LCP16: First Date.

109 4 1
                                    

JUSTIN'S POV

*Bababa.Bababanana*

Ano ba yan, ang aga-aga may nagtetext agad. -_- Wag kayong ano, ringtone ko yan.

From: Tita Sandra

Justin, ngayon kami uuwi ng magulang mo. Wag mong sasabihin kay Sheena na ngayon kami uuwi, isama mo sya sa pagsundo samin.

Akala ko naman kung sino na ang nagtext. Makabangon na nga.

Bago ako bumaba, pumunta muna ako sa kwarto ni Sheena. Titingnan ko lang kung gising na sya.

Hayys. Tulog na tulog ang prinsesa. Bumaba na ako at nagluto. Pagkatapos ko magluto pupuntahan ko na si Sheena.

Umakyat na ako para gisingin sya at para kumain na din kami.

"Uy! Sheena, gumising ka na. At bumaba kana." Pagkasabi ko ay bumaba na din ako.

Habang ako ay nag-aayos ng mga plato ay bigla syang nagsalita pababa ng hagdan.

"Ang aga mo namang manggising." Sabi nya habang inaayos nya yung buhok niya.

"Bilisan mo na at ikaw ay kumain na." Sabi ko sa kanya.

Bumaba na sya ng hagdan at umupo na sa silya.

"Bakit ba?" Nakapout nyang sabi.

"May pupuntahan tayo. Pagkatapos mong kumain, maligo ka na."

"Saan nga tayo pupunta?" Ang kulit naman nito.

"Basta nga!"

"Ok." Bored nyang sabi.

"Bilisan mo na."

Natapos na kaming kumain. At naligo na rin si Sheena. Pati din ako, para hindi na kami magtagal.

Mayamaya ay bumaba na kaming dalawa at lumabas na ng bahay para maghintay ng taxi.

Katext ko si Tita Sandra, sumisilip si Sheena pero ayaw ko ipakita kaya sinangahan ko ng kamay ko ang cellphone.

"Sino ba yang katext mo?!" Napatingin ako sa kanya, I felt a small smile tug on my lips, she was wearing a cute dress. Ano bang naisip nya? Does she think I'm taking her out? Well, maybe.

"None of your business, not unless you're jealous?" I smirked.

"Hell no! San ba talaga tayo pupunta?! A-and what is this?"

"Ang alin?" Tanong ko.

"A-anong meron ngayon? Are you---"

"You're assuming na I'm taking you out for a date, right?" Uminit yung mukha ko pagkasabi ko, naalala ko kasi yung nangyari kahapon, yung pande-- PAGAMIN KO. That I like her. Who wouldn't?

"Masama?! Umamin ka naman." I blushed.

"Oo na, pandesal to---"

"ANONG PANDESAL?!" Namula sya.

"I know you're jealous. Pero remember, you're the only girl I crush on you." I winked at her.

"SHUNGA! Ikaw ha."

"For now." Haha. Maasar nga.

"ANO?!"

"Wala. Tara, date tayo." Hinawakan ko yung kamay nya, sa wakas dumating din yung taxi.

Habang nakasakay kami sa taxi, nagsalita sya.

"Justin, sino ba yung katext mo?!" Naiinis nya sabi. Bawal ko pa kasing sabihin sa kanya eh. Secret daw kasi.

Love Comes Perfectly [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon