Confused, so I just run.

"Sheena!" Hinabol nya ako. Tumigil ako sa may tapat ng stockroom.

Tumago ako pero nahanap pa rin nya ako.

"Justin, ENOUGH! What do you know? Ano bang alam mo sa pinagsamahan namin ni Kurt?! Napilitan siguro syang... Iwan ako, tapos..."

"Sheena, umaasa ka pa ba? Kung mahal ka nya, hindi ka nya babalikan. Kasi kung mahal ka talaga nya, hindi ka nya iiwan. Because he should know by now that Sheena you are meant to be with someone better who will never leave you."

Napaiyak ako. I could see pain in Justin's eyes. Pain because of me. He walked away. I regretted what I said.

*End Of Flashback*

----------

Yan, umamin na si Elvino na may gusto sya kay Allieha.

Request ko lang, anong pwedeng maging LOVE TEAM nina ELVINO at ALLIEHA? <3

I NEED YOUR VOTES AND COMMENTS. THANKS! :*

Love Comes Perfectly [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon